ELISA
Tahimik lang aking nakikinig sa labas. Simula ng dumating ang order nilang pagkain, nag-iingay na sila. Lalo na si Alex. Hindi ko alam kung nananadya ba sila.
Napa-hawak ako sa tiyan ko ng bahagya itong sumakit.
I'm hungry.
Pabagsak akong humiga sa kama at tumihaya. I placed my right hand on my flat stomach. Matutulong na lang ako ulit para mawala ang gutom ko. I shut my eyes.
Nakaka-ilang segundo palang ako ng pumikit ng bumukas ang pinto kaya napabangon ako.
"Eat." Si Dominic na may dalang tray laman ang mga order nila.
Lalo akong nagutom.
Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabihan ko. Umusog ako at dumistansya.
He heavy sighed.
"You should eat now. Hindi na 'ko ang nag-luto nito." Sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nang-aasar ba siya?
"Kumain ka na."
Ilang beses akong lumunok bago ko kuhanin ang tray. Hindi ko na pwedeng pa-iralin ang pride ko. Baka mamatay ako sa gutom kapag umayaw pa 'ko.
"After you eat, list down all you need. Ako na ang bibili ng mga 'yon." He said.
Tiningnan ko lamang siya bago ako mag-simulang kumain. Feeling ko ma-uubos ko lahat ng 'to.
Nakaka-ilang subo na 'ko ng matigilan ako. Para siyang tanga na naka-titig sa'kin habang pinapanood ang pag-kain ko.
"Why are you still here? Lumabas ka nga." Tumigil ako sa pagkain saglit para lang sabihan siya.
"I want to watch you."
"Hindi ako maka-kain ng maayos."
Natigilan siya bago tumayo at umupo sa may sofa.
"I'll wait for you here."
Seriously?
"Okay na ba?" Tanong niya pa habang naka-ngiti.
"Labas." Sabi ko.
Nawala ang ngiti niya at dismayadong tumayo. Ilang segundo niya 'kong tinitigan na parang nagmamaka-awa pa siya sa'kin.
"Then I'll go." Aniya.
I ignored him and waited for him to go out before I continued my meal.
👔👗
DOMINIC
"Kamusta siya papa Dom? Kumain na?"
Alex asked me after I left the room."Yeah."
"Mabuti naman." He nodded and look at me. "Paano yan? Ayaw niya ng mga luto mo? Araw-araw tayong magpapa-deliver?" He added.
I was thinking about it.
Alam kong aayawan niya talaga kapag alam niyang ako ang nag-luto. Ganon na katigas ang puso ng asawa ko. Gusto ko man bumawi, pero kailangan kong itigil ang paghahanda ng mga pagkain para sa kaniya.
"Papa Dom ganito na lang, para hindi masayang ang effort mo, ikaw pa din ang mag-luluto pero palalabasin na lang natin na ako para hindi tanggihan ng asawa mo."
I looked at him. Damn, bakit hindi ko na-isip 'yon?
"Yeah right. That's a good idea, Alex." Tumango-tango pa 'ko bilang pagsang-ayon.
"Diba? Ang dali-dali lang nun eh, 'di mo na-isip."
I glared.
"Joke lang hehehe. May i-uutos ka pa ba sa'kin?"
"None."
"Okay."
I look around.
"Where's my son?"
"Ah, nandoon sa dagat, magsi-swimming daw siya eh—"
"Damn it! Why you let him alone?!"
"Duh! Pina-alis nga 'ko eh. Kaya na daw niya ang sarili niya. I bet, swimmer naman ang anak mo—"
"Kahit na!" What if something happened to my son?!
Damn!
"Diyan ka lang at bantayan mo ang ma'am mo." Sabi ko bago ako umalis para mapuntahan ang anak ko.
👔👗
ELISA
Sumandal ako sa headboard ng kama pagkatapos kong kumain. Dinukot ko ang cellphone ko sa pants ko. Pilit kong binubuksan pero ayaw na. Sa sobrang lowbat kaya ayaw ng bumukas. I groaned in frustration. Pati ang bag ko, hindi ko alam kung saan inilagay ng lalaking 'yon! Kainis!
"Ma'am?" I stopped when I heard Alex's voice.
I did not respond and returned my phone in my pocket.
"Come in, Alex." Sabi ko.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto.
"Hi, ma'am."
Tipid akong ngumiti.
"Wow, ubos na ubos po ma'am ah!" Napatawa ako ng bahagya. Parang kanina lang, takot na takot siya sa nasabi ko pero parang wala lang iyon sa kanya.
"Si Eric? Nasaan?" Tanong ko.
"Nasa labas po sila nagsi-swimming ni sir." I nod.
Bigla ko namang naalala ang mga ipinapalista ni Dominic sa'kin.
"Alex, may papel ka ba? And ballpen?"
"Bakit po?"
"I'll list down the things that I need. Alam mo naman na wala akong nadala bukod sa bag ko."
"Ay, oo pala." Sabay tawa niya. Tumingin tingin ito sa loob ng kuwarto.
"Naku ma'am, wala po kong papel at ballpen dito eh."
"Ganon ba? Alam mo ba kung saan inilagay ni Dominic ang bag ko? May ilan kasi akong gamit doon."
"Ay wait, lang ma'am, kuhanin ko."
Lihim akong napa-ngiti. Makakapag-charge na 'ko kung sakali.
"Sige, hihintayin kita dito. Thank you."
"Okay ma'am!" Tumalikod na siya sa'kin at akmang aalis pero huminto ito at nilingon ako.
"Bakit?" Patay malisya kong tanong.
Ngumiti siya.
"Si ma'am talaga! May cellphone naman po ako. Ito," Inabot niya sa'kin ang cellphone niya. "Paki-type na lang ma'am."
Nawala ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...