ELISA
"Mama, hindi ka na ba po talaga sasama sa amin?" Tanong ni Eric sa akin matapos kong ayusin ang buhok niya.
Bukas na ang alis namin pabalik sa Switzerland kaya heto na ang huling beses na magkakasama niya si Dominic bago kami umalis.
"Eric, diba nag-usap na tayo? Gusto mo bang mag-away ulit kami ng daddy mo?" Ayoko na sanang sabihin ito sa kanya, pero matalino ang anak ko at kahit ibahin ko pa ang dahilan ko, alam kong 'away' pa din ang naiisip niyang dahilan.
"But..." He barely stopped.
I sighed as I held his chin up.
"Baby, I don't have to—"
"But it's more fun when you come with us, mama..."
"Look," Tinuro ko ang mga gamit na inaayos ko. "Hindi pa ko tapos oh, aayusin ko pa ang mga dadalhin natin bukas. Gusto mo bang mapagod ako lalo?" Tumingin naman siya sa mga gamit na nasa kama ko.
Kahapon lang ako nag-simulang mag-empake at kung ano-ano pa. Mas marami kasi ang dala na damit ni Eric kesa sa akin. Nagpadami ang mga libro na binabasa niya.
"Okay mama..."
"Mag-enjoy ka doon ha?"
"Yes, mama..."
"Smile ka na."
He smiled at me so I pinched his cheek.
"Ang pogi talaga ng baby ko!"
"Ma, stop na! I'm not a baby na po kaya." Sabay nguso niya.
"You're my baby."
"Hmp! Mama naman eh!"
"Tama na ang laro, nandiyan na ang sundo mo Eric." Napalingon naman kami kay mama na nasa may bungad na ng pinto.
Seryoso ang kaniyang mukha kaya alam kong nandiyan na si Dominic sa labas.
"Nandiyan na si daddy! Bye, mama!" Humalik siya sa akin bago kay mama "Bye lola!" Patakbong itong lumabas kasama ang isa sa mga yaya dito sa bahay.
Naiwan naman kami ni mama dito sa kuwarto.
"Tapos ka na diyan 'nak?" Tanong ni mama ng makapasok na siya sa loob ng kuwarto ko.
Umupo ako sa kama ko. Ganon din siya.
"Hindi pa nga po, ma. Puro gamit po ito ni Eric. " Napatawa naman si mama sabay tingin sa'kin.
"Parang kahapon lang kayo dumating pero uuwi na kayo bukas pabalik."
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
"Oo nga po eh. Don't worry ma, babalik din kami ulit. Pag nag-bakasyon na si Eric."
"Gusto ko 'yon 'nak, kaso, kapag naiisip ko na ginugulo ka ng dati mong asawa, mas gugustuhin ko na lang na doon na lang kayong mag-ina sa Switzerland. At least doon, tahimik ang buhay niyo." Aniya.
May punto naman si mama. Pero iniisip ko ang anak ko.
"I know, ma. Pero malulungkot si Eric kapag hindi na kami bumalik. Nangako ako sa kanya na babalik kami dito."
"Alam ko 'yon, at may tiwala ako sa'yo na kaya mo ng mag-desisyon para sa inyong mag-ina. Hindi ka na tulad ng dati Elisa. Kaya wala ng dahilan para magpaka-tanga pa ulit." Natahimik ako at napa-titig lang sa kaniya.
Tama si mama. Wala ng dahilan.
"Thank you, ma." Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Wala 'yon 'nak." Ngumiti naman siya pabalik sa'kin. "Oo nga pala, kamusta na si Marco? Bakit hindi nagpapakita sa'kin ang batang 'yon?"
Hindi ko alam kung ano ng nangyari kay Marco. Tumawag siya sa'kin noong isang araw pero hindi naman siya nagsasalita. Balak ko sana siyang bisitahin sa condo niya, kaso naging busy ako.
"Hindi ko alam, ma. Baka po busy siya o kaya, bumalik na siya sa Switzerland."
"Ng hindi nagpa-paalam sa'yo?"
Napatingin ako kay mama.
"Hindi naman niya po kailangang gawin yon. May sari-sarili naman po kaming buhay."
"Pero nasanay ka sa ganon Elisa. Na lagi siyang nagpa-paalam."
"Hindi din, ma."
"Bakit?"
"Ang hilig niya po kaya sa surprises! Umuwi siya dito ng walang sabi-sabi."
"Ganon ba?"
Napatawa na lang ako at tumayo na. Kinuha ko ang susi ng kotse ko.
"Saan ka pupunta 'nak?"
I smiled.
"Kay Marco po ma."
👔👗
Nandito na ako ngayon sa tapat ng unit ni Marco. Hindi ko alam kung kakatok ba 'ko o hindi. Kapag kumatok naman kasi ako, hindi niya maririnig. Soundproof ang unit niya.
Ilang minuto akong nakatayo sa harap ng unit niya. Wala na 'kong ibang option pa kung hindi ang maki-alam na.
I know his password. Nakita ko 'yon ng una kong punta dito. Hindi ko naman sinasadyang tingnan eh.
As I pressed his password numbers, I knew that he knew already who was trying to get into his unit.
Then the door opened slightly.
Kasabay non ay ang pagbalik sa akin ng isang alaala. Isang masakit na nakaraan.
Napapikit ako at bahagyang napaatras. Hindi ko alam pero hanggang ngayon, nararamdaman ko pa din ang sakit na 'yon. Kahit pilit ko na 'yong kinakalimutan.
Bakit ka pa kasi pumunta dito Elisa!
"Elisa?" Napadilat ako ng tawagin ako ni Marco.
At sa harapan ko, nakatayo siya at puro pasa ang mukha. Pagaling na ang iba. Pero pansin na pansin ang mga sugat niya.
Bahagyang nanlaki ang mata ko.
"Oh god... What happened to you, Marco?"
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...