ELISA
"I'm always here for you Elisa. I'm HERE."
That made me stop for a moment. Para bang bigla akong nailang sa sinabi niya at sa pagka-seryoso ng mukha niya. God, what's happening?
"Marco..." Napatawa siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Why?" I smiled.
"Thank you."
"You're always welcome." Ngumiti siya sa'kin.
I'm so thankful that he became part of my life. Isa siya sa mga taong habang buhay kong pasasalamatan.
"By the way, let's go? Ipagluluto kita." Sabi ko.
"Oh, sure!" Nauna na 'kong bumaba sa sasakyan at sumunod naman siya sa'kin.
Naabutan ko sina mama at Eric na magkasama sa sala.
"Hi!" Sabay silang dalawa na napalingon sa'kin.
"Ma!" Lumapit agad sa'kin ang anak ko.
"Hi, tito Marco!"
"Hey! Pogi natin ah! Mana ka talaga sa'kin." Napangiti naman ako sa kulitan ng dalawa.
"Hi, tita. Kamusta?" Sabay baling niya kay mama.
"Okay lang ako hijo. Kamusta? Kailan ka pa dumating?"
"Last night tita."
"Dapat ay nagsabi ka, para nakapag-handa ako ng mga pagkain." Napatawa kaming dalawa.
"I want to surprise your daughter tita." Napatawa naman si mama.
Kahit kailan talaga ang hilig ng isang 'to sa surprise.
"Ah, okay." Nilingon ko naman si Eric.
"Eric, what did I told you?"
"Ma..."
"Hmmm?"
"I can't sleep. Sorry." Napatawa ako sa sagot niya.
"No, it's alright." Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Magluluto ako ng merienda. What do you want?"
"Banana cue mama." I nod.
Favorite na favorite talaga.
"How about you Marco?"
"Yun na lang din."
"Okay. Dito na muna kayo. Have fun."
"Yes, ma."
"Yes, honey."
Napatawa na lang ako. Sanay naman na 'ko sa endearment niyang 'yon sa'kin.
👔👗
"Elisa." Biglang dumating si mama at tumabi sa'kin.
"Why ma?"
"Tapos ka na ba dyan sa niluluto mo?"
"Malapit na po mama."
"Ah sige."
"Why ma?" Napansin ko ang pagtitig niya sa'kin.
"Nakaka-usap pala ni Eric ang papa niya?" Napatigil ako saglit bago ko siya lingunin.
"P-Pano nyo po nalaman?"
"Sinabi sa'kin kanina ni Eric."
"Sinabi niya? Kailan pa po?" Pinatay ko ang stove bago ko harapin ulit si mama.
"Kanina niya lang kinuwento. Sa totoo lang ay nagulat ako. Akala ko kasi, wala siyang koneksyon sa lalaking 'yon."
Hindi ko alam ang isasagot ko. Dapat pala ay nagka-sundo kami ng anak ko na kami lang muna ang nakaka-alam na nakakapag-usap sila ni Dominic. Alam ko kasing magagalit si mama.
"Ma..."
"Matagal mo na ba 'tong alam Elisa?"
"Ma, kailan ko lang rin nalaman."
"Matagal na pala silang nakakapag-usap. Matagal na naglihim sa'yo ang anak mo."
I sighed.
"I know ma... Wala naman na 'kong magagawa."
"Anong plano mo? Hindi malayong humiling sa'yo ang anak mo na makasama ang ama niya." Napatigil ako sa sinabi ni mama.
"Anak, nilayo natin si Eric dahil sa nangyari. Walang ideya ang bata sa pag-alis natin noon."
"Ma, tama lang naman yung ginawa natin. Dahil kung nag-stay pa tayo noon, baka mas lumala lang ang sitwasyon. Napagod ako ma, nasaktan. Kaya tama lang na sinama natin si Eric. Anak ko siya mama. Ako ang nag-luwal sa kanya at naghirap. Ama lang siya."
Lumapit sa'kin si mama at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, naiintindihan kita. Pero gustong makasama ni Eric ang papa niya."
"Alam ko naman 'yon mama. Matagal na niyang sinasabi sa'kin."
"Papayag ka ba na makasama ni Eric ang papa niya?"
Tumingin ako sa kanya.
"Yes, ma. For a limited time."
Tumango naman si mama sa desisyon ko.
"Hindi ko naman ipagdadamot sa kanya si Eric, mama. Gusto ko lang makitang masaya ang anak ko. Kayo ba ma? Papayag ba kayo?"
"Galit ako sa dati mong asawa pero ikaw pa rin ang magde-desisyon."
"Paano kung humiling ang bata na magsama kayo ng lalaking 'yon?" Dagdag niya.
"Ma, alam na po ni Eric na wala na kami."
Napatigil si mama.
"Actually, matagal na siyang may ideya na wala na kami ng papa niya. He's just pretending that he doesn't have an idea."
"Matalino ang anak mo Elisa. Kaya hindi na 'ko magugulat."
"Pero nagulat pa din ako mama. Feeling ko kasi, ang sama-sama ko dahil nag-lihim ako sa kanya. Kaya ng malaman ko na nagkaka-usap sila, hindi na po ako tumutol. Kahit na galit ako kay Dominic, hindi ko magawang sirain ang meron sila ngayon. I just want my son to be happy."
"Ako din naman anak. Gusto kong maging masaya ang apo ko. Basta bantayan mo lang siya at ang lalaking 'yon."
"I will, ma. At hindi ako papayag na makilala at mahawakan ni Leslie ang anak ko."
"Who's Leslie, mama?" Napatigil ako ng biglang dumating si Eric kasama si Marco.
Nagka-tinginan kaming tatlo.
"Uh..." Lumapit ako agad sa anak ko.
Ngumiti ako at pumantay sa kanya.
"She's a dog," I said.
"A dog?"
"Yes, baby. Leslie is a dog. A female dog." Kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Marco sa likuran ng anak ko.
"Oh okay. She's a bitch."
Muntik na 'kong matawa.
Exactly!
"Eric?"
"Why ma? A bitch is a female dog. Diba tito?" Sabay lingon niya kay Marco.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o mabo-bother. He's too young to know that term. But my son was right. A female dog is a bitch.
So...
"I think you're right." Sagot ni Marco.
SO AYON. HAHAHAHA! SORRY KUNG NGAYON LANG AKO ULIT NAKAPAG-UPDATE BUSY NA PO KASI TALAGA AKO. 😔 AND BTW, I KNOW NA NAG-NOTIF SA INYO KANINA NA NA-UDPATE KO 'TONG CHAPTER NA TO. THEN, INALIS KO DIN SIYA AGAD KASI NAPINDOT KO LANG TALAGA YUNG PUBLISH INSTEAD NA SAVE. HAHAHAHAHAHA! (skl)
GOOS NIGHT!!! 😘
-BSL
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...