Chapter 8

52.8K 1.4K 99
                                    

ELISA

"Ma'am Elisa ako na po dyan. Pasensya na po at ngayon lang ako nagising." Nilingon ko si Cherry na sinusuot na ang apron niya.

"No, it's alright. Ako na. Tsaka wala naman akong ginagawa dito sa bahay. Hayaan mo muna ako. Na-miss ko din kasi ang ganito." Nakangiting sabi ko.

Maaga akong nagising kaya ako na ang nagdesisyon na magluto. In- charge si Cherry dito sa kusina.

"Naku ma'am, nakakahiya naman po sa inyo. Ako na po dyan ma'am, sige na po—"

"Cherry, okay lang. Allow me. Just help me to prepare after." I said.

Ngumiti naman ito sa'kin tsaka tumango. Matagal na naming katulong si Cherry, pero tinuturing namin siya na parang kamag-anak. She's our youngest maid here. Hindi ko lang alam kung ano ang edad niya. Maganda siya at mabait. Sobrang sipag pa.

"Cherry, how old are you?" I asked while I'm stirring.

"26 po ma'am." I looked at her.

"Really?"

"Opo ma'am. Bakit po?"

"Wala lang. Kamusta ka naman dito? May boyfriend ka na 'no?" Biro ko.

Bigla naman itong nag-iwas ng tingin.

"Oh sorry, Cherry—"

"Hindi po ma'am okay lang po. Nagulat lang po ako." Sagot niya.

Napatawa naman ako.

"I'm sorry."

"Okay lang po ma'am. A—ang totoo po kasi, wala po talaga akong boyfriend dahil 'di po pwede." Sagot niya.

"Bakit naman?"

"M—may anak na po kasi ako." Napatigil ako sa paghalo ng niluluto ko at nilingon siya.

Nabigla ako sa sinabi niya.

"May anak ka na?" Di makapaniwalang tanong ko.

"O—opo ma'am."

"Really?"

"Opo ma'am."

"Ilang taon na siya?"

"5 years old po ma'am."

"Oh my, akala ko wala ka pang anak. Hindi mo sinabi samin." Sabi ko.

"Natatakot po kasi ako na hindi po ako matanggap dito. Kailangan ko po kasi talaga ng pera para mabuhay ang anak ko kaya po 'di ko po sinabi na may anak na 'ko." Paliwanang niya.

"Nasaan ang anak mo? Nasa asawa mo ba?"

Muli itong nag-iwas ng tingin at yumuko.

"W—wala po akong asawa. I—iniwan niya po ako. Kami ng anak ko." Sabi niya.

Napatakip ako ng bibig dahil sa pag-amin niya. Nagsisi ako bigla na hindi ko na lang dapat tinanong 'yon sa kanya.

"Cherry, I'm sorry..."

Nag-angat siya ng tingin sa'kin at tsaka ngumiti.

"Okay lang po ma'am. Tsaka hindi naman po ako nahihiya na mag-open sa inyo. Magaan po ang loob ko sa inyo." Sabi niya sa'kin.

Napa-ngiti naman ako dahil hindi siya nahihiya sa'kin.

"Thank you Cherry. Basta kapag may problema ka, sabihin mo lang sa'kin. I'm willing to help you." I said.

She smiled at me.

"T—talaga po ma'am? Salamat po." I nod.

"You're welcome. Nga pala, babae ba ang anak mo? Or boy? Gusto ko siyang makilala."

"Babae po ang anak ko."

Bigla akong natuwa sa sinabi niya.

"Talaga? What's her name?"

"Honey. Honey po ang pangalan niya. Naku ma'am, napaka-kulit po ng anak ko, kaya po hindi ko po siya magawang dalhin dito." Sabi nito.

Pinatay ko muna ang stove at humarap sa kanya.

"It's alright Cherry. Bata kasi kaya makulit. Dalhin mo siya dito kapag may free time siya. Pumapasok ba siya?"

"Opo ma'am. Ang tiyahin ko po ang nagbabantay sa anak ko."

"Oh, ganon ba? Bring her here. I would like to meet your daughter. Maganda din siguro siya katulad mo."

Napatawa naman ito sa sinabi ko.

"Sobrang kulit naman po."

"Ganon talaga! Paki-handa na lang nito Cherry, gigisingin ko lang si Eric. Sumabay ka na din sa'min mag-almusal."

"Salamat po."

I smiled.

👔👗

"Eric wake up—oh, sorry!" Napatigil ako ng maabutan ko ito na kausap ang ama niya via Skype.

This early in the morning?

"Ma..." Nagulat ang anak ko dahil sa biglang pagpasok ko. Hindi ako agad nakaka-kilos habang nakatayo lang ako sa likod niya.

Hindi ko naman kasi alam na ganito ang maabutan ko. Akala ko ay tulog pa siya kaya 'di na 'ko kumatok

Napatingin naman ako sa kausap niya na titig na titig sa'kin. Halata sa mukha nito na bagong gising lang din. I threw off my head and look at my son instead.

"Breakfast is ready, gusto mo na bang kumain?" Tanong ko dito.

"N—ngayon na mama?"

Napatingin naman ako sa kausap niya. Oh, I forgot.

"You can follow, after. Sige na, mauna na 'ko—"

"Elisa."

I held back when he called my name.

"M—mama, tawag ka po ni papa."

"Oh, sorry." I forced myself and met his gaze.

"Yes?" I asked.

Hindi siya agad naka-sagot dahil titig na titig lang siya sa'kin. Kagaya noong una ulit naming pagkikita, tulala na naman siya. Na parang ang dami niyang gustong sabihin.

Hinintay ko siya na magsalita pero nakatitig pa din ito sa'kin. Nainis ako bigla dahil ayoko pa naman na tatawag-tawagin ako tapos wala namang sasabihin. He really likes to waste my time like he did last time.

"I have to go—"

"Good morning, Elisa." He said.

I was stunned.

Napatingin naman ako sa anak ko na naka-tingin lang sa'kin at naghihintay sa sasabihin ko. Alam na ni Eric ang tungkol sa sitwasyon naming dalawa ng ama niya. Na hindi na kami katulad ng dati. At ngayon ko lang naranasan ang awkwardness sa pagitan naming tatlo. I want to act normal, but I can't.

I faced my son and caress his face.

"Good morning." I said.

And I won.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon