ELISA
Padabog akong pumasok sa loob ng kuwarto at ni-lock 'yon.
"Elisa, open this door!"
"Leave me alone!"
"Damn it!"
"Pa-uwiin mo na lang kasi ako pwede ba?!"
Hindi ko na siya narinig pang sumagot. Hinintay kong baka buksan niya pa ang pinto at pasukin ako pero hindi 'yon ng nangyari.
Napahinga na lang ako at napa-upo sa kama. Sa pag-upo ko, tumulo na ang luha ko. Na-iyak na ako sa galit. Nami-miss ko na din ang anak ko. Hindi ako sanay na mawalay kay Eric. Buong buhay ko, siya lang mayroon ako. Simula't sapol, anak ko na ang karamay ko.
"I hate you." I muttered between my sobs.
Tumayo na 'ko para sana maligo pero ng ma-realize ko na wala pala 'kong damit, mas lalo akong na-iyak. Lowbat na nga 'ko, tapos ganito pa! Sumama ang tingin ko ng mapatingin ako sa pintuan. Ilang segundo akong nakatitig doon bago ako lumabas. At pagka-labas ko, bumungad sa'kin ang dalawa na nag-uusap sa sala. Parang seryoso pa ang usapan pero ng makita ako ni Alex ay ngumiti siya sa'kin. Hindi ko alam kung ngi-ngitian ko ba siya pabalik o hindi. Naiinis kasi ako sa kasama niya. Kaya ang ending, padabog na lang akong lumapit sa kanila.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Hindi ko alam, pero 'yon ang unang lumabas sa bibig ko pagka-lapit na pagka-lapit ko sa kanila.
Nagka-tinginan muna sila bago tumayo si Dominic at harapin ko.
I crossed my arms.
"Maliligo ako. Ang kaso, wala pala 'kong damit." Sabay iwas ko ng tingin.
"I-lista mo ang mga kailangan mo. Ipapabili ko kay Alex."
I looked at him
"Hanggang kailan ba 'ko dito? Alam ba ng pamilya ko ang ginawa mo sa'kin?" Tanong ko. Tumingin ako kay Alex tapos tumingin din siya kay Dominic.
"Give me your list—"
"Tinatanong kita. Alam ba nila?"
"No." Sagot niya.
Muntik ko na siyang masampal pero pinigilan ko lang amg sarili ko.
"Kung hindi mo ako ibabalik sa loob ng 3 araw, mapipilitan akong gumawa ng paraan para maka-hingi ng tulong at mapa-kulong kayong dalawa!" Napa-tayo si Alex ng marinig niya ang huling sinabi ko.
"Sir..." Napa-kapit siya kay Dominic at halatang takot na takot.
Samantalang ang amo naman niya ay parang dedma lang sa sinabi ko.
"May trabaho at anak ako Dominic. Sana man lang inisip mo muna ang kabaliwan mo."
Hindi siya sumagot at nilingon lang si Alex. May sinabi siya dito at maya-maya lang, ay umalis din agad.
Nangunot ang noo ko.
"Saan siya pupunta?"
This is my chance!
"Inutusan ko siya—Elisa!"
Mabilis akong nag-lakad para sundan si Alex pero nahila niya agad ako. Isinara niya ang pinto at isinandal ako doon.
"Let me go!"
Mahigipit niyang hinawakan ang magka-bilang braso ko. Matalim niya 'kong tiningnan at kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"Tatakas ka?"
"Oo." Mas humigpit ang pag-diin niya sa'kin sa pinto.
"Damn it! Bakit ba ang kulit mo? Hindi ka aalis!"
"Marami akong naiwan na trabaho Dominic!"
"'Yon lang ba ang pino-problema mo?" Hindi ako sumagot.
Ang totoo, tinapos ko na lahat ng trabaho ko dito sa Pilipinas bago sana kami umalis. Palusot ko lang 'yon para pakawalan niya na 'ko.
"Bitawan mo na 'ko." Tinitigan niya muna ako bago niya 'ko bitawan.
Sunod-sunod ang pag-hinga ko dahil sa kaba kanina. Sobrang lapit niya at parang may balak siya sa'kin na hindi maganda.
"Here," Nanlaki ang mata ko ng may i-abot siya sa'kin.
His phone.
Napatingin ako sa kanya.
"What?"
"Are you serious? Pinapahiram mo ng phone ang kinidnap mo—"
Padabog niyang inilagay sa kamay ko ang phone niya. Nagulat ako sa ginawa niya.
So he's serious, huh? Hindi niya ba alam ang maari kong gawin?
"Call them if you want. I'm giving you 2 minutes."
What? 2 minutes?!
"What are you looking at? Ma-uubos ang oras mo."
Ilang beses muna akong kumurap bago i-dial ang number ni dad. Hindi ako mapakali habang nagri-ring 'yon.
Dad please, answer it!
Napakagat labi ako at di-nial ulit ang number niya.
"1 and 20seconds, "
I rolled my eyes.
Hindi na 'ko mapakali sa kinatatayuan ko. Hindi pa din niya sinasagot!
"1,"
"Shut up Dominic. " Si mama naman ang tinawagan ko.
Ilang sandali pa ay sinagot na niya. Halos magtatalon ako sa tuwa.
"Ma!"
"Oh, Elisa? Napatawag ka? Kamusta ang bakasyon niyo diyan?"
Natigilan ako.
What? Bakasyon?
"Mama—"
"Nga pala! Hindi mo sinabi sa'kin na may bago ka na palang secretary! Ang guwapo ha! Kaso pusong babae pala." Sabay tawa niya pa sa kabilang linya.
"Ma? What are you saying? Anong bagong secretary? Si Lally lang naman ang secretary ko."
"Ha? Eh, sino yung pumunta sa opisina ng daddy mo? Nagpa-kilala siyang secretary mo. At ang sabi pa, nasa bakasyon ka daw. Biglaan daw dahil may ganap daw diyan. Saan ba 'yan at ilang araw? Hindi na ba tuloy ang alis niyo?"
"Ma, makinig ka muna sa'kin—"
"Si Eric? Nandiyan na ba? Dumaan dito si Saavedra kaninang madaling araw. Kinuha ang bata. Ang sabi sa'kin, utos mo daw na dalhin diyan. Kaya pinasama ko na."
Lalo akong naguguluhan sa mga pinagsasasabi ni mama. Si Eric kinuha niya?
"Ma, nandito ako sa Isla! Help me—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng agawin sa'kin ni Dominic ang cellphone niya. Aagawin ko pa sana pero nahapit niya agad ako sa bewang at idiniin sa kanya.
"Wala sa usapan natin na hihingi ka ng tulong sa kanila Elisa. Dahil sa'kin ka na ulit simula ngayon." Sabay halik niya sa'kin ng mariin.
BINABASA MO ANG
No More Ignorance (BOOK 2)
General FictionA once called ignorant, selfless wife, is ignorant and selfless no more. And from all the pain she had been through, hindi na siya makakapayag na matapakan muli ang pagkatao niya. Hindi niya hahayaan muli na maisahan siya dahil sa kahinaan niya noon...