Huli na nang magising si Miracle dahil sa nangyari kagabi. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari. Sa tuwing naaalala niya iyon ay kinikilabutan siya, parang nakakaramdam siya ng lamig sa kaniyang gulugod. Ang mga matang nakita niya kagabi, ang pagtitig nito sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang sarili pero sigurado siyang may kakaiba sa pusang iyon. Hindi iyon katulad ng iba, iyon ay kakaiba at hindi lang iyon basta hula o guni-guni.
Nagpasiya nalang siya na maligo na't saka bumaba sa kanilang hapag-kainan. Para na rin masabayan kumain ng almusal ang kaniyang pinsan na si Mavis. Pagkababa niya ay nakita niya ang kaniyang pinsan na halos humaba na ang nguso dahil sa nakasimangot ito, kita niya rin ang kunot sa noo nito na tila problemado.
"May problema ka ba?" tanong agad ni Miracle nang makaupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ng kaniyang pinsan. "Si Papa, nauna na?" habol na tanong pa nito.
"Hmm," tangong-sagot ng kaniyang pinsan sa kaniyang tanong, "nanaginip pala ako," pagkuwento ni Mavis.
"Ano namang napanaginipan mo?"
Napabuga muna nang hangin si Mavis saka nagpatuloy, "Sobrang sama, nakakakilabot. Pakiramdam ko binangungot ako," kuwento nito saka napahawak sa kaniyang mukha't napahilamos.
"Oh, uminom ka muna ng tubig, huwag kape, baka naman sobrang nerbyosin ka," turan ni Miracle nang iabot ang baso ng tubig sa kaniyang pinsan.
"Napanaginipan ko, may isang pusa na kaluskos ng kaluskos, 'yung parang kahit anong oras ay sasakmalin at kakalmutin ka niya. Tapos 'yung mga mata niya, nanlilisik, at nakakakilabot. Sa panaginip ko, tinitigan niya ako. Tinanong pa nga kita no'n eh, kung ano bang mayroon ang kaso naman, nakatulala ka."
Halos matigilan si Miracle nang marinig niya ang kwento sa kaniyang pinsan. Halos mabitawan niya ang tasa ng kapeng iniinom niya. Akala niya hindi iyon alam ng pinsan niya ang kaso, alam nga nito pero bilang panaginip naman. "Totoong nangyari 'yon," wala sa sariling sabi ni Miracle.
"Ano?!" gulat na tanong ni Mavis.
"I saw those eyes," sambit pa ni Miracle, "staring at me intensely, it looks like screaming for help."
Nabalik lang sa wisyo si Miracle nang hampasin siya ni Mavis sa kaniyang braso, "Hoy! Miracle Light Peñalosa, umayos ka, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."
"Hindi ako nagbibiro," malumanay na sagot ni Miracle.
Nakita ko iyon, walang halong imahinasyon o gawa-gawang kuwento.
Natapos ang usapan nila Mavis at Miracle nang napagpasyahan nila na huwag na iyon intindihin pa. Naging sang-ayon naman iyon kay Miracle.
PAGSAPIT ng hapon ay nagpasiya si Miracle na pumunta sa kinagawian niyang puntahan na lugar. Ang isang book shop malapit sa street ng bahay nila. Nakatira sila sa isang subdivision pero matagal nang naitayo ito. Dahil halos ang nakikitang nakatira ni Miracle ay puro matatanda. Ang ibang mga tao ay sinasabing "abandonado" na talaga ang subdivision nila sa sobrang kalumaan at katahimikan nito. Hindi niya maintindihan bakit nagtagal sila sa ganoong lugar pero ayos lang iyon kay Miracle. Mas natutuwa siya dahil may naririnig din siyang mga kuwento tungkol sa subdivision na tinutuluyan nila. Mga nakakatakot at nakakabilis ng puso ang mga kuwentong iyon.
May isang lugar daw na sa dulo ng subdivision, sa likod ng mga puno ay may isang mansyon. Mayaman ang may-ari nito ang kaso lamang ay patay na. Ang mga kagamitan sa bahay ay naroon pa raw na tila hindi napaglipasan ng panahon sa linis nito. Kapag pumunta ka nga lang doon ay hindi ka raw makakalabas hangga't hindi ka magkakasakit sa puso sa sobrang takot.
Nabasa ko na 'to, tapos na 'to. I'm done reading this.
Ilang beses nang pakiot-ikot si Miracle sa book shop. Nahihilo na rin sa kaniya ang matandang nagbabantay nito. "Iha! Bibili ka ba? Kanina ka pa kasi paikot-ikot, ay nahihilo na ko sa'yo."
"Lolo, naghahanap po kasi ako ng magandang babasahin. Halos karamihan ay nabasa ko na," nakasimangot na sabi ni Miracle.
Ngumiti sa kaniya ang matanda at tinanong siya, "Naniniwala ka ba sa mahika iha?"
"Mahika po? Magic?"
Tumango ang matanda at sinenyasan siyang sumunod. Dinala siya sa isang lugar na mas malaki pa sa book shop. Maraming hilera ng mga libro. At ang mga laki at kapal ng libro ang nagpamangha ng todo sa dalaga. "Woaah!"
Tumingin sa kaniya ang lolo saka inilahad ang kamay, "Maglibot ka, busugin mo ang iyong mga mata't sana ay makakita ka ng librong sa tingin mo'y magpapabihag sa'yo."
Ngumiti ang dalaga saka naglibot sa buong lugar. Karamihan sa libro ay hindi niya mabasa, sa tingin niya ay puro witch-craft ito. Naglibot lang siya hanggang sa napansin niya ang isang libro. Kulay berde ito, maganda ang pagkakadisenyo ng libro. Tila may nakapulupot na dahon sa pabalat nito at ang isang malaking letrang M at isang bilog na buwan ang nakadisenyo sa gitna. Binuksan niya ito at isang pamilyar na pangalan ang kaniyang nakita. "Midnight? Pangalan iyon ni Papa ah?"
Napakibit-balikat nalang siya saka pumunta sa pinaka-book shop at binayaran ang libro. Habang tinitignan ng lolo ang nabili niyang libro ay may sinabi ito sa kaniya. "Alam mo ba na ang libro na 'to ay halos buhay na buhay sa pagkakakuwento. Ang mga mahika at pangyayari ay parang nangyari talaga. Ang sabi nila ay kathang-isip lang ito pero hindi, parang ang mga karakter ay unti-unting binubuhay," pagkukuwento ng lolo. Ngumiti nalang si Miracle, kahit nagtataka at curious siya sa mga bagay ay hindi niya maiisip na ang mahika ay totoo. Ang pagiging kakaiba ng mga tao sa mundo ay natural sa kaniya, at maging ang pagkakaroon ng kakaibang abilidad ay natural lang din kay Miracle, kahit sabihin pa ng tao na nakakabasa ito ng isip ay natural na iyon sa panahon ng dalaga.
Matapos niyang bilhin ang kaniyang babasahin na libro ay lumabas din siya sa book shop. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada pauwi nang may mapansin siya, ang itim na pusa. Napahinto siya sa paglalakad at nakita niyang nakatitig lang ang itim na pusa sa kaniya. Umupo ito nang ilang dangkal na layo mula sa kaniya. Lalapitan niya sana ito nang bigla itong tumakbo. Hindi namalayan ni Miracle na sinusundan niya na pala ito, hindi niya napansin na napadpad na sila sa dulo ng subdivision.
"Nasaan na 'yon?" halos maubusan ng hiningang sabi ni Miracle habang nakahawak sa kaniyang dibdib.
Nakita niya nalang ang kaniyang sarili sa harap ng isang abandonadong mansyon. Kita na ang kalumaan nito dahil natatanaw ng dalaga ang makapal na damo at kinakalawang na malaking tarangkahan ng mansyon. Ito yata ang usap-usapan ng mga kapit-bahay nila. Lumakas ang hangin sa paligid ni Miracle kaya't napayakap siya sa kaniyang sarili.
"Nasaan na 'ko?" bulong niya habang inililibot ang kaniyang mga mata, "Nasaan na rin ang pusang iyon?" tanong muli niya.
Tinignan niyang muli ang sinasabing abandonado na mansyon. "Ito yata ang sinasabi nila. Ano bang mayroon 'to at kinatatakutan nila," sambit ng dalaga saka naglakad palayo para umuwi na pero bago iyon ay sinulyapan muli niya ang mansyon.
Nagulat siya sa kaniyang nakita, ang kaninang hinahanap niyang pusa ay nasa malaking bintana ng mansyon na iyon. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kaniya. Sa sobrang takot ay napatakbo siya paalis.
NANG makauwi siya sa bahay nila ay patakbo siyang umakyat sa kaniyang kuwarto na hindi man lang pinansin ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang pinsan. Napatingin siya sa kaniyang librong hawak, "Midnight". Hinihingal man at sobrang takot ay naisipan niyang buksan ito.
Pagkabukas niya ay may nahulog na isang papel. Maliit na punit ng papel lang iyon, pinulot niya iyon at may nakita siyang isang nakasulat.
"Give me those helpful roses. Help me~" – D.I.R.
"Sino 'to?" tanong ni Miracle. Ibinalik nalang niya ang papel sa libro. Naisip niyang baka matagal na iyon na nakalagay at kung sinoman iyon ay panigurado ay natulungan niya na. Namali lang siguro ang taong naglagay no'n. Wala naman din siyang kakilala na ganoon ang initials.
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...