NANG sabihin iyon ng binata. Hindi lang si Mavis ang natigilan maging ang binata rin. Hindi alam ni Mavis ang magiging reaksyon niya. Samantalang ang binata naman ay napahilamos sa kaniyang mukha dahil nasambit niya ang pangalan ng kaniyang kapatid.
Wala siyang sapat na ebidensya na may kinalaman ang kaniyang kapatid sa sumpa. At alam niyang napakalaki ng utang na loob niya sa kapatid dahil naging tikom pa rin ang bibig nito upang hindi sabihin sa kahit sino ang kalagayan niya.
Pero hindi pa rin maalis sa kaniyang dibdib ang pagdududa sa kapatid. Naalala niya ang mga panahon na iniligtas siya ng kaniyang kapatid sa gitna ng gubat. Siya noo'y sugatan habang ang kapatid naman ay nakasuot ng isang mahabang kapa; kulay itim ang kapa nito, at tila galing sa isang pagtitipon ng mangkukulam sa suot.
Noong maalala niya ang pangyayari na 'yon ay doon na siya nagsimulang manghinala. Lalo pa siyang naghinala ng alam ng kapatid na tama ang iniligtas nito. Kung normal na tao lang ay hindi agad siya makikilala lalo na sa tainga nito na ibang-iba sa mga tao, ngunit ang kapatid niya ay kampante lang noong iniligtas siya nito.
Tila alam nito ang lahat ng nangyayari dahil maging ang pagkilos nito ay tantsado't wala man lang mali kahit isa. Hindi niya nagawang kwestyunin ang kaniyang kapatid dahil na rin sa hindi nito matanggap ang nangyari sakaniya.
Sa panahon na kaniyang nasayang, marami na dapat siyang nakalap na impormasyon sa panahon na iyon. Lalo na't sariwa pa ang mga nangyari noong panahon na iyon. Hindi pa mawawala sa kaniyang paningin ang mga sumumpa sakaniya, hindi tulad ngayon... mahirap na itong hagilapin.
"Si Amorie?" tanong ni Miracle.
Halata sa boses niya ang gulat. Nawala sa isip ni Miracle ang paghihinala niya kay Amorie.
"Oo, si Amorie. Siya ang may malaking posibilidad na may kinalaman. Ayoko sanang sambitin pa ang pangalan niya sa mga bagay bagay na ganito. Pero siya 'yung may malaking posibilidad." sagot ni Drake.
"Paano mo nasabi na si Amorie ay may kinalaman sa nangyari sa'yo? To be honest, naghinala na rin ako kay Amorie but she look innocent." giit ni Miracle.
"Wala pa akong sapat na ebidensya pero alam kong may alam siya." sagot ng binata.
"Siguraduhin mo muna na may alam 'yang kapatid mo. At sisiguraduhin ko naman na walang alam ang pamilya ko sa sinasabi mong mahika." saad ni Miracle saka tumayo mula sa pagkakaupo at lumabas sa kaniyang kuwarto.
Naiwan ang binata na kunot ang noo. Siya ay naguguluhan tungkol sa kapatid niya maging sa paligid niya. Pakiramdam niya ay napakaraming misteryo ang nakapalibot sakaniya.
✂--------------------------------------------
Sa kabilang banda, isang misteryosong binata ang nakatitig sa litrato ni Miracle. Bakas sa kaniyang mukha ang malademonyo nitong ngiti. Ang misteryosong binata ay makikita mong bakas sa mata nito ang pagkainteresado sa pagkatao ni Miracle.
Habang hawak niya ang litrato ng dalaga ay ang pag-inom naman niya ng alak.
"Habang tumatagal, Miracle. Mas lalo akong nagiging interesado sa'yo.. Ano pa bang itinatago mo?" nakangising untag ng misteryosong binata.
✂--------------------------------------------
Miracle POV
Agad akong lumabas sa kuwarto ko matapos namin mag-usap ni Drake. Masyadong gulo ang isip ko at hindi ko pa matanggap ang mga posibilidad tungkol sa pamilya ko. Agad akong bumaba sa ikalawang palapag at nagtungo sa kuwarto ni Mavis.
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...