Kuwarenta'y Uno

79 8 4
                                    

4 1

Tahimik ang pasilyo nang pumasok si Miracle sa loob ng bahay nila. Lahat ay pagod matapos ayusin ang gaganaping kasal sa pagitan nila ni Thanatos.

Maingat siyang naglakad papasok ngunit hindi niya namalayan ang lalaking kanina pa naghihintay sa kaniya. Masyado nang malalim ang gabi ngunit mas pinili nito na hintayin ang dalaga. May mga bagay man na hindi siya palagay kapag tungkol sa dalaga. Hindi niya pa rin maiwasan mag-alala rito.

"Buong araw kang wala, " sambit ng binata.

Napatigil sa paglalakad si Miracle at napatingin sa lalaking kanina pa pala nakaupo sa sofa sa kanilang sala.

"Mali pala," pahabol ng binata,  "Ilang araw kang nawala."

"Pagod ako. Sa tingin ko bukas na natin 'to pag-usapan," sagot nalang ng dalaga.

"Alam ko, pagod ka kakaisip paano matatakasan ang magiging kasal nating dal'wa."

Kung ito'y papakinggan tila mapangahas ang pagbigkas ng mga binitawang salita ng lalake. Pero…

"Hindi ako tatakas, kahit kailan hindi ko inisip na takasan ka, kayo."

"Pinuntahan mo ba siya?" tanong ng lalake.

"Oo, pero iyon na ang huli. Atsaka pwede ba, umayos ka, Thanatos."

Pagkasabi na pagkasabi nun ng dalaga ay tumalikod na siya para umakyat sa hagdanan ngunit pinigilan siya ng binata.

"Ipapaalala ko lang sa'yo baka kasi makalimutan mo. Ilang araw nalang, ikakasal na tayo."

"Hindi ko pa naman nakakalimutan, h'wag ka mag-alala," sabi ni Miracle saka nagpatuloy sa pag-akyat.

"Maaari ba akong humiling kung darating man ang araw ng kasal natin?"

Napalingon sakaniya ang dalaga at nakita niya ang bahagyang pagngiti ng binata ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang sakit. Parang ilang segundo lang ay unti-unting guguho ang ngiting nakaukit sa mukha nito.
Unti-unting bumaba ng hagdan ang dalaga at tumayo sa harap ng binata. Hindi niya alam kung bakit siya bumama sa hagdan pero gusto niyang alisin ang mga nagbabadyang luha sa mata ng binata.

"Hindi 'to nararapat para sa'kin," sabi ng dalaga nang alisin niya ang mga luha sa mata ng binata.

"Hindi 'yan para sa'yo," sambit ng binata at siya na ang nagpunas ng mga luha niya, "para siguro 'to sa sarili ko."

"Patawad, Thanatos."

"Hindi dapat 'yan ang marinig ko mula sa'yo," sabi ng binata sabay ngiti nang bahagya.

"Ano bang hiling mo?" sabi ni Miracle sabay lingon sa malayo.

"Maaari bang ngumiti ka sa akin sa araw ng kasal natin? Maaari ba?"

Napatingin sa kaniya ang dalaga saka tumango. "Sige, pero sana gawin mo rin ang sinabi mo sa akin noon."

"Ano 'yon?"

"Don't tell me you forgot it?" gulat na tanong ng dalaga.

"Siguro nga nakalimutan ko, hindi ko rin maalala kung mayroon man akong nasabi sa'yo."

Napabuntong-hininga si Miracle saka tuminging muli sa binata.

"Sana sa araw ng kasal maalala mo."

Matapos no'n ay umakyat muli ng hagdanan ang dalaga. Sa isip ni Thanatos, naalala niya 'yon, lahat. Pero para sakaniya ayaw niya na 'yon maalala pa.

Sa kabilang banda naman, tahimik at malakas ang hangin sa kalsada nang nagpatuloy pa rin sa pagpapaandar ng sasakyan si Luther.

"Wait me there, little kitty. I am heading to your place now. You still have a minutes to cherish your life."

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon