Kuwarenta'y Dos

103 9 4
                                    

The story that really touches my soul. On the count of three, it has its own ending. Sooner, or later... It answers if it's a love story, or it just ends like a whole mystery.

42

Tahimik ang buong mansyon ng mga Ross. Tanging si Drake lang ang naiwan dahil umalis ang kaniyang nakababatang kapatid. Ang pagiging tahimik ng palagid ay ang naging dahilan para mapaisip ang binata. Naisip niya kung tama nga ba ang kaniyang ginawa. "Tama bang paalisin niya si Miracle?" iyon ang gumugulo sa isip niya.

Napagpas'yahan niya na bumaba muna sa kusina at kumuha ng maiinom. Sa kakaisip ay naging tuyo't ang kaniyang lalamunan. Habang pababa ng hagdan ay nabalik sa kaniyang alaala ang mga panahon na siya pa lang ang nakatira sa mansyon. Tahimik noon at hindi man lang niya naisip na ayusin ang lahat ng kagamitan sa mansyon, hanggang sa dumating muli sa buhay niya ang kapatid niya at pagdating din ni Miracle. Para sa kaniya talagang milagro ang pagdating ni Miracle sa buhay niya. Hindi niya inaasahan na pagkakatiwalaan siya ng dalaga, hanggang ngayon.

Nilagyan niya ng malamig na tubig ang kaniyang baso at bago pa man niya ito inumin ay bigla itong nadulas sa kaniyang kamay na naging dahilan ng pagkabasag nito. Gumawa ito ng malakas na ingay at matinding na kaba sa binata. May narinig siyang parating na sasakyan sa kanilang mansyon kaya't naging alerto siya. "Sino 'yon?" mahinang usal niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pintuan at bago pa man niya ito mabuksan ay nakita niya itong kusang bumukas. At nagulat siya sa hindi inaasahang bisita. Ang lalakeng pamilyar sa paningin niya.

"Hi there, kitty kitty. Nice to see you again," sambit ng hindi inaasahang panauhin.

"Sino ka? At bakit ka nandito?"

"Hindi mo talaga alam ang sagot sa mga tanong mo?"

Seryosong tinitigan ni Drake ang binatang panauhin na ngayon ay may hawak na baril na kasalukuyang nakatutok sa kaniya.

"Alam mong hindi ako magtatanong kung alam ko. H'wag kang tanga," naiinis na sabi ni Drake. Naguguluhan siya sa nangyayari. Oo, pamilyar sa kaniya ang panauhin ngunit hindi niya alam kung may atraso ba siya rito.

"Isang salita mo pa, hindi ako magdadalawang lagyan ng butas 'yang noo mo gamit nitong hawak ko!" banta ng panauhin.

"Sino ka ba ha!?" muling tanong ni Drake.

"Hindi mo talaga naaalala?" inis na tanong ng panauhin, "p'wes ipapaalala ko sa'yo."

Agad na binaril ng panauhin ang binti ng binata. "Ahh..." daing ng binata nang mapaluhod siya sa biglaang sakit.

"Unti-unti kong ipapaalala sa'yo, lahat. Hanggang sa sasabihin mo sa akin na patayin nalang kita."

"Sino ka ba ha?! Hindi kita kilala, nagkakamali ka lang..."

Nagpaputok ulit ang panauhin ngunit sa pagkakataon na 'to ay isang plorera ang tinamaan niya. "Hindi kilala?!" ngumisi ang panauhin saka galit na galit na tinignan ang binata, "siguro nga hindi, pero baka 'yung tatay ko kilala mo. Siya lang naman ang pinatay mo sa harap ko!"

"Pinata...y?" tumawa nang mahinhin ang binata saka lumakas 'to ng lumakas. "Nagbibiro ka ba? Kahit kailan hindi ako pumapatay. Nababaliw ka na 'yat-"

Isang malakas na pagputok muli ng baril ang umalingawngaw sa mansyon ng mga Ross. "Matagal kitang hinanap, hayop ka. Tapos sasabihin mo sa'kin mali ako, na hindi mo ako kilala kahit ang tatay ko. Isa kang malaking sinungaling! Kitang-kita ko ang takot sa mata mo, kita kong nakikilala mo 'ko."

Napayuko ang binata. "Oo, nakikilala kita."

Matapos non ay mas lalong hinigpitan ng panauhin ang kaniyang baril. "Isa ka sa mga nakakasama ni Miracle."

Napangisi ang panauhin saka nilapitan ang binata, "Don't play dumb on me."

"Nagsasabi ako ng totoo," sabi ni Drake.

"Well, I don't need any truth from you now, all I need is to kill you."

Matapos no'n ay agad na hinampas ng panauhin si Drake gamit ang baril nito kaya't nawalan ng malay ang binata. "I forgot to tell you my name, I'm Luther Rix Vasquez, let'say, ako ang maghahatid sa'yo sa impyerno."

---


Abala naman sa pag-aayos ng mga bulaklak si Mavis ng nilapitan siya ni Jay. Napatingin siya sa binata ng lumapit ito. Aminado siyang hindi niya pa kilala ang binata at nagpapasalamat siya dahil tinulungan siya nito. Ngayon ang kailangan niyang gawin ay magpasalamat dito sa pagtulong sa kaniya.

"Salamat," mahinang sambit ngunit sapat na para marinig ng binata.

"Salamat din sa'yo, at sa pamilya mo," sagot naman ni Jay. "May itatanong pala ko sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Mavis, pamilyar kasi sa akin ang Tita mo. Dati ba madalas kayo sa-"

"Kagubatan?" nakangiting sagot ni Mavis.

"Oo, madalas ba kayo doon?"

"Madalas kami roon. Bata pa ako no'n pero alam ko maraming mga nakakatulong kila Tita noon. Mas maganda na raw doon kaysa dito sa syudad," paliwanag ni Mavis. "Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Gaya nga ng sabi ko, pamilyar lang siya sa akin."

Tumango nalang si Mavis bilang tugon. Lumapit sa kanila si Evander at tinignan si Jay.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ni Mavis.

"Pinapatawag lang ni Maureen si Jay," sabi ni Evander.

Napatingin si Mavis kay Jay at nakita niyang nakatingin din ito sa kaniya. Tumango sila sa isa't isa at sinundan na ni Jay si Evander. Kung ano man ang mayroon kung bakit pinatawag ang binata, sana ay magandang balita ito, 'yon ang hiling ni Mavis.

Lumipas na ang mga araw, dumating na ang nakatakdang araw ng kasal ni Miracle at Thanatos. Sa pagitan ng dalawa, hindi nila alam kung ano ba ang tunay na saya. Makasal sa tanong mahal mo ngunit 'di ka mahal o makasal ka sa taong alam mong 'di mo mahal.

"Miracle, handa kana ba?"

Ngumiti ng bahagya ang dalaga bilang sagot. Hinawakan niya ang kamay ni Phoebe at hinayaan niya itong alalayan siya.

"Miracle! Miracle!" naghahangos na sigaw ni Mavis.

Napalingon siya sa pinsan at nakita niya kung gaano ito natatakot at nasasaktan. Nakaguhit ito sa mukha ng pinsan niya, ngunit matatag itong lumapit sa kaniya at nilapitan siya.

"Nan..nandito si Amorie, kapatid daw ni Drake."

"Bakit siya nandito?"

Agad na tumakbo ang dalaga palabas ng kanilang bahay nang hindi man lang inisip ang pagtawag sa kaniya ni Phoebe at nakita niyang naroon si Amorie sa labas habang nasa harapan nito si Jay. Naguguluhan man ngunit nagpatuloy pa rin si Miracle.

"Bakit ka nandito, Amorie? May nangyari ba? Ba't umiiyak ka?" naguguluhang tanong ni Miracle.

Napasulyap siya kay Jay at kay Amorie. "May ginawa ka ba?" tanong ni Miracle kay Jay.

"Hind-"

"Miracle, si Ku..kuya. Si Kuya, nawawala," umiiyak na sabi ni Amorie habang mahigpit na nakahawak sa dalaga.

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"May nakita kong dugo, sa mansyon, may du..dugo."

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon