Mataas na ang tirik ng araw ng magising si Miracle mula sa pagkakahimbing, inaasahan niya na panaginip lang ang nangyari mula kagabi ngunit nabigo siya ng imulat niya ang kaniyang mga mata.
"Hindi panaginip, narito pa rin ako sa silid na ito. At hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa ama ko kung bakit hindi ako umuwi kagabi." Dismayadong aniya.
Napabuntong-hininga na lamang siya at muling nahiga sa malaking kama. Dama niya ang lambot ng hinihigaan niya, hindi niya alam kung paano napapanatili ni Drake ang kalinisan at kahalagahan ng silid na ipinagamit sakaniya.
Matapos maglayag ng isip ni Miracle ay tuluyan na siyang bumangon mula sa kama at inayos ang sarili. Handa na sana siyang lumabas ng silid ng may mapansin siyang isang litrato. Litrato ito ni Drake, nakangiti ito sa larawan pero makikitaan pa rin ito ng awtoridad. Hindi maiwasaan ni Miracle ang mapangiti pero naroon sa mukha niya ang pagtataka at paghihinayang. Pagtataka kung bakit ito isinumpa at paghihinayang dahil sa tingin niya magandang lalaki si Drake.
Naagaw ang atensiyon ni Miracle ng may biglang kumatok sa pinto ng silid. Bubuksan na sana niya ito ng bigla itong bumukas at iniluwa noon ay si Drake, seryoso ang mga tingin ng binata.
"Mabuti't naghanda kana, tirik na ang araw. Umuwi kana, panigurado ay nag-aalala na ang ama mo." Seryosong saad ng binata kay Miracle.
Nagkanda-utal-utal muna si Miracle bago sagutin ang isinaad ni Drake sakaniya. Pero sa huli ay tumango na lamang siya at sabay silang bumaba sa unang palapag.
"Babalik ako," nakangiting saad ni Miracle.
Ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng binata, tumango lang ito.
"Alam kong babalik ka, kahit naman hindi ka bumalik ay susunduin kita." simpleng tugon lang ng binata.
Hindi alam ni Miracle ang isasagot sa tugon ng binata. Pakiramdam niya ay dalawa ang ibig nitong sabihin kaya't mayroon na lamang kiliti siyang naramdaman.
Ngumiti nalang siya saka tuluyan ng naglakad paalis. Nakangiting naglakad si Miracle pabalik ng bahay nila hindi niya alintana kung masusumbatan ba siya ng ama at pinsan niya pagkarating niya roon.
NANG makarating sa kanilang bahay, laking gulat niya ng hindi man lang siya pinagalitan ng ama at ng pinsan niya. Taka siyang nagtanong sa pinsan niyang si Mavis na noo'y nakakunot na ang noo sakaniya.
"Bakit hindi niyo 'ko pinapagalitan? Hindi ako nakauwi kagabi, pasensiya." mapag-umanhin na saad ni Miracle sa pinsan niya.
"Pinagsasabi mo? Hindi ka papagalitan s'yempre nagpaalam ka. Commonsense, sis." Sagot ng pinsan niya.
"Nagpaalam ako?" takang tanong ni Miracle. Tumango si Mavis bilang sagot.
"Oo, nagpaalam ka. Pero hindi talaga ikaw 'yong kaibigan mo ang nagpaalam. Tumawag siya kagabi dito at sinabi na hindi ka raw makauwi dahil sobrang gabi na at delikado. Pumayag naman si Tito dahil uuwi ka naman daw kinabukasan ng umaga." Mahabang paliwanag ni Mavis.
Napatango nalang si Miracle ng malaman ang paliwanag ng pinsan niya. Hindi niya alam na ipinagpaalam siya ni Drake kagabi. Hindi niya kasi ito nakita na may hawak man lang na telepono. Nakahinga man siya ng maluwag nakakaramdam pa rin siya ng takot at pagtataka.
Nakilala nga niya ang binata pero hindi kasing lalim ng inaakala niya. Kahit nasabi sakaniya ng binata ang nangyari sa kalagayan nito, hindi pa rin niya maiwasan na matakot. Matakot na magtiwala dahil alam niyang wala sakaniya ang lunas na hinahanap sakaniya ni Drake.
Umaakyat na lamang si Miracle sa kaniyang silid at napasalampak sa kaniyang higaan. Hinayaan niya na maglayag ang kaniyang isipan. Naghalo-halo na ang kaniyang iniisip. Napabuntong-hininga na lamang siya at napabangon sa kama.
"Kailangan ko pa rin mag-ingat sakaniya. Oo, kailangan niya ako pero hindi pa rin ako nakakasiguro na hindi niya ako sasaktan. Dapat ko 'atang taasan ang seguridad ko. Aish! Ano ba 'tong iniisip ko?" nababaliw na sambit ni Miracle habang sinasabunutan ang sarili.
Natigil siya sa kaniyang ginagawa ng may kumalabog malapit sa kaniyang bintana. Napatayo si Miracle at pinuntahan ito. Nagulat siya ng makita ang itim na pusa, si Drake. Agad niya itong pinuntahan pero agaran din siyang napaatras ng magbago ito ng anyo, naging tao ulit siya.
"Ano bang ginagawa mo?" mariing tanong ni Miracle.
"Pinupuntahan ka, tsk."
"Hindi mo naman ako kailangang puntahan, kailangan kong mag-isip."
"Pero ang sabi mo kasi ay babalik ka." balik na sagot ni Drake.
Hindi mawari ni Miracle kung matatawa siya o hindi sa sagot ni Drake. "Babalik ako kapag nakapagpahinga ako ng maayos, hindi mo na ako kailangang puntahan. May privacy rin ako,"
"Pasensiya na,"
Wala namang magawa si Miracle kundi ang bumuntong-hininga ng pagkalalim-lalim. Hindi niya alam na sa kabila ng pagkaseryoso ni Drake ay may katangahan rin ito. Pero sa isip ni Miracle kailangan niyang itaas ang seguridad niya. Sa pagiging iwas ni Miracle kay Drake ay nahalata na ito ng binata.
"Umiiwas ka?" agarang tanong ni Drake na ikinagulat ni Miracle.
"H..hindi, hindi ah." sagot ni Miracle sabay iwas sa tingin ni Drake.
"Alam kong mahirap magtiwala pero.."
"Pero ano?" kunot-noong tanong ni Miracle.
"Hindi naman kita sasaktan." Mahinang bulong ni Drake pero mahihimigan ang kaseryosohan.
Napatitig naman si Miracle sa binata dahil sa isinambit nito. Nagulat siya dahil hindi niya ito inaasahan. Pero isa lang ang tumatakbo sa isip ni Miracle.
'Napakadelikado mo'
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...