Disesais

121 14 0
                                    

Matapos gawin iyon ni Drake ay nakatulog ng mahimbing ang dalaga. Ngumiti si Drake at inalis ang iilang hibla na nakaharang sa mukha ng dalaga. 

"Matulog ka ng mahimbing, Miracle."saad nito saka umalis sa tabi ng dalaga. 

Hindi alam ng binata kung ano ba ang eksaktong dahilan ng pagsama ng dalaga sakaniya. Hindi niya ito matanong dahil halata sa itsura nito ang pagkapagod at lungkot. Kaya hinayaan niya na lang muna ang dalaga na mapag-isa at makapag-isip-isp. Biglang naalala ni Drake na kinabukasan ay kailangan ng pumasok ni Miracle sa eskwela kaya agad siyang umalis sa mansyon at bumalik sa bahay nila Miracle at kumuha ng mga damit nito. 

Pero bago siya makaalis ay pansin niya ang ingay sa unang palapag ng bahay, tila ingay ng pag-uusap. Puro sigawan at alitan ang nasa baba, iba't ibang boses na bago sa kaniyang pandinig. 

"Saan natin hahanapin si Light?"

"Hindi ko alam,"

"Kasalanan ko 'to, Midnight."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Maureen. Mahahanap din natin ang anak natin."

Mas lalong nakuha ang atensyon ni Drake sa usapan. Malakas ang pandinig niya kaya kahit nasa pangalawang palapag siya ay naririnig niya pa rin ito. Mas lalo siyang nagtaka ng mabanggit ang palayaw o pangalawang pangalan ni Miracle sa usapan. Ang pagkakaalam nito ay patay na ang nanay nito, kaya't ganito nalang ang pagtataka niya sa naririnig niya. Buhay ang nanay ni Miracle?

Lalapit pa sana siya para marinig pa ng malinaw ng may mabunggo siya na gamit at nahulog ito. 

"Sino iyon?"

"Galing sa taas, sa kuwarto ni Miracle."

"Umakyat kayo bilis,"

Agad na napasapo si Drake sa kaniyang noo at dali-daling umakyat sa bintana para umalis. Mabilis ang takbo niya para hindi mahuli. Pigil-hininga ang pagtakas niya mula roon, muli niya ulit tinanaw ang bintana ng kuwarto ni Miracle at nagtaka siya ng makitang may pumasok na babae na naka-itim na kapa. 

Muntik na ako roon, pero sino iyon?

Gustuhin man niyang malaman ang sagot sa kaniyang tanong ay minabuti niyang iwaksi ito. Ayaw niyang gumawa ng tanong na ikagagalit ni Miracle sa kaniya. Mahalagang tao ito para sakaniya at isa sa susi para makawala sa sumpa. 

Nang makabalik sa mansyon ay agad niyang pinuntahan si Miracle na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Napangiti siya dahil para itong bata kung matulog, nakanguso pa ito. Inayos niya na lang ang kumot nito at pumunta sa may sala ng kuwarto at doon natulog. 

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

KINABUKASAN maagang nagising si Miracle at tila nabuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto na Lunes na at araw na ng kaniyang pasok. 

Agad siyang bumaba sa kama at natataranta na nagtatakbo sa pinto, pero napatigil siya ng makita niya ang mga damit niya sa isang single sofa. Nakita niya rin si Drake na natutulog ng mahimbing. Agad niyang kinuha ang kaniyang damit at iba pang gamit at bumaba sa unang palapag. Pumunta siya sa kusina at naghanda ng almusal para sakaniya at kay Drake. Nag-iwan din siya ng maikling sulat sa tabi ng pagkain para kapag nakita iyon ni Drake ay hindi na ito mag-alala. 

Matapos no'n ay agad siyang naligo at nag-ayos. Nang makaalis ng mansyon, agad siyang nagtungo sa unibersidad. Mabuti nalang at hindi pa siya gaanong huli sa kaniyang unang klase at nakaabot siya. Pagkapasok niya sa silid, agad niyang nasilayan si Mavis pero nilihis niya ang kaniyang paningin at napunta naman ito kay Luther. 

"Hi, Miracle! How are you?" Bibong tanong ni Luther sakaniya. 

Inirapan niya lang ito at nilagpasan. Nababastusan pa rin siya sa biglang pagbisita nito sa kanilang bahay ng hindi niya man lang alam. At ang pang-uusisa nito na tila walang pakialam kung pribado ba itong sagutin o hindi. 

"Hey, Miracle. May nagawa ba ako?" Pangungulit nito. 

"Stop acting like we're close,"

"Hey!"

Hinayaan nalang ni Miracle si Luther sa pagsunod nito hanggang sa huling row ng silid. Nakukulitan na talaga si Miracle, susuwayin niya na sana ito ng biglang tumayo si Mavis at hinawakan ang braso ni Luther. "Luther, stop bothering Light for now."

Napataas ang kilay ni Miracle sa ginawa ni Mavis. Hindi nito alam na close pala ang dalawa, at paano nakilala ni Mavis si Luther at nagawa na nitong hawakan si Luther sa braso. Hindi siya nagseselos, medyo nagtataka lang siya. 

Matapos umalis ni Luther ay ang pumalit naman ay si Mavis. "Saan ka nagpunta kahapon? Hinahanap ka nilang lahat, Light." Saad nito pero tila walang pakialam si Miracle. 

"Stop talking to me like there's nothing happened, Mavis. I'm not stupid."

"Hindi mo ba talaga sila tatanggapin?"

"Not now. Wala pa sa isip ko na tanggapin lahat. All of you lied to me, anong gusto niyong gawin ko? Matuwa ako? Magpaparty ako? That's bullshit, Mavis." Hindi na maiwasan na mainis ni Miracle. She can't take it, her family lied to her for 19 years.

"Watch your words, Light. It's your FAMILY."

"Family? Family who put a lie on your brain for so many years. That's family?"

"I'm sorry, Light." 

"Stop talking to me for now, Mavis. All scenarios is still fresh in my mind."

Matapos ng pag-uusap na iyon ay naupo nalang si Miracle sa pinakadulong upuan at hinayaan na maglayag ang kaniyang isip.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon