Matapos ng nangyari ay naisipan ni Drake na umuwi muna sa kanilang mansion. Dama niya kasi ang maiinit na mata sa kaniya ng mga tao sa loob ng bahay nila Miracle. Alam niyang may nais pa silang itanong sa kaniya pero naging tikom ang mga tao doon.
Habang pauwi ay hindi pa rin mawari ni Drake kung ano ba ang eksaktong nangyayari kay Miracle. Alam niyang mahika ang bumabalot sa mundo ng dalaga, at hindi iyon maalis sa isip at puso nito. Napaisip tuloy siya kung anong mangyayari sa kanilang dalawa kung sila ang magkakasama sa bandang huli. Handa ba siyang tanggapin ang kapahamakan sa buhay niya? At sa magiging buhay ng magiging anak nila, kung sakali.
Napabuntong-hininga na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan niyang maglayag ang isip niya. Masaya siya at hindi na siya natatakot na lumabas muli. Hindi na siya takot na makita ng mga tao, hindi na siya takot na baka makasakit siya o makatakot ng ibang tao. Doon niya napagtanto na mali ang iniisip niya kanina, mali na pag-isipan niya na baka kailangan niyang isugal ang buhay niya. Maling-mali, isa 'yon na kaduwagan.
Kung naisugal ni Miracle ang kaniyang buhay para matanggal ang sumpa sa pagitan nilang dal'wa. Dapat sumugal din siya, at iyon ang hayaan ang puso at sarili niya na makasama ang dalaga. Hindi iniisip ang mga mangyayari sa kasalukuyan, ang dapat na isipin niya ay 'yung paraan kung paano niya ba makukuha ang dalaga na malaya ito.
Napatigil si Drake sa paglalakad nang makita niya ang isang parke. Kita niya ang isang siso doon kaya naisipan niya munang maupo. May bigla tuloy siyang naalala, noong bata siya ay may nakita siyang isang batang babae na umiiyak kasabay ng pagpatak ng malalaking butil ng ulan. Pinagmasdan niya lang ang bata noon, wala siyang lakas na loob na lapitan. Rinig niya ang malalakas na hikbi ng batang babae na iyon, pero wala siyang ginawa. Ngayon napagtanto na niya ang dapat na gawin ay 'yung maging matapang ngayon, 'yung matuto naman lumaban lalo na 'yung ipaglaban 'yung mga taong sa tingin niya ay hindi dapat pakawalan ng basta-basta. Napangiti nalang si Drake saka umalis sa parke.
Sa kabilang sitwasyon naman ay mahimbing na nakatulog si Mavis, dahil yata ito sa sakit na naramdaman niya sa buong araw. Habang tulog si Mavis ay tinititigan naman siya ni Jay, ang lalaking tumulong sa kaniya. Ano nga ba ang papel ni Jay sa buhay nila Mavis?
Habang tinititigan siya ng binata ay parang may isinusulat ito. Parang isang mensahe, parang liham para sa isang tao. Masyadong mahaba at nakakalito. Seryoso ang mukha ng binata habang nakatitig, ano nga ba ang tumatakbo sa isip niya?
"Maaaring ikaw ang maging daan para malaman ko kung nasaan siya, kaya gagawin ko ang lahat makatakas lang tayo rito."
Napatigil ang paggugunita ng binata ng biglang nagising si Mavis. Mapupungay pa ang mata nito na parang kulang pa sa tulog, napansin agad ng dalaga si Jay. Biglang nagdilim ang mata niya at walang pagdadalawang-isip na pinaghahampas ng unan ang lalake.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit dumagdag pa ang sakit sa katawan ko!" inis na saad ni Mavis.
Todo salag naman si Jay. "Sandali nga! Kaysa naman mamamatay ka sa sobra-sobrang sakit at inpeksyon."
"Hindi mo ba naiintindihan? Mamamatay na 'ko kahit anong gawin mo, at dahil 'yon sa mahika ni Veronica." Naiinis na saad ni Mavis.
"At hahayaan mo nalang ba 'yon? Hahayaan mo na kainin ka niyang mahika na sinasabi mo? Bakit ka nga ba nandito? Nasaan ang lakas ng loob mo noong sumugod ka rito?" dire-diretsong tanong ni Jay.
"Hindi mo ba nakikita? Nagsisisi ako, kaya nararapat 'to sa'kin. Dapat lang mangyari 'to sa'kin."
"Hindi kaba naaawa sa mga taong maiiwan mo kapag namatay ka? O sadyang makasarili ka lang."
"Wala kang alam,"
"May alam ako at iyon ay 'yung makasarili ka at hindi ka marunong lumaban. Hanggang salita ka lang,"
Parang pana na may apoy na ibinato iyon sa kaniya ni Jay. Hindi makapagsalita si Mavis, maging ang binata rin. Ang katahimikan ang namayani sa pagitan nila.
"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob mo na sabihin 'yan lahat sa akin. Sa totoo lang? Wala kang karapatan. Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganiyan. You don't know anything even a single detail about me." Iyon nalang ang sinabi ni Miracle saka pinilit na makalayo sa binata.
Ang binata naman ay nanatiling tikom, wala na siyang mabitawan na mga salita. Alam niya sa kaniyang sarili na sumobra siya sa pananalita nito sa dalaga ngunit kung hindi niya ito gagawin ay baka tuluyan ng magpakain sa mahika si Mavis.
Lumipas ang mga araw, unti-unti nang humihilom ang sugat ni Mavis pero dahil sa mahika ay tila unti-unti rin siyang namamatay. May malaking distansya pa rin na nakapagitan sa kanila ng binata. Kumbaga, ang mga matatalim na salita na ibinato nila sa isa't isa na nagdulot ng matinding pagdurugo ay hindi pa maayos at hilom.
Sa loob naman ng mga araw na lumipas ay naging maayos na ang kalagayan ni Miracle. Palakas na muli siya ng palakas habang sila Evander at Eros naman ay abala sa paghahanap kay Mavis. Sa dalawang binata, mas angat ang pag-aalala ni Evander sa dilag na nawawala, kahit kasi negatibo ang iniisip nito ay tila normal na tao pa rin siya, nakakaramdam ng sobrang pag-aalala, at higit sa lahat nakakaramdam din ng apeksyon.
May nararamdaman siya para sa dalaga ngunit wala naman sa pag-iisip ng dalaga na harapin ang mga ganoong klaseng usapan. Kilalang tapat sa tungkulin si Mavis, kaya gayon nalang ang kaniyang pagtataka ng makita ang mga gamit ng dalaga. Puro pag-aaral sa itim na salamangka ang nakalagay sa silid nito, na mas lalong ikinagulat ni Evander.
"Eros, pakitawag sila Tita Maureen." Utos niya.
Nang makaalis si Eros ay agad na naghanap pa si Evander ng mga iniwan na mensahe ng dalaga na magtuturo kung nasaan ito. Nakita niya ang isang maliit na kuwaderno. Binuksan niya ito at napansin ang sulat-kamay ng dalaga. Halatang sa kuwadernong iyon isinusulat ng dalaga ang kaniyang saloobin, sa huling pahina ay doon na nakaramdam ng kaba si Evander.
I thought I am in the top,
But the truth is I'm not, and I'm just a crap.
I know I do not belong here.
This place makes me cry tear by tear.
I want to disappear.
No, they're the one who deserves to disappear.
They never see my worth.
I did my best just to have a good work.
But still, in the end.
I am just a decoration
To give them a good impression."Ano 'to?" Iyon nalang ang naisambit ni Evander. Alam niyang may ibig pang sabihin ang naiwang mensahe ni Mavis, ngunit hindi niya ito makuha.
"Evander, anong mayroon?" Ani agad ni Maureen nang makapasok sa silid ni Mavis. Ngunit napasinghap din ito ng makita ang mga aklat ng itim na salamangka.
"Ano ang mga ito?" Gulat na tanong ni Maureen.
Hinarap naman siya ni Evander at sinagot.
"Si Mavis, nag-aaral siya ng itim na mahika pero sa kasamaang palad, wala sa kaniyang kapalaran ang mundo ng mahika. Wala siyang tinataglay na mahika na naging dahilan para kamuhian niya tayo, lalo na si Miracle. Matagal siyang nagdamdam ngunit hindi pa rin natin ito pinagtuunan ng pansin. Ngayon, iisang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko." Mahabang paliwanag ni Evander."Sinasabi ko na nga ba, nasa panganib siya! Na kay Veronica siya, hindi ito maaari."
"Tama, kaya kailangan natin siyang iligtas."
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...