Quatro

238 20 10
                                    

Miracle POV

Napatigil ako sa mabilis na paglalakad ng may naulanigan akong tinig. Alam ko mula sa likuran ko ang tinig na 'yon kaya huminto ako at nilingon ito. Hindi ako nagkamali na lalaki iyon, ngunit laking gulat ko ng makita ko ang kaniyang itsura.

"Bakit m..may? Bakit m..may? Ahhh!" malakas na tili ko.

Hindi ko alam kung paano, paano nangyari iyon sakaniya. Kita ko ang malalim na asul na mga mata niya. Unti-unti akong napapaatras ng magsimula siyang umabante papunta sa'kin.

"Sino ka?!" muling tanong ko sakaniya.

Muli niya akong tinitigan na tila hinuhukay ang pagkatao ko. Hinintay ko siya na sumagot, at tila mawawalan ako ng pag-asa ng wala man lang lumabas na isang salita mula sa bibig niya, ngunit mukhang mali 'ata ako ng pag-aakala sakaniya.

"Ako si Drake Ian Ross." Malamig na sagot niya.

Hindi ako makapaniwala, ang kaninang hinahanap ko ay ngayon ay nasa harap ko na. Pero hindi ko inaasahan ang itsura niya. At hindi ko rin inaasahan na may natitira pa palang tao sa mansyon na ito. Tao nga ba?

"Alam ko na nagtataka ka, pero sana ako'y tulungan mo. Matagal na akong nakakulong sa sumpang ito. Pero sana, tulungan mo 'ko." Nagsusumamong saad ni Drake sa'kin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng makita ko ang maamo niyang mukha, siguro nga siya ang sinasabi ng matandang babae sa'kin. Pero ang ipinagtataka ko ay paano ko siya matutulungan? At paano naging ganito ang itsura niya?

"Halika't sumama ka sa'kin, sasabihin ko lahat ng gusto mong malaman."

Tumango nalang ako bilang tugon, nagsimula siyang maglakad na sinundan ko naman ngunit malayo ang agwat namin sa isa't isa dahil na rin sa takot na nararamdaman ko ngayon at ng mga nakaraan pang araw.

Dinala niya ako sa isang kwarto, hindi ko maiwasan magtaka at mangamba kung bakit niya ako dinala sa ganitong kwarto.

 Kulay abo ang tema ng kwarto, makikita mo ang isang chandelier na mukhang lumang nakasabit sa kisame na nagsisilbing ilaw sa kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kulay abo ang tema ng kwarto, makikita mo ang isang chandelier na mukhang lumang nakasabit sa kisame na nagsisilbing ilaw sa kwarto. May malaki ring kama sa kwarto, malinis ito hindi katulad ng mga gamit sa baba. May lamesa't upuan sa gitna ng kwarto para itong sala-set.

"Alam kong nagtataka ka bakit kita dito dinala, pero nais ko lang malaman mo na hindi kita hahayaan na lumabas na masyado ng malalim ang gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Alam kong nagtataka ka bakit kita dito dinala, pero nais ko lang malaman mo na hindi kita hahayaan na lumabas na masyado ng malalim ang gabi. Sa madaling salaysayin, dito ka muna magpapalipas ng gabi." Saad niya.

Napa-tanga naman ako sa sinabi niya at tangang tumango. Hindi ko magawa tumingin sakaniya. Pilit kong iniiwas ang mata ko sa mga mata niya, masyado siyang malalim. Naupo siya sa sala kaya't naupo rin ako ngunit magkaharap kami. Sinimulan ko na ang magtanong pero nakayuko ako sakaniya.

"Anong nangyari sayo, at bakit ganiyan ang itsura mo? 'Tsaka paano kita matutulungan at bakit din ako ang dapat na tumulong sa'yo?" sunod-sunod na tanong ko.

Rinig ko ang pagtawa niya ng mahina kaya't napaangat ang tingin ko sakaniya. Ang gwapo niya tumawa, hindi ko maiwasan ang mapangiti ng palihim.

"Hinay-hinay na tanong lang, binibini."
natatawang saad niya.

Matapos niya sabihin 'yon ay bigla siya sumeryeso na nagpatuwid ng likod at nagpakunot sa noo ko.

"Matagal ko ng hinahanap kung sino ang makakatulong sa'kin kung saan-saan ako nagpunta at naghanap. Aksidente akong napunta sa bahay niyo, 'yon ang una nating pagkikita. Noong tumitig ka sa'kin, alam ko ikaw na 'yon. Ang makakatulong sa'kin. Kaya parati kitang sinusundan. At nang pumunta ka rito, eto na ang tamang pagkakataon para sabihin sa'yo. Ang naging itsura kong ito ay isang sumpa. Kung bakit ako may malabalahibong buntot na katulad ng isang pusa, ay dahil sinumpa ako bilang isang pusa. Nagiging tao rin ako kapag may sapat na lakas ako pero kapag nagkaroon ako ng paa at katawan ng tao may parte pa rin ng katawan ko ang katulad sa isang pusa. Kailan kong makuha ang rosas mula sa'yo para mawala ang sumpa." mahabang paliwanag niya.

"Para ka palang si Inuyasha. Pero anong rosas ang tinutukoy mo?" seryosong tanong ko sakaniya.

"Hindi mo alam? Akala ko nasa iyo ang kulay lila na rosas, kaya humingi ako ng tulong sa'yo." Naguguluhan na tanong niya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, maging ang lila na rosas na tinutukoy mo." Pagpupumilit ko.

Napabuntong-hininga siya, siguro nga't umasa siya ng matindi kaya ganito na lamang ang pagkadismayado niya. Sino ba naman ang hindi aasa kung ang matagal mo ng hinahanap na lunas ay biglang maglaho pa? Tsk. Ang tanga ko talaga kung mag-isip.

Tatanungin ko na sana siya kung okay lang ba siya ay bigla itong tumayo at tumingin sa akin. "Kung wala sa'yo, nasa'n ito? Sige, mukhang wala pa akong mahahagilap na sagot mula sa'yo. Matulog kana." utos niya.

Tinanguan ko nalang siya bilang tugon, ngunit bago siya umalis sa silid ay hinawakan ko muna siya sa balikat para sabihin na magiging maayos ang lahat pero mukhang ikinagulat niya ang pagdampi ng kamay ko sa balikat niya dahil biglang tumaas ang nakatago niyang mga tainga.

Napalingon siya sa akin at ganoon nalang ang pagmamadali ko na paghingi ng paumanhin sa kaniya. Bumaba rin ang mga tainga niya at tuluyan na siyang umalis sa silid.

"Kung nananaginip ako, sana ay magising na ako." Napapailing na saad ko dahil hindi makapaniwala sa mga unti-unting nangyayari.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon