Trenta'y Sais

91 7 9
                                    

Miracle

Dalawang araw na simula no'ng huling punta dito nila Drake at Luther. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang biglang pagbabago ng timpla at kilos ni Luther. Kitang-kita ko ang nag-aalab na galit niya nang hinanap niya sa'kin si Drake. Hindi mawaglit sa puso ko ang nararamdamang takot at pangamba.

"Miracle, pinapatawag ka ni Tito. At nakarating na pala sila Mavis." Sabi sa'kin ni Phoebe.

Ngayon ko lang naalala na umalis nga pala sila Mama para iligtas si Mavis. Isa pa ito, hindi ako makapaniwala na kaya niya kaming ipagkanulo. Hindi ko inaasahan na tatalikuran niya 'tong pamilya na 'to nang dahil sa pagkamuhi at inggit. Nalulungkot ako dahil nagsinungaling siya sa'kin sa tagal ng panahon na magkasama kami. In the third time, I feel betrayed by my own blood.

Tumayo ako saka pumunta sa likod ng bahay. May mini garden kasi doon at halos lahat sila ay nandoon para isaayos ang nalalapit na kasal namin ni Thanatos. Ang bahay namin ay malayo sa matataong lugar. Kailangan mo pang daanan ang ilang pasikot sa sudbisyon sa amin bago makarating dito. Hindi katulad ng normal na magpapakasal, sa amin, dito sa bahay gaganapin. May mahika kasi na kailangang isagawa bago kami ikasal. Isa pa 'yon, ang parteng 'yon ang hindi ko inaasahan.

"L-light," Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Mavis nang yakapin niya ako. Ngayon ko lang muli narinig kay Mavis ang palayaw ko.

Ngumiti na lamang ako nang bahagya sa kaniya saka nagsalita, "Mabuti't naligtas kayo."

"Oo, at nagpapasalamat ako kay Tita. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa'yo. Dapat hindi ko 'yon ginawa. Patawarin mo sana ako." Sabi niya.

"Alam ko naman na nilamon ka lamang ng iyong galit. Naiintindihan naman kita pero ang hinihingi mong tawad ay hindi ko pa yata kayang ibigay sa'yo." Paliwanag ko.

Ngumiti nalang siya saka bumalik kung nasaan sila Evander. Napansin ko naman ang isang lalake na may buhat-buhat na isang batang babae.

Agad kong nilapitan si Mama at Papa para maging malinaw sa aking paningin ang dalawang panauhin. "Sino sila?" Tanong ko kay Mama.

"Siya si Axel at ang kaniyang anak na si Melissa." Paliwanag ni Mama.

Tinignan ko 'yung bata at nakita ko ang mala-anghel niyang mukha. Hindi mapagkakailang anak nga siya nitong si Axel dahil maging siya ay may kakisigang taglay. "Tunay na marilag ang iyong anak." Puri ko sa bata.

"Salamat." Sagot niya. "Kung alam mo lang, anak siya ni Veronica ang iyong Tita." Sabi ni Mama na nagpagulantang sa akin.

"Sigurado ka? Hindi ko inaasahan na ang isang tulad niyang binalot ng kadiliman ay magsisilang ng isang anghel," sabi ko. "Pero sana ay hindi siya maging katulad ng kaniyang ina."

Matapos no'n ay nginitian nalang nila ako. Alam kong gusto nilang banggitin ang tungkol sa kasal dahil limang araw na lamang ay magaganap na ito. Pero mas pinili nilang huwag itong banggitin dahil alam kong batid nila na hindi ako komportable sa usaping iyon.

"Miracle, gusto mo bang makita ang susuotin mo?" Tanong sa akin ni Phoebe nang makarating ako sa puwesto nila.

Sila ang nag-aayos ng paligid para sa gaganaping kasal. Lahat sila ay ginamit ang kanilang kapangyarihan para mapaganda ang paligid. Napangiti nalang ako dahil sa sobrang ganda nito.

Garden Wedding ang konsepto. Hindi ko naman maitatanggi na puno ng bulaklak ang hardin namin. Iba't ibang kulay na tulips at rosas. Ang mga sari-sari nitong kulay at bango ang nagbibigay kagandahan sa lahat. Mas masaya siguro kung may makikita akong nakasabit na snow flakes sa mga ugat at sanga ng puno na nagsisilbing silong ng venue.

"Mes prouesses, accordez mon souhait. Écoute ma voix et laisse tomber les flocons de neige."

My prowess, grant my wish. Hear my voice, and let the snowflakes begin to fall.

Pagkabigkas ko no'n ay isa-isa nang nahuhulog ang mga snowflakes. May nakasabit na rin na parang dream catcher sa mga puno na magiging silong.

"Nakakamangha ang kapangyarihan mo, Miracle." Naisatinig ni Phoebe.

Sang-ayon ako sa sinabi niya. Tunay ngang nakakamangha ang kapangyarihan na aking taglay pero hindi nito mababago na siya ang sumira sa binuo kong pader at tupok ng tiwala. Hindi nito mababago na siya ang bumasag sa pagkataong akala ko'y totoo.

"Ito ang susuotin mo. Hindi kulay puti ang susuotin mo kun'di pula. Pula ang kulay ng simbolo ng Apoy ni Thanatos. At sa kaniya naman ay kulay puti dahil ang kulay ng simbolo ng Nyebe ay puti." Paliwanag sa akin ni Phoebe.

Simple lang siya pero eleganteng tignan. Para tuloy akong nagdadalawang-isip na suotin ito dahil sa sobrang ganda niya. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa kulay nito.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Phoebe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Phoebe. Ilang beses akong tumango para sabihin na nagustuhan ko talaga.

"Sobrang ganda nito, bagay na bagay ito sa'yo." Aniya niya.

"Sana kapag susuotin ko ito, 'yung taong mahal ko ang kaharap ko." Naisambit ko.

Napatingin naman sa akin si Phoebe na parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon.

"Pasensiya na. Nalulungkot ako para sa'yo, kailangan mo pang isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa amin." Paumanhing saad niya.

"Wala naman akong magagawa. Desisyon ko 'to. Pinili ko 'to. Ayoko rin namang mawala kayo sa'kin." Sabi ko sa kaniya saka ngumiti ng bahagya para mawala ang nadaramang lungkot niya.

Matapos no'n ay nagpaalam ako saglit sa kaniya saka pumunta sa bahagi kung saan gaganapin ang pagbibitaw ng mga vows namin ni Thanatos. Ang altar. Ilang minuto akong tumitig doon at iniisip kung ano ang mangyayari sa akin, sa amin kapag natapos ang seremonyas na ito. Kung maikakasal ba ako ay magiging masaya ba ako? Maliligtas ko ba sila?

Humihiling pa rin ako na sana may iba pang paraan. Humihiling ako na sana...kaya kong maging ako na walang tinatago. Sana alam ko na lahat ng sikreto na itinatago sa akin ng mga magulang ko, baka kasi hindi lang 'to ang tinatago nila sa'kin, baka mayroon pa. Panigurado kapag nangyari 'yon hindi ko na kaya.

"Bakit hindi mo sundin ang puso mo?" Rinig kong tinig mula sa likuran ko. Agad akong tumingin roon at nakita ko ang isang lalake na ngayon ko pa lang nakita.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya saka itinuro si Mavis, "Kasama ako sa mga nailigtas nila. My name is Jay," sagot niya.

Kasama siya sa nailigtas? Ibig sabihin ay nagmula siya sa bahay nila Veronica.

"Kung gano'n, mula ka sa bahay ni Veronica? Paano ka napunta roon?" Tanong ko.

"Mahabang kuwento," mahinang sagot niya. "Handa naman akong makinig."

Tumitig muna siya sa akin at kitang-kita ko ang pagbabago ng kulay ng mata niya. Naging kulay bughaw ito. "I experienced forbidden love." sagot niya.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon