Hindi makapaniwala si Miracle sa nakikita niya. Hindi inaasahan na magiging maganda ang kinalabasan ng ipinagawa niyang kuwintas. Pero hindi sapat iyon para lapitan niya ulit ang lalakeng nasa harapan niya. Walang sabi-sabing inilayo niya ang sarili sa lalake. Wala na siyang pakialam kung naging epektibo ang kuwintas na naibigay niya. Wala na siyang pakialam dahil maging ang lalake rin naman ay wala ring pakialam sakaniya.
Naglakad palayo si Miracle at iniwan ang binata. Walang ng mga salita ang nais mamutawi sa kaniyang bibig. Gusto niya ng maging tahimik ang buhay niya pero parang ang lalake pa yata ang may nais na guluhin pa siya.
"Miracle, sandali!" Habol ni Drake sakaniya.
Napairap siya't napalingon sa lalake. "Ano pa bang kailangan mo, Drake? Naibigay ko na 'yung maaaring lunas para sa'yo."
"Hindi, hindi pa tapos ang sumpa, Miracle." Ani nito.
"Wala na akong pakialam, Drake." Sabi nalang ni Miracle.
Kita sa reaksyon ng binata ang pagkagulat. Hindi niya inaasahan iyon. Kung sabagay, may kasalanan rin siya. Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang mga bagay na nagpalayo ng loob sa kaniya ng babae.
"Pero sabi mo, we gonna solve this together?"
"Hindi ako nangako sa'yo. Wala na lang 'yon ngayon. Huwag ka ng umasa."
"Patawad. Sino nga pala 'yung lalakeng kasama mo kanina?" Alangang tanong ni Drake sakaniya.
"Wala ka ng pakialam doon. Mauna na 'ko, paalam." Saad nalang ng dalaga sa kaniya saka siya iniwan.
Pangalawang beses ulit sinabi ni Miracle ang mga katagang paalam at pangalawang beses din itong narinig ni Drake mula sakaniya. Hindi niya alam kung paano aakto na normal sa harap ng dalaga lalo na't ginawa niya ang lahat masupresa lang at makasama ang dalaga. Parang ayaw niya na muli pang marinig ang mga katagang iyon. Masyadong masakit sa kaniyang pandinig.
Sa kabilang banda, sa isang silid may isang lalakeng nakakulong. Wala itong malay puno ng pasa ang mga mukha at bakas ng hagupit ng latigo. Biglang may pumasok sa silid, dalawang lalake. Ang isa ay may hawak ng baril at latigo habang ang isa naman ay may hawak na timba na ang laman ay likidong may nakakasulasok na amoy. Malansa ito, malapot at malagkit. Ang likidong iyon ay dugo, dugo ng hayop.
"Gisingin mo na iyan, Leo." Utos ng isang lalake.
"Kailangan ba natin talaga siyang pahirapan? Witness lang naman siya." Sagot ng lalakeng nagngangalang Leo.
"Kailangan. Hangga't hindi siya nagsasalita, mas lalo siyang masasaktan."
"Pero pare, kapag napatay mo 'yan. Sa tingin mo may makukuha ka pang sagot?"
"Tama na ang mga kontra mo, Leo. I'm not stupid. Hindi ko siya papatayin hangga't hindi niya sasabihin kung anong itsura no'ng halimaw na iyon."
Walang nagawa si Leo kun'di ang ibuhos ang dugo sa taong bihag nila. Agad na napabalikwas ang lalake at napahiyaw. Bukod sa humahapdi ang mga sugat niya. Ang pagkakilabot niya sa dugo na nasa katawan niya ay mas nagdala ng takot at sakit sa kaniya.
"Hindi lang iyan ang mapapala mo hangga't hindi ka nagsasalita." Saad ng lalakeng kasama ni Leo.
"Hindi ko nga nakita ang mga tinutukoy niyo. Wala akong alam. Parang awa niyo na, paalisin niyo na ako dito." Pagmamakaawa ng bihag.
"Are you telling to me that my friend is a LIAR?! He said you saw all the shits that the monster did."
"W..wala, wala akong nakita. Palayain niyo na 'ko."
"No! If you say nothing, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka."
"LUTHER!?" Suway ni Leo.
"Why, Leo? I'm telling the truth. I'm going to kill him."
"But you said you're not a killer like that monster!"
"I just want justice," mahinang saad nalang ni Luther.
"Bakit hindi mo nalang 'to hayaan sa mga pulis?" Tanong ni Leo.
"Are you fucking insane? Sa tingin mo ba maniniwala sa akin ang mga pulis? Iisipin nilang nababaliw ako, Leo."
"Yes! Nababaliw kana, Luther." Galit na sigaw ng kaibigan sakaniya.
"Nababaliw kana sa paghihiganti. You can't even find the monster you are saying. Accept the fact that, father, your father is already dead." Saad pa nito.
"Wala kang utang na loob! If you want to back out? Go! I don't even care. I'm going to stick with my plan. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay,"
"I know, pero hindi kana makatwiran. You almost kill him."
Tumahimik nalang si Luther at binitawan ang latigong hawak. Umalis ito ng walang pasabi sa silid. Gusto niya talagang makita at makaharap ang halimaw na pumatay sa kaniyang ama. Kinuha niya sa kaniyang bulsa ang telepono at bumungad sa kaniya ang litrato ng isang babae, si Miracle. Napangisi siya. "Miracle, Miracle. Masama man ang naging araw ko, ikaw naman ang magpapaganda nito. Kailan mo kaya sasabihin ang mga sikreto mo?" Tila nababaliw na saad ni Luther.
Dalawa lang talaga ang tumatakbo sa utak ni Luther. Malaman ang sikreto ni Miracle at mapatay ang halimaw na pumatay sa kaniyang ama. Uhaw na siyang malaman kung sino ang pumatay sa kaniyang ama. Uhaw na uhaw siya kaya't maging ang mag-uugnay sa halimaw na iyon ay nais niyang pahirapan.
"Papakawalan ko na ba iyon, Luther?" Tanong ni Leo.
"Sinabi ko bang pakawalan mo, Leo?" Inis na ani niya.
Napayuko nalang si Leo at nanahimik.
"Hangga't wala akong sinasabing utos sa'yo, wala kang gagawin. Hangga't walang pagsang-ayon ko, hindi ka makikialam. That's our rule, Leo."
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...