Dise Nuebe

126 14 13
                                    


LUMIPAS ang dalawang araw na nasa bahay lang si Miracle. Hindi niya nagawang bumaba o magpakita man lang sa pamilya niya na paniguradong nasa baba at hinihintay siya. Wala rin siyang balak na kausapin kung sino man ang mga kasama nito. Wala siyang pakialam kun'di ang nasa kondisyon niya.

Abala siya sa pagbabasa ng biglang may kumatok sa pintuan niya. Napatingin siya sa may pinto, at ngayon lang niya napagtanto na naka-lock ito kaya hindi makakapasok ang sinoman na magtangka. Tumayo siya at binuksan ang pinto, nakita niya ang isa sa mga kasama raw ng kaniyang ina, lalake ito at hindi niya alam ang pangalan nito. Tinaas niya nalang ang kaniyang kilay at nanatiling hindi nagsalita.

"Ako si Thanatos, pinapatawag ka sa baba ng iyong ina." Sabi sa kaniya ng lalake.

"Okay, pakisabi na pababa na ako. At hindi ko siya ina." Sabi niya saka sinarado ang pinto. Iniwan niya muna ang librong hawak niya saka lumabas ng kuwarto. Nagulat siya ng makitang nakasandal si Thanatos sa gilid ng pintuan niya.

"Anong ginagawa mo diyan, at ba't nandito ka pa?" Tanong niya rito.

Tinignan lang siya ng lalake at nagpaunang naglakad. Nagkibit-balikat nalang siya at hinayaan nalang ito dahil hindi rin naman siya komportable sa lalake, lalo na pangalan pa lang nito ay nagsusumigaw na sa kapahamakan. Thanatos means God of death.

Nang makarating sila sa baba ay agad na napukaw ang atensyon ng lahat ng nasa sala. Ngumiti ng pagkalapad-lapad ang kaniyang ama at si Maureen ng dahil sa hindi malamang dahilan. Agad na umupo si Miracle sa bakanteng espasyo sa sofa na tinabihan naman siya ni Thanatos. Lahat ng nasa sala ay sakanila ay nakatingin. Napakunot-noo naman si Miracle samantalang si Thanatos ay wala pa ring emosyon.

"Anong meron?" tanong ni Miracle sa lahat.

"Wala, nais ko lang sabihin na tapos na ang pinapagawa mo. Heto, tignan mo. Pero sana kahit natapos ko ito ng dalawang araw lang ay manatili ka pa rito ng isa pang araw gaya ng napagkasunduan." Sabi ni Maureen habang inilagay sa ang maliit na kahon sa ibabaw ng isang maliit na lamesita.

"Salamat, huwag kang mag-alala. I have my words." Sagot naman ni Miracle.

"Oo nga pala, anak. Heto ang mga kasama ng mama mo noong nasa malayo pa siya." Sabi ni Midnight, ang ama ni Miracle.

"Si Phoebe, mabait siya at makulit. Isa siya sa mga tinuturuan ng mama mo ng
mahika." Pakilala ng ama na bigla naman siyang kinawayan ni Phoebe.

"Siya naman si Gaia, mabait din na bata ito. Isa sa mga anak ng kaibigan ng mama mo pero mas piniling sumama para mag-aral din ng mahika." Nginitian naman siya ni Gaia.

"Heto naman si Evander, makulit at guwapo. Maasahan siya pero may pagkaloko-loko talaga." Kinawayan siya ni Evander at ngitian ng halos abot-tenga.

Natawa nalang ang kaniyang ama't ina dahil doon.

"Si Eros naman ito, pangalan pa lang lovable na. Mabait medyo suplado, maasahan din ito kasi madiskarte."

"At panghuli, iyang lalake na katabi mo. Siya si Thanatos, mabait pero tahimik, matalino kaya maasahan mo talaga. Malakas ang mahika niyan. At tamang lalake para sa iyo, anak. Tutal wala ka pa namang nobyo." Pakilala ng ama sa lalakeng katabi niya.

"Hindi ako interesado, basta't maasahan niyong nandito ako bukas para na rin sa napagkasunduan. By the way, wala akong pakialam kung wala pa akong nobyo. Mauuna na ako sa taas," sabi ni Miracle saka naglakad ng walang pakialam.

Ang kaninang masayang mga mata ng kaniyang ina na si Maureen ay naging malamlam at matamlay. Ang mga kasing-edad na kasama naman ng kaniyang ina ay hindi alam ang magiging reaksyon, nais nilang magalit kay Miracle ngunit wala sila sa puwesto nito para husgahan lang ito ng ganoon kadali.

DUMATING ang araw ng kinabukasan. Habang nag-aalmusal sila ng biglang nagtanong ang ama ni Miracle. "Miracle, para saan ba ang kuwintas na pinagawa mo?" Tanong nito.

Hindi muna nakasagot ang dalaga at naibaba ang hawak niyang kubyertos. "Wala, may paggagamitan lang ako no'n. Wala na siguro kayong pakialam tungkol doon. Sana ay hayaan niyo ako," sabi nito saka itinuloy ang pagkain.

Nakikinig lang sa mag-ama ang mga kasama ni Maureen. Wala si Maureen sa hapag-kainan dahil may ginagawa pa raw itong mahika, hindi na inalam ni Miracle kung ano ito dahil wala naman siyang pakialam hangga't hindi siya kumbinsido na ito talaga ang kaniyang ina.

Tapos ng kumain ang lahat, ang iba ay nagsiakyatan na sa kanilang silid habang ang iba naman ay pumunta sa may sala. Naiwan si Miracle at Thanatos sa hapag-kainan. Inililigpit ng dalaga ang mga pinagkainan nila ng bigla siyang tulungan ng binata. Napatingin siya rito pero wala pa ring emosyon ang lalake habang patuloy sa pagkuha ng mga pinggan.

"Hindi mo na kailangan pang kunin ang mga iyan. Ako ng bahala diyan." Sabi ni Miracle.

"Hindi na. Tutulong na 'ko, ayoko naman magmukhang walang utang na loob." Sagot ng binata.

"O..kay," tanging sagot nalang Miracle.

Hindi siya komportable sa lalake kaya matapos makapag-ayos sa hapag ay agad din siyang umakyat sa kaniyang silid. Iniisip niya kung kamusta na ba si Drake. Ilang araw na rin noong huli niyang punta sa mansyon. Bawal pa siyang umalis ngayon dahil ito ang pinagkasunduan nila ng kaniyang ama. Habang naglalayag ang kaniyang isip ay bigla siyang dinaga ng kaba. Hindi niya malaman kung bakit. Napatingin siya sa isang kahon na laman nito ay ang pinagawa niyang kuwintas.

"Drake."

Luther POV

Matapos ang nangyare noong nakaraang tatlong araw. Napag-isip-isip ko na madali kong makukuha ang gusto ko kapag naging sobrang malapit sa akin ni Miracle. If I can make her fall in love with me, I'll do it. Luther wants, Luther gets.

I am busy with my plans when my phone rang. I immediately answer the phone.

"Luther,"

"May balita ka na ba?"

"Bago lang 'to, pare. May nakitang patay malapit sa subdivision na pinuntahan mo noong nakaraang araw."

"Subdivision? Anong kinamatay?"

"Unidentified. Hindi nga makilala 'yung tao. Hindi ko rin malaman kung ano ba ang sanhi, may kalmot, may kagat, parang may galit o gutom na gutom ang may gawa."

"Siya na iyan. Matagal na rin siyang nagtago. Umpisa na ito para magbayad siya sa mga kasalana niya."

"Sure ka ba, pare? Delikado itong pinasok mo!"

"Simula ng mamatay ang ama ko, nasa peligro na ang buhay ko. Tandaan mo, huwag na huwag kang mang-iiwan sa ere."

"O..oo, pa..ngako."

Matapos no'n ay binaba ko na rin ang telepono ko. Mukhang unti-unti ko ng nakukuha ang isa sa mga gusto ko. Kung sino ka mang pumatay sa ama ko, pinapangako ko. You will suffer, and beg for your life. I suffered for so many years, now. It's my payback time. I will surely kill you.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon