Nuebe

173 18 6
                                    

Paulit-ulit na naririnig ni Miracle ang mga salitang binanggit ni Mavis sakaniya. Magmula ng sabihin ito ng pinsan niya ay hindi na siya makapakali. Kaya kinabukasan araw ng Sabado, maagang gumising si Miracle at nagbihis. Habang pababa ng hagdan nakita niya ang pinsan niyang nagbabasa ng libro. Napatingin ito sa kaniyang itsura at nagtaka dahil pusturang-pustura ito.

"Hello sis, good morning." bati niya rito.

"Saan ang lakad mo? Ayos na ayos ah!" tanong nito sakaniya.

"Wala, pupuntahan ko lang 'yung dapat kahapon ko pa kinausap." sagot niya. 

Pansin niya ang biglang pagseryoso ng pinsan niya kaya tinignan niya itong mabuti at pinakinggan. "Sana naman ngayon maayos mo na 'yan," ani nito. 

"A-ah! Oo naman, aayusin ko na." nauutal na sagot ni Miracle, hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan siguro ay dahil hindi siya sanay sa pagiging seryoso ng pinsan niya. Ngayon lang siya hindi naging komportable sa pabago-bago ng mood ng pinsan niya, para kasi itong may bipolar. Magugulat ka nalang kapag biglang galit ito. 

Matapos magpaalam ni Miracle kay Mavis ay agad siyang pumunta sa abandonadong mansyon. Ganoon pa rin ang itsura nito ang unahang bakuran ay makalat pa rin na nakakadagdag ng kaba at takot ng sinoman na magtangka na pumasok dito. Marahan niyang binuksan ang pinto saka pumasok, nagtaka siya na makitang malinis ang bandang salas; wala ang mga puting tela na nakatakip dito at nakabukas ang chandelier na naging ilaw nito. Kitang-kita ni Miracle ang ganda ng mga kagamitan sa salas halatang pang-mayaman ang mga ito. 

Pero nagtaka siya ng makitang wala si Drake sa bandang salas kaya umakyat siya sa ikalawang palapag at pumunta siya kung saan ang dating kuwartong tinuluyan niya habang palapit ng palapit sa pintuan ng silid na tinuluyan niya noon niya lang napansin na may nauulanigan siyang isang tinig. 

"Drake, inayos ko na ang salas sa baba. So ngayon p'wede na tayong magpahinga?" rinig niyang tinig mula sa kuwarto. Mahihimigan mo roon ang lambing. 

Alam ni Miracle na galing sa isang babae ang tinig na iyon at hindi nga siya nagkamali. Kitang-kita niya ang babae na katabi ni Drake at nakayapos pa ito. Alam niya na tunay na nakayapos ang babae na iyon kay Drake dahil kitang-kita niya sa awang  ng pinto ang nangyayare sa loob. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Napapikit siya ng mariin saka napahawak sa sentido. 

'Naturingan na ngang sinumpa, marunong pa ring mang-chicks. Tindi mo dre!'  bulong ni Miracle sa isip niya. 

Itinuloy niya na lang ang pakikinig sa nangyayare sa loob.

"Hindi pa tayo p'wede magpahinga, Amorie Lail. May gagawin pa tayo," rinig na tinig ni Miracle na paniguradong si Drake. Napairap naman si Miracle dahil nahimigan niya ang kaharutan sa boses ni Drake at sa tingin niya ang mukhang masaya ito. 

(AN: Amorie Lail pronunciation Eymori Leyl )

'Ang harot! Juskopo!' 

Pakiramdam ni Miracle ay nakukunsume siya kay Drake. Ang itsura niya ay halos mag-ngitngit na sa galit at inis na nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kaya hinayaan niya nalang ito at nakinig ulit. 

"Ano ba naman, Drake! Pagod na 'ko." Angal ni Lail na inirapan naman ni Miracle ng marinig ito. "Ano pa bang gagawin natin?" habol na tanong ng babae. 

Pinakinggan naman ni Miracle ang sasabihin ni Drake at nagulat nalang siya ng mag-sink-in sa utak niya ang sinabi ni Drake. Parang manlalata ang tuhod niya at aakyat ang dugo niya papunta sa mukha sa sobrang hiya. 

"Huhulihin lang naman natin 'yung babae na kanina pa nakikinig sa atin sa likod ng pinto. At halos sumpain ako sa isip niya," iyon ang sinabi ni Drake na ikinabigla niya. 

Napa-huh? nalang si Lail ng magsimulang maglakad si Drake papunta sa pinto. Hindi pa nakakatayo sa pagkakalumo si Miracle ng madatnan siya ni Drake sa pintuan. "Kamusta ang pakikinig mo?" sarkastikong bungad na tanong sakaniya ni Drake. 

Hindi niya malaman kung bakit nasaktan siya sa tanong ni Drake, sa tanong nga ba nito o sa pagiging sarkastiko nito sakaniya. "A-ah! W-wala... P-pa-pasensiya na," iyon nalang ang nasabi ni Miracle sa sobrang hiya. 

"Tumayo ka diyan at pumasok kana." Utos ni Drake na agad namang sinunod ni Miracle.

Sa pagpasok niya sa silid kita niya na ang kabuuang itsura ng babae na kasama ni Drake kanina. Maganda ito, may maikli na buhok at may magaganda ring mata. Bukod doon agaw-pansin rin ang emerald na kwintas na suot nito na tiyak na tunay. Nakangiti ito sakaniya kaya walang siyang magawa kundi ang suklian ang ngiti nito.

"Bakit hindi ka maupo? Paralisado kaba?" tanong ni Drake sakaniya na mahahalata mo parin sa tono ang pagiging sarkastiko. 

Napayuko nalang si Miracle sa hiya niya at naupo sa katapat na sofa na inuupuan ni Drake at ni Lail. "Why are you so sarcastic to her, Drake?" tanong ni Lail kay Drake. 

"Why don't you ask her?" inis na sagot ni Drake kay Lail. 

"Don't be rude, Drake! Sasabihin ko kay Mom na nandito ka, Sige!" balik na sagot ni Lail na ikinaangat ng ulo ni Miracle. 

Kitang-kita sa mukha ni Miracle ang pagtataka at halo-halong nararamdaman. "Y-you and Drake are siblings?" tanong ni Miracle habang nakaturo sa dalawa. 

Tumango naman si Lail habang si Drake ay umirap sakaniya. Inis naman niyang tinignan pabalik ito kaya biglang natawa si Lail sa inasal ng dalawa. "So? Kaya kayo nagkakaganiyan ay dahil may LQ kayo?" natatawang tanong ni Lail sa dalawa. 

Agad namang napailing ang dalawa at sabay na sumigaw, "Hindi 'no," 

"Haha! Kung ako sa inyo guys, ayusin niyo na 'yan. Mga pa-hard-to-get pa kayo." natatawang sabi ni Lail. "Hindi naman kayo chicks," pahabol na bulong ni Lail sa dalawa. 

Sa kabilang banda ay nakahinga na ng maluwag si Miracle dahil pakiramdam niya ay napakabigat ng atmosphere kanina. Sa ngayon silang dalawa lang ni Drake ang naiwan sa silid dahil bumaba si Lail sa salas para tapusin ang mga iilang bagay na hindi pa masyadong ayos. Ramdam na ramdam ni Miracle at Drake ang pagkailang at hindi malaman kung sino sa kanilang dalawa ang unang magsasalita. Nabasag nalang ang katahimikan ng simulang magsalita ang dalawa. 

"Sorry,"

"Sorry," 

Sabay na saad ng dalawa sa isa't isa. Agad namang tumingin si Drake sa mata ni Miracle saka nagsalita ulit. "Sige, ikaw na muna." 

Huminga muna ng malalim si Miracle saka nagsalita. "Sorry sa lahat ng masasamang sinabi ko. Nag-over-act ako kaya ganoon nalang ang nasabi ko atsaka sorry kung nakita mo ko na kasama 'yung kaklase ko. Alam ko naman na kaya ka nandoon ay dahil sa pinun-" 

"Hindi kita pinuntahan, sadyang doon lang ako napadpad. Atsaka pasensiya na sa mga ikinikilos ko, hindi ko kasi naisip na baka mailang ka." paliwanag ni Drake. 

"Okay na tayo? Sandali, sino ang bunso sa inyo ni Lail?" tanong ni Miracle.

"Siya ang bunso kaso ayaw niya akong tawaging kuya. Alam niya ang nangyari sa'kin saka ko nalang ikwento sa'yo medyo mahaba eh. Atsaka Oo, okay na tayo." nakangiting sabi ni Drake. 

Kita sa mukha ni Miracle ang saya at tila nabunutan siya ng tinik. Kaya hindi niya namalayan na niyakap niya na pala si Drake ng mahigpit.  

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon