Trenta

85 10 2
                                    

Nagkulay kahel ang langit habang bumabagsak ang malalakas na ulan. Kasabay nito ang malakas na kulog, at malakas na hangin. Tahimik ang lahat sa bahay nila Miracle. Lahat ay abala sa paghahanap ng lunas.

Habang si Miracle ay ganoon pa rin, ni walang pinagkaiba. Walang nagbago. Habang tumatagal siya sa yelo ay bumibilis naman ang daan para sa kamatayan niya. Tama, kamatayan. Kamatayan ang kapalit kapag hindi nalunasan ang nangyayari sa kaniya.

Sa kabilang banda, si Drake ay umuwing bigo sa kanilang mansyon. Nakita niya ang kaniyang kapatid na tila hinihintay ang kaniyang pagdating. Pinasadahan niya ito ng tingin at naisipan na lagpasan nalang ito pero ganoon nalang ang pagkabigla niya nang hawakan ng kapatid ang braso niya upang pigilan siya sa pag-alis.

"Kuya, pakiusap. Makinig ka muna sa akin, importante itong sasabihin ko." Pakiusap sa kaniya ng kapatid.

Ngunit tila wala yatang oras makipag-usap si Drake dahil tinanggal niya ang pagkakakapit ng kapatid sa kaniya.

"Kung ano man 'yan, Amorie. Hindi ko nais makipag-usap sa ngayon."

Tuloy-tuloy na pumanhik si Drake sa hagdanan at iniwan ang kapatid. Pero hindi naman sumuko si Amorie, dali-dali siyang umakyat at hinabol ang kapatid.

"Alam ko na batid mo na ang lunas sa'yo, Kuya. Kung maaari, pakinggan mo na ako." Pakiusap muli ni Amorie.

Dahil sa sinabi ni Amorie ay nakuha nito ang atensyon ng binata. Napalingon siya sa kapatid at tinanong ito."Ulitin mo nga 'yung sinabi mo." Utos ng binata.

Inulit naman ito ni Amorie at ganoon nalang ang pagtangis bagang ni Drake sa galit. "Ako ba'y niloloko mo? Alam mong hindi ko pa alam ang lunas, at kung alam ko ito sana hindi ako nahihirapan sa sitwasyon ko!" Galit na saad niya.

Napaatras naman si Amorie sa takot. "Alam kong alam mo na, Kuya. Hindi ko naman ito sasabihin sa'yo kung hindi. Nahanap mo ang libro kung saan nakasaad ang lunas. Hindi mo ba nabasa? Nakalagay ito sa iyong silid." Paliwanag ni Amorie.

Napatigil naman si Drake, ibig sabihin ay naintindihan ng kapatid ang nakasaad sa aklat. Hindi nagdalawang-isip si Drake na puntahan ang sariling silid. Agad na hinanap ng kaniyang mata ang aklat. At ganoon nalang ang tuwa niya ng makita niya ito.

Nilingon niya ang kapatid at tinanong. "Anong nakasaad sa aklat?"

"The only cure to break the curse and suffering in the embrace of coldness and agony is a sealed of love and sacrifice." Saad ng kapatid.

"Sealed of love and sacrifice? Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Drake sa sarili.

"Baka ang ibig sabihin nito ay ang pagmamahalan niyo ni Miracle. Ang selyo nito ang makakasira ng sumpa. Alam mo naman ang ibig kong sabihin sa selyo 'di ba? Hehe. It's a kiss." Pang-aasar ng kapatid.

Halata ang pamumula ng mukha ng binata dahil sa sinabi ng kapatid. "Walang namamagitan sa aming dal'wa, kaya tumigil ka."

"Wala ba talaga? Hindi halata eh, halatang mahal mo siya at—"

"Sa tingin mo ba mahal niya ako? That's the question, Amorie. Wala na si Miracle sa buhay ko, umalis na siya."

"Ha? Saan siya nagpunta?"

Napasapo sa noo ang binata dahil sa tinuran ng kapatid. "Ang ibig kong sabihin ay hindi na kami tulad ng dati. Iniwan niya ako dahil sa nagkamali ako."

"Kuya, alam kong hindi tayo masyadong malapit sa isa't isa. Pero maipapayo ko lang, ipaglaban mo siya. Hindi man pareho ang nararamdaman niyo, ito naman ay hindi niya makakalimutan. Lubos na pagmamahal na inalay mo sa isang tao ay maaaring suklian, suklian sa higit na inaakala mo."

"Gaya ba ng paglaban mo doon sa lalakeng minahal mo?" Tanong ni Drake sa kapatid.

Napalayo ang tingin ni Amorie. Hindi niya alam na uungkatin pa pala iyon ng kaniyang Kuya. Hindi siya komportable na pag-usapan nila ang tungkol doon.

"Hindi kita masisisi kung nahulog ka sa murang edad. Noong una, hindi ako makapaniwala. Naunahan mo pa kasi ako, alam kong nadala ka ng nararamdaman mo para sa taong iyon. Pero sana kinilala mo muna siya para hindi humantong sa ganito." saad ni Drake.

Tikom pa rin si Amorie. Alam niyang nagkamali siya, at sa tingin niya ito ang pinakamalaking pagkakamali niya.

"Alam ko, alam kong nagkamali ako. At nagsisisi ako na nagtiwala agad ako. Hindi ko alam na kapag minahal ko pala 'yung mokong na 'yon ay may mas malaking kapalit, at iyon ay ang mapahamak ka. Patawad talaga, Kuya." Naiiyak na saad ni Amorie.

Ngumiti nalang si Drake at niyakap ang kapatid. Kahit naging malaki ang kasalanan sa kaniya ng kapatid ay ang pinakaayaw niyang mangyari ay ang umiyak ito sa harapan niya.

"Sandali nga lang, Kuya. Dapat sa mga oras na 'to nasa bahay kana nila Miracle."

"Anong gagawin ko naman do'n? Baka magalit 'yon sa akin."

"Hindi 'yon magagalit sa'yo. Mabait naman si Miracle. Magpaliwanag ka sa kaniya."

"Sige, susubukan ko. Dahil gusto ko rin siyang makausap. Wala siya nitong mga nakaraang araw sa unibersidad. Parang masama ang kutob ko ukol doon."

"Sige, Kuya. Umalis kana. Bilisan mo ah? Dalhin mo rin dito si Miracle."

Ngumiti nalang si Drake sa huling bilin ng kapatid at agad-agad na umalis sa kaniyang silid. Kailangan niyang puntahan si Miracle. Tinanggal niya muna ang kuwintas para bumalik sa dating anyo. Dama man niya ang hapdi at kirot dahil sa dulot ng kuwintas pero hindi niya ito ininda dahil bukod sa masaya siyang alam niya na ang lunas ay masaya rin siya dahil makikita niyang muli ang dalaga.

Lumipas ang ilang oras ay nakapunta na si Drake sa tapat ng bahay ni Miracle. Nagtataka siya dahil tila sobrang tahimik ng paligid. Napayakap si Drake sa kaniyang braso nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ng binata, tila may mali.

Kinakabahan man ay inakyat niya ang bintana ng kuwarto ng dalaga. Hindi siya kilala ng mga magulang ni Miracle kaya panigurado kapag nahuli siya ay malalagot siya. Hindi niya alam ang itsura maging ang ugali ng magulang ng dalaga kaya't naging maingat siya sa pag-akyat.

Nang buksan niya ang bintana ay para siyang naestatwa. Nakadama siya bigla ng kirot sa kaniyang dibdib at hindi inaasahan ang pagbagsak ng kaniyang luha. Naging emosyonal siya nang makita ang dalaga na balot ng yelo.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang bloke ng yelo at hinawakan niya ito. Isa-isang pumatak ang mga luha niya doon. Puno ng tanong ang nasa isip niya.

"Anong nangyari sa'yo, Miracle? Bakit ka narito?" Naguguluhang tanong ng binata.

Rinig ang pag-iyak nito, nasasaktan siyang nakikita ang dalaga sa ganitong kalagayan.

Pinagsisipa niya ang yelo. Ilang beses niya iyon na ginawa. Nagbabakasakali siya na mabasag niya ito, pero kahit anong gawin niya. Wala.. Wala nangyayari.

"Naririnig mo ba ako? Pakiusap, gumising ka. Naririnig mo ba ang pintig nito? Pakiusap, gumising ka, Miracle. Hindi puwede 'to." Ani ng binata habang patuloy sa pagsuntok sa yelo, hindi niya inisip ang pisikal na sakit na dulot nito. 

"Gumising ka! Pakiusap, Miracle. Mahal kita, gumising kana." 

Matapos niyang sambitin iyon ay biglang lumakas ang hangin. Nagkalampagan ang mga bintana at nabasag ang salamin sa kuwarto ng dalaga. Napatigil sa pag-iyak si Drake at kaniyang mga mata na nabalutan ng lungkot ay napalitan ng saya. Unti-unting nabasag ang yelo na nakabalot sa dalaga. At nang matapos 'yon ay dali-daling niyakap ng binata ang dalaga.

"Salamat, salamat. Miracle, gumising ka." Saad ng binata habang tinatapik ang malamig na pisngi ng dalaga.

Ilang beses 'yon ginawa ng binata pero wala siyang nakuha na responde sa dalaga. Naalarma siya sa nangyari.

Napatigil siya sa pagtapik sa dalaga nang may narinig siyang mga yabag ng paa. Hindi makakilos si Drake dahil ayaw naman niyang iwan ang dalaga at nais niya ring malaman kung ano ang nangyari bakit ito nabalutan ng yelo.

Pagkabukas ng pinto sa silid ay parehong nagulat ang mga magulang ng dalaga at si Drake.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon