Bente Nuebe

100 10 9
                                    

The world feels like shattering into pieces. Some branches is already giving up and ready to fall, not thinking about the others they might hurt. One apple is fell on the ground and got her owner. She's not lucky, she's locked behind the walls. Suffering and putting a fire.

♛ ♛ ♛

Malamig, malamig ang pakiramdam ko. Minulat ko ang aking mga mata at doon ko nakita ang kisame ng isang kuwarto. Kasalukuyan akong nakahiga sa sahig at nakatitig sa puting mga pader. Mababaliw yata ako kapag nanatili pa ako rito ng matagal. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakakulong dito. Dinadalhan nila ako ng pagkain, matapos noon ay iiwan nila akong muli.

Maayos pa ang lagay ko dahil hindi pa siya nagtatanong. Hindi ako nakakasiguro sa kaligtasan ko. Ang tanga ko para pumasok sa bahay na puno ng apoy, bahay ng mga taong puro kasamaan ang nasa isip.

Nabalik ako sa reyalidad ng may pumasok sa aking silid. Isang lalake, may hawak itong tray na puno ng pagkain. Mukhang kaedad ko lamang siya kaya't nagtaka ako bakit siya narito at mukhang naninilbihan pa sa mga taong iyon. Isinusuko niya ba ang buhay niya sa mga siraulong iyon?

Hindi ko maaninag ng maayos ang kaniyang mukha dahil sa mahabang buhok na nakaharang sa bandang mga mata niya. Napatingin siya sa gawi ko at nagtama ang aming mga mata pero siya rin ang umiwas ng tingin pagkatapos no'n.

"Bibitayin niyo ba ako at ganito karami ang dala mong pagkain?" Tanong ko sakaniya.

Napatingin siya sa akin saka tumayo. "Hindi, hindi pa. Maaaring iyan na ang huli mong pagkain. Dahil sa pagkakaalam ko ay bukas nila sisimulan ang pagpiga sa'yo." Saad niya saka naglakad paalis.

Bago pa siya makaalis sa paningin ko ay tinawag ko siya. "Kung maaari, tulungan mo ako. Pakiusap.."

Alam kong nabigla siya sa mga nasabi ko at alam ko rin na hindi siya masamang tao. Alam ko rin na hindi siya makakatanggi sa akin, mabait siya.

"Don't judge a book by its cover. Mali ang taong nilapitan mo, Mavis. Hindi ako makakatulong sa'yo." Sabi niya saka tuluyan ng umalis.

Tila gumuho ang mundo ko ng sabihin niya iyon. Nais ko makaalis dito para masabi kay Tita at Tito ang mga nangyayari, pero mukhang huli na ang lahat.

Babalik na sana ako sa aking puwesto kanina ng may mapansin akong papel. May nakasulat dito, napatingin ako sa daan kung saan nagtungo 'yung lalake kanina.

Pinulot ko ito at sinubukang basahin ang nakasulat. Ngunit bigo ako, parang hindi kasi siya ordinaryong mensahe.

J XJMM IFMQ ZPV (Step back)

Step back? Napaatras naman ako at hindi ko pa rin maintindihan ang iniwan niyang mensahe. Ibinulsa ko muna ang papel saka kumain na.

Kailangan kong magpalakas dahil gaya ng sinabi no'ng lalake na iyon. Maaaring bukas ay pahirapan na nila ako. Hindi naman ako katulad nila Tita na may mahika. Ordinaryo lamang ako dahil sa aking ama. Wala naman akong pagsisisi doon dahil naranasan kong mabuhay ng normal. Walang masyadong inaalala.

Nagsimula ang hinanakit ko sa mga magulang ni Miracle noong nakita na ni Tita Maureen si Miracle. Kung dati-rati magkasama kami palagi ni Tita Maureen. Wala na ang mama ko at ang ama ko rin. Parehas silang wala na kaya ang gumabay sa akin sa paglaki ay ang mga magulang ni Miracle na naging pangalawang magulang ko na rin.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon