Katorse

120 14 1
                                    

Hindi makapaniwala si Miracle sa kaniyang mga nalaman. Hindi niya inaasahan na magiging totoo ang mga hula ni Drake tungkol sa pamilya niya. Matapos ang pag-uusap na iyon sa pagitan ng mga magulang niya agad siyang lumabas sa silid na iyon at tumakbo paakyat sa kaniyang silid.

Sa kaniyang pagpasok sa sariling silid nakatingin pala sakaniya ang binata. Ang mukha nito ay tila nagtataka sa naging itsura ng dalaga. Bukod kasi sa hinihingal ito ay parang nagbabadya rin ang mga luha nito na kanina pa nais na pumatak. Hanggang sa napaluhod ang dalaga at napahawak sa kaniyang mukha. Doon na bumuhos ang kanina niya pang pinipigilan na luha.

Nagulat si Drake sa naging asta ni Miracle, hindi man siya sanay sa pag-alo ng taong umiiyak wala siyang nagawa kun'di ang hawakan sa balikat ang dalaga. Patuloy ang paghikbi ng dalaga, puno ng emosyon ang kaniyang mga hikbi. Sobrang bigat nito..

Hindi man makapagtanong ang binata, hinayaan niya munang ilabas ng dalaga ang emosyon nito. Hanggang sa nag-angat ng tingin ang dalaga, napatingin naman si Drake sa mukha nito. Akala niya ay maayos na ang dalaga ngunit nagkamali siya, nabigla siya ng dambahin siya ng dalaga ng isang mahigpit na yakap.

Sa pagyakap nito mas lalong naramdaman ni Drake ang emosyon ni Miracle.

Natigil lang ang dalawa sa kanilang yakapan ng may biglang kumatok sa pintuan ng silid ni Miracle.

Napabitaw ang dalaga sa mga yakap nito at napatitig sa pinto. Tila nagdadalawang-isip dahil na rin sa kaniyang mga nalaman, ayaw niyang muli na madismaya sa muling pagkikita nila ng kaniyang tunay na ina. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya.

"Hindi mo ba bubuksan ang pinto?" tanong ni Drake.

Umiling lang ang dalaga at hinatak si Drake patungong bintana.

"Tara, sasamahan kita papunta sa inyo." saad ni Miracle.

"Bakit naman? Kahit hindi na,"

"Hindi, samahan na kita. Wala rin naman akong gagawin."

"May tinatakasan ka ba?" biglang tanong ni Drake.

"Wala, basta tara na."

Bago bumaba ay sinulyapang muli ni Miracle ang pinto na kanina pa sa pagkalabog at pag-ingay dahil sa magkakasunod na katok. Wala na siyang pakialam ang iniisip niya lang ngayon ay ang pagtakas mula sa katotohanan. Katotohanan kung bakit siya ngayon ay sugatan.


Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon