Bente Singko

103 11 17
                                    

The leaves of tree of lies is slowly falling. And when the leaves touch the ground; all the people who is blinded by it will be punished.

♛ ♛ ♛

Hindi makapaniwala si Amorie sa huling binanggit ng binata. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan, nais niyang magsalita pero parang ang kaniyang dila ay nalunok niya. Gusto niyang hablutin at sundan ang kaniyang kapatid, ang kaniyang kuya pero huli na dahil nakaalis na ito.

"D..drake." Anas niya.

Pinilit niyang makaalis sa kinatatayuan at naupo sa sofa. "Anong gagawin ko? Wala na akong mukhang maihaharap." Naiiyak na saad niya.

Nanginginig ang mga kamay niya habang patuloy sa paglandas ang mga luha niya. "Patawad.. Patawad.." Mahinang bulong niya.

"Hindi ko iyon sinasadya, hindi talaga.." Patuloy siya sa pag-iyak pero wala rin itong kuwenta. Hindi naman ito naririnig ng kaniyang kuya.

"Kasalanan ko ang lahat,"

Drake POV

Pagkarating ko sa aking silid ay agad kong tinanggal ang kuwintas at inilagay ito sa kahon. Kailangan ko itong ingatan. Isa itong mahalagang regalo mula sa kaniya. Sa pagtanggal ko ng kuwintas ay ang pagsakit ng buong kalamnan ko. Napahawak ako sa aking ulo't tiyan. Hindi lahat ng bagay ay may magandang dulot. At hindi basta-basta matatanggal ang sumpa, iyan ang pagkakaalam ko.

May kuwintas nga ako para maging tao pero may kapalit ito. Sa tuwing suot ko ito ay magaan ang pakiramdam ko pero kapag tinanggal na ito ay unti-unting sumasakit ang kalamnan ko at ulo hanggang sa bumalik ako sa dati kong anyo.

"Argh. Kailangan ko talaga mahanap ang solusyon sa sumpang ito." Inis na saad ko.

Naalala ko bigla si Amorie, hindi ko inakala na magagawa niya akong pagsinungalingan. Kaya ba gusto niyang tumulong dahil nakokonsensiya siya? Huli na ang lahat para doon. Kung maibabalik niya lang.

Alam ko na sa kabila ng kaniyang kasalanan ay may dahilan siya. Alam kong nadala lang siya. Nadala siya ng lalakeng iyon, hindi ko alam na magkakaroon siya ng relasyon sa murang edad. At hindi ko inaasahan na sa isang delikadong tao siya sumugal.

Napapikit nalang ako at napahawak sa aking noo. Hindi ko kayang absorbahin ang lahat. Napatingala ako sa kisame. Naalala ko 'yung una naming pagkikita.

"Hanggang kailan ka tatakbo, binibini?"

"Ah.. Ahhhh!"

Napangiti nalang ako. Iba man ang aking itsura noon ay nagawa niya pa rin akong tanggapin. Sa una man ay nagkakailangan kami, o mas magandang sabihin naiilang siya sa akin ay naging komportable rin siya.

Bakit ganoon? Maayos naman kami nagsimula, 'di ba? Bakit nauwi kami sa ganitong sitwasyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa. Magpapaliwanag ako sa kaniya.

Miracle POV

Pagkarating namin sa bahag ay agad akong sinalubong ng halik ni ina at ama. Ngumiti nalang ako bilang tugon saka naupo sa sofa.

"Ma, nakabalik na po ba si Mavis?" Tanong ko.

Umiling lang siya at naupo sa tabi ko. Hinaplos niya ang likod ko na para bang pinapakalma niya 'ko.

"Anak, pasensiya na kung hindi naman nabanggit sa'yo. Akala lang kasi namin ay babalik ka agad si Mavis. At naging abala kami sa gaganapin na.." Hindi natuloy ang sasabihin ni ina ng sumabat si Thanatos.

"Tita, maaari ba kayong makausap?" Tanong nito saka ako naman ang nilingon. "At ikaw naman, amour. Umakyat ka muna." Utos niya.

Pinandilatan ko siya ng mata at nagbato sa kaniya ng yelo pero nasambot niya ito at natunaw. Tinignan niya ako sa mata at nakita ko na seryoso siya kaya umakyat na ako papunta sa kuwarto.

Habang papunta sa aking kuwarto nadaanan ko ang kuwarto ni Phoebe at Gaia, at hindi sinasadyang narinig ko ang kanilang usapan.

"Huwag ka ng malungkot, Gaia. Wala naman tayong magagawa, para rin naman ito sa ikabubuti ng lahat." Sabi ni Phoebe habang hawak ang balikat ni Gaia.

"Eh bakit siya pa? Hindi ba puwedeng sila Evander, at Eros nalang?" Malungkot pa rin na saad ni Gaia.

Ano bang tinutukoy nila? At hindi ko alam na may ganitong ugali pala si Gaia bukod sa pagiging supladang mabait.

"Alam mo naman na hindi puwede. Si Eros ay kapangyarihan ng hangin ang mayroon. Samantalang si Evander naman ay tubig. Hindi sila nararapat kay Miracle. Gulo ang dulot kapag nangyari iyon. Kaya si Thanatos ang pinili dahil apoy ang hawak niya. Magiging balanse ang lahat kapag naikasal sila." Paliwanag ni Phoebe na nagpapanting ng tainga ko.

Napatulala ako sa sinabi ni Phoebe. Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Rinig ko ang biglang pag-iyak ni Gaia. Rinig ko ang hagulgol nito.

"Bakit ba kasi si Thanatos pa 'di ba? Mahal ko si Thanatos, Phoebe!" Mariing saad ni Gaia.

"Sabing wala na tayong magagawa, Gaia! Gumising ka nga! Hindi ka naman ginusto ni Thanatos kahit kailan kaya puwede ba? Gumising kana!" Sigaw ni Phoebe saka sinampal si Gaia.

Oras na lumabas ako sa pinagtataguan ko ngayon, isa lang ang maaaring mangyari: ang magkasakitan kami ni Gaia at tutulungan ko silang itigil ang kasal.

"Tumigil na kayo, walang kasal na magaganap." Malumanay na saad ko.

"Miracle!" Gulat na anas ni Phoebe.

Kita ko ang panlilisik ng mata ni Gaia. Agad siya nagbato ng isang putik na agad ko namang nasangga. "Sinabi ko na sa'yo una pa lang, Gaia. Huwag ako ang kalabanin mo, masasaktan ka lang." Saad ko saka pinalibutan siya ng yelo sa leeg.

"Ack! T..tama na.."

"Miracle, Miracle! Tama na.." Pigil ni Phoebe.

Dumating na rin si Ama at ina. Siguro narinig nila ang sigawin mula rito. "Anak, itigil mo na iyan!" Suway ni ama.

Hinawakan na rin ako sa baywang ni Thanatos at tinunaw niya ang nasa leeg ni Gaia.

"Ano bang problema, Miracle?!" Galit na tanong ni Thanatos.

"Kayo, kayo ang problema!" Galit na saad ko saka nagpumiglas sa hawak niya.

"Ano?" Gulat na tanong ni Thanatos.

"Hindi niyo sinabi sa akin na ikakasal ako sa lalakeng ito! Ama! Ina! Binigay ko sa inyo ang tiwala ko. Sinubukan ko kayong tanggapin muli, pero anong ginawa niyo? Mga sinungaling kayo!" Galit na saad ko saka iniwan sila.

Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang magsinungaling sa akin. At bakit ko kailangan ikasal sa lalakeng kakikilala ko pa lang, lalo na't hindi ko naman mahal. Pinunasan ko ang mga luhang naglalandasan sa aking pisngi at nagkulong sa aking kuwarto.

Hanggang kailan ba kami babalutin ng kasinungalingan? Wala na bang totoo sa mundong ito? Halos lahat sila binulag ng kasinungalingan. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng kadiliman. Gusto ko munang magpahinga kahit saglit.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon