Third Person POV
Patuloy lang sa pag-aayos ng kagamitan sa kusina ang binata. Hindi niya alam kung dapat na bang sabihin sa dilag na kasama niya ngayon ang napagkasunduan ng magulang nito sa kaniya. Alam niyang masyadong mabilis ang pangyayari pero maaaring may mangyari pang masama kapag hindi agad nila nasolusyonan ang bagyong parating.
"Sige, Thanatos. Mauna na ako sa'yo." Sabi ng dalaga sa kaniya saka naunang umalis.
Isa-isa namang pumasok ang kaniyang mga kaibigan sa kusina at hinarap siya. Lahat sila ay tila may tanong na nakapaskil sa mukha nila. "Nasabi mo na ba sakaniya?" Tanong ng kaniyang kaibigang babae.
"Hindi pa. Hayaan niyo sana na ako na ang magsabi sakaniya. Alam niyo naman ang ikot ng pangyayari ngayon dito." Sagot ng binata.
"Sana huwag kang matagalan. Panigurado na maaari tayong mapahamak kasama na si Tita Maureen kapag hindi natin ito naagapan." Saad naman ng isa niyang kaibigan na lalake.
"Kaya ba hindi bumaba si Tita Maureen dahil humahanap pa siya ng ibang lunas?" Tanong naman ng isa niyang kaibigang babae.
"Maaari, pero hindi puwedeng mabago ang nakasaad sa mangyayari sa susunod na mga araw. Maaari itong magdulot pa ng mas malaking kapahamakan." Saad ng binata sa kaniyang mga kaibigan.
"Kailangan na talagang malaman ni Miracle ang lahat dahil kung hindi lahat tayo. Lahat tayo ay mapapahamak at maaaring mabura nalang ng basta-basta sa mundong ito."
"Huwag kang magsalita ng ganiyan, Evander."
"Pasensiya na. Nag-aalala lang talaga ako. Sige, mauna na ako sainyo." Sagot nito saka umalis.
Binalot ng katahimikan ang kusina, ni isa sakanila ay hindi nagtangka na magsalita kaya walang pagdadalawang-isip na nilisan niya ang kusina at nagpasyang pumunta sa silid ng mga magulang ni Miracle.
"Ano ang problema, Thanatos?" Tanong ng ina ng dalaga.
"Wala naman po, Tita. Nais ko lang sabihin sa inyo na hindi ko agad masasabi sa inyong anak ang ating napagkasunduan dahil na rin sa mga nangyayari ngayon." Sagot ng binafa.
"Nauunawaan naman namin iyon, Thanatos. Basta't ipangako mo lang sa amin na kahit anong mangyari ay magagawa mo ang ating napagkasunduan dahil alam mo naman na iisa lang ang paraan para hindi tayo malagay sa kapahamakan." Saad naman ng ama ng dalaga.
Napatango nalang ang binata saka tumayo sa kaniyang inuupuan. Bago umalis ay nagbigay muna ito ng galang na ikinatuwa ng mga magulang ng dalaga.
MATAPOS ang pangyayari na iyon. Naglakad-lakad muna sa mahabang pasilyo ng ikalawang palapag ang binata. Sa pinakadulong silid ay may narinig siyang tunog ng isang piano; napukaw ang kaniyang atensyon. Pipihitin niya sana ang door knob ng pinto ng mapag-alaman niya na isa pa ito sa silid ng dalaga. Wala siyang nagawa kun'di ang maghintay sa labas ng silid at hayaan ang kaniyang mga tainga't isipan na maaliw sa kaaya-ayang saliw ng musika na nagmumula sa pagtipa ng piano ng dalaga.
"Kay gandang musika," wika ng binata.
Lumipas ang ilang minuto, huminto ang musika pero hindi pa rin umaalis ang binata sa labas hanggang sa naabutan siya ng dalaga.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng dalaga sa kaniya.
"Napukaw lang ang atensyon ko sa pagtugtog mo ng piano."
"Gano'n ba. Okay," maikling sagot sa kaniya.
Ngayon niya lang napagtanto na maganda ngang tunay ang dalaga. Ang mga mapupungay na mata nito, ang pisngi nito na parang kasing kulay ng rosas, at ang labi nito na maliit lang pero ito'y kay pula.
Hindi niya napansin na kanina pa siya nakatitig sa dalaga.
"Bakit?" Tanong tuloy ng dalaga sa kaniya.
"Wala, mauna na 'ko." Sagot na lamang niya.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili dahil kusa siyang nagprisinta na siya ang italaga para sa kasunduan sa pagitan nila ni Miracle. Hindi niya pa nasilayan noon si Miracle pero walang pagdadalawang-isip na tinanggap ang kasunduan. Hindi niya inaasahan na ganoon ang pag-uugali at itsura ni Miracle. Talagang nakuha nito ang postura at kagandahan ng mga magulang nito pero ang ikinatataka niya kung anong klase ng mahika ang nasa kapalaran ni Miracle.
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...