HINDI maipaliwanag ni Miracle ang nararamdaman niya ng sabihin ni Mavis ang mga salitang iyon. Buong akala niya ay may kasama siyang matanda dahil pansin niya na totoong-totoo ito, pati ang paghawak sa braso niya ng matanda.
Napailing na lamang siya at sinundan si Mavis na nauunang maglakad sakaniya ngunit bago iyon sinulyapan niya muli kung saan niya nakita ang matanda. At sa hindi inaasahang pagkakataon, naroon iyon at nakangiti at tumango ito sakaniya. Gulat na gulat si Miracle sa nakita niya, hindi niya malaman kung anong maligno o ano mang mahika ang nakabalot sakaniya at laging nagkakaganito ang sitwasyon niya.
Hindi na niya nagawa pang lingunin ito dahil pakiramdam niya ay tataas ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Nagsimula ang klase nila na tulala at wala sa sarili si Miracle. Nakatingin lamang ito sa bintana at pinagmamasdan ang labas na kung saan makikita mo ang kanilang field.
"Haist," buntong hininga nito.
"Ang laki ata ng problema mo?" tanong ni Mavis.
"Wala 'to, may iniisip lang." Simpleng sagot ni Miracle. Tinanguan na lamang siya ni Mavis dahil pakiramdam nito ay hindi handa si Miracle na sabihin sakaniya ang mga ilang bagay-bagay.
Madaling natapos ang klase ni Miracle at Mavis, pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya ng mga nakikita at nararamdaman niya. Puno ng kuryosidad ang isip niya, may kung anong humihila sakaniya para alamin ang mga binitawan na salita ng matanda sakaniya. Kaya ng pauwi na sila ni Mavis sa kanilang bahay ay pinauna niya ito na umuwi dahil nais niyang puntahan ang mansyon kung saan siya dinala ng itim na pusa na iyon.
INABOT ng dapit-hapon si Miracle para makapunta sa mansyon na iyon, masyadong madilim at nakakakilabot ang daan papunta roon. Ngunit hindi na naisip ni Miracle kung mapapahamak siya kapag nagtungo roon dahil lubos na lubos na siyang nagtataka sa lahat ng nangyayari, pakiramdam niya bukas-makawala ay hindi na siya makakatulog sa kakaisip ro'n. Nang makita niya ang pamilyar na tarangkahan ay agad niya itong binuksan at pumasok sa loob. Nagulat siya ng bigla itong sumara ng malakas at umihip ang malakas na hangin. Napatingin siya sa langit kung saan nakikita niya ang liwanag ng bilog na buwan.
"Bilog na buwan," mahinang bulong niya.
Kasabay ng pagbaba ng tingin niya ay ang paghagip ng mga mata niya sa malaking bintana na kung saan nakita niya dati roon ang itim na pusa na nakatanaw sa kaniya. Kinilabutan siya ng maalala niya iyon, pero mas kinilabutan siya ng may mapansin na mga mata na nakasilip sakaniya mula roon. Hindi niya magawang umatras dahil nanginginig ang mga tuhod niya sa sobrang kaba, at takot. Tumingin siya muli sa bintana, ngunit wala na ang pares na mata na nakasulyap sakaniya.
Huminga ng malalim si Miracle bago niya subukan na ihakbang ang mga paa papasok sa manson na iyon. Rinig niya ang ingay ng pinto ng buksan niya iyon, umaalingawngaw ang tunog ng kaniyang sapatos sa tuwing humahakbang siya. Kita niya ang mga lumang kasangkapan sa tahanan na binalutan ng mga puting tela, tunay na abandonado ang mansyon.
"Sino kaya ang may-ari ng mansyon na ito?" tanong niya sa kaniyang sarili.
Tinitignan niya ang mga iba pang kasangkapan na mayroon sa unang palapag ng mansyon. Tinitignan niya kung may makikita siyang pangalan upang malaman kung sino ang nagmamay-ari nito. Hindi nga siya nabigo dahil may nakita siyang isang antigong vase na kung saan may nakapangalan, "Drake Ian Ross," mahinang pagkakabasa niya sa pangalan nito. Naalala niya ang initials ng sulat na nakita niya sa libro na nabili niya. "Siya kaya 'yon?" tanong ni Miracle sa sarili. Matapos niya makita ang pangalan ay umakyat siya sa ikalawang palapag kung saan may tatlong mahabang pasilyo. Isa sa kanan, kaliwa at sa harapan niya. Lumingon-lingon muna siya dito bago magpasya kung saan siya unang pupunta, gagawi sana siyang pakaliwa ng may mapansin siyang naglakad sa gawing kanan. Alam niyang tao iyon dahil alam niyang paa ang napansin niya kaya nagpasya siya na pumunta sa gawing kanan. Habang naglalakad sa napakahabang pasilyo, pinakikiramdaman niya ang paligid niya para agad na mapansin kung may iba pa siyang kasama sa mansyon.
"May tao ba diyan?" umaalingawngaw na sigaw ni Miracle.
Napalingon si Miracle sa bandang likuran niya dahil may narinig siyang kaluskos mula roon. Tanging liwanag ng buwan na nanggagaling sa malaking bintana ang naging ilaw niya. Muli siyang nakarinig ng malalakas na kaluskos, namumuo na sa kaniyang dibdib ang kaba kaya naglakad siya pabalik sa baba ngunit naging pasikot-sikot ang daan niya kaya't naligaw siya. Alam niya sa sarili na naliligaw na siya ngunit hindi pa rin natigil ang mabibilis na lakad niya. Hanggang sa isang tinig ang nagpahinto sakaniya.
"Kailan ka titigil sa kakatakbo, binibini?" rinig na tanong ni Miracle mula sa kaniyang likuran.
Nang lingunin ito ni Miracle ay laking gulat niya ng makita ang itsura nito. "B..bakit? Bakit may?"
"Ahhhh!"
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...