Miracle POV
Ilang araw na ang lumipas simula ng magkasagutan kami ni Drake. Ngayon naiintindihan ko na, masyado lang akong naging over-acting kaya ganoon na lamang ang reaksyon ko sa mga sinasabi at ginagawa niya, dahil siguro ay bago lang sa akin ang lahat ng ginagawa niya.
Ang problema ko lang ngayon ay paano ako makakahingi ng tawad sakaniya at sa lahat ng masasamang sinabi ko sakaniya. 'Bakit ba naman kasi ang OA ko?'
Nandito ako ngayon sa hallway ng school namin. Mag-isa lang ako ngayon dahil mahuhuli ng kaunti si Mavis sa'kin dahil sa may dadaanan muna raw siya bago pumasok sa klase.
Habang naglalakad, rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante. S'yempre tungkol sa mga bagong mga bagay-bagay nila, bagong nagugustuhan at kung ano-ano pa. Pero isa lang ang pumukaw ng atensyon ko ang bagong transferee. Bagong transferee sa kalagitnaan ng Agosto at Oktubre? Nakakapagtaka..
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa silid namin. Bago na sa'kin ang magulo ang silid namin kapag umaga, s'yempre dahil wala pa ang mga professor namin. Pero ang bago ngayon, hindi lang magulo kundi sobrang gulo. Kitang-kita ko ang mga kaklase ko na nagkukumpulan sa isang sulok at tila may ginigisa na estudyante.
"Anong pangalan mo? Yiie."
"Ako nga pala si Elisha,"
"Ang gwapo mo, akin kana lang."
"Yiie. Ang ganda ng mga mata mo!"
Iyan lang naman lahat ang nauulanigan ko ngayon sa silid na ito. Tilian at mga kung ano-ano pang kachurvahan ang maririnig mo. Napabuntong-hininga na lang ako at pumunta sa pinakahuling row, mas trip ko ngayon dito. Siguro ang ginigisa ng mga babaeng kaklase ko ngayon ay ang bagong transferee. Base sa mga narinig kong 'gwapo' kuno, lalake siya.
Napatango-tango nalang ako sa iniisip ko. At napalingon kung saan nagkukumpulan ang mga babaeng estudyante. Kitang-kita ko ang likod ng lalaking transferee, base sa tindig ay mukhang malakas nga ang dating nito.
Inalis ko nalang ang tingin ko ng may biglang nagbukas ng pinto at kitang-kita ko ang isa sa mga kaklase ko na halos kinakapos na sa hininga. "N-nandiyan na s-si Miss," hingal na saad niya.
Agad na nagsipag-ayusan ang mga kaklase ko at kaniya-kaniyang ayos ng upo. Laging may ganiyan, hindi na nawawala. Laging may announcer kaya hindi nahuhuli sa mga akto 'tong mga ito. Napapangisi nalang ako sa iniisip ko.
Nang pumasok na si Miss ay nagsipagtayuan naman kami para batiin siya, isinenyas niya na maupo kami. Tinignan ko lang si Miss na naglakad sa harap. Sa tingin ko ay ipapakilala niya ng ang transferee kaya napaayos na ako ng upo.
"Nasaan ang transferee? Oh! Mr. Vasquez, please introduce yourself." Sabi ni Miss.
Tumayo naman ang transferee at pumunta sa harap.
"I'm Luther Rix Vasquez, that's all." Maikling pakilala niya.
Ang tipid naman magsalita nito.
"That's all, Mr. Vasquez?" tanong ni Miss.
"Yes, kailangan pa bang pahabain ko?" nakataas-kilay na sabi niya kay Miss.
Napahiya naman si Miss kaya hinayaan niya nalang yung Luther na maupo.
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...