F I N A L E

165 9 25
                                    


43

Halos mabuwal si Miracle sa pagkakatayo. Mabuti nalang at nasalo agad siya ni Thanatos. Kanina pa pala ito nakikinig at nakita ng dalaga na kasama na nila ang kaniyang pamilya.

"Miracle, please tulungan mo 'ko..." pakiusap ni Amorie.

"Amorie, ako..ako nalang tutulong sa'yo," sabat ni Jay.

Sinulyapan siya ni Amorie bago sumagot, "Tulong? Hindi ko kailangan ang tulong mo," halata ang galit sa pananalita ng dalaga.

"Magka...kilala kayo?" biglang tanong ni Mavis.

"Saka niyo na pagtalunan 'yan, hanapin niyo na si Drake," utos ni Thanatos.

Napatingin si Miracle kay Thanatos, "May ka..kasal pa 'di ba?"

"Huwag mo na 'yon isipin, hanapin mo na siya," nakangiting sabi ni Thanatos.

Ngumiti sa kaniya ang dalaga saka nilapitan si Amorie. "Amorie, sa tingin mo nasaan ang kuya mo?"

"Hindi ko alam, Miracle. Wala rin akong kakilala na may galit kay Kuya."

"Sigurado ka ba? Isipin mong mabuti," pakiusap ni Miracle.

Umiling si Amorie na senyales na hindi niya talaga alam o maalala man lang. Pero napatigil ang lahat ng magsalita si Thanatos, "Baka..na kay Luther siya? Yung nakaraang pumunta rito."

"Ano naman ang gagawin ni Luther kay Drake? Hindi naman sila magkakilala."

"Noong pinatulog kasi si Luther, panay ang pagbanggit niya sa pangalan ni Drake. Tila binabangungot siya."

Napabuntong-hininga ang dalaga dahil hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. Hindi niya alam saan siya magsisimulang maghanap. Hanggang sa napagtanto niya ang sinabi ni Thanatos.

"Tama ka. Naaalala ko tinanong ako ni Luther tungkol kay Drake. Pero iyon lang 'yon, pero kita ko sa mga mata niya ang galit."

"Alam mo ba kung nasaan ang Luther na 'yon?" tanong ni Amorie.

Agad na nadismaya ang lahat dahil maging si Miracle ay hindi alam kung nasaan ang binata. Naisip niyang puntahan na muna ang mansyon ng mga Ross para makita ang tinutukoy na dugo ng binata.

"Puntahan muna natin ang mansyon niyo," suhestiyon ng dalaga.

"Sandali lang, anak!" pagpigil ng ina sa kaniya.

Alam niyang sa mga sandaling ito. Maaaring mawala sa kaniya ang lahat, kapalit ng pagpili niya ng desisyon, matatapos ang lahat. Mawawala sa kanyia ang kaniyang pamilya, maging ang mga naging kaibigan niya. Alam niya na ang natitirang sagot sa sumpa sa kaniyang pamilya ay ang gaganaping kasal, pero ngayon na nasa pagitan siya ng sitwasyon, ano ba ang mas pipiliin niya?
Pamilya niya o ang taong mahal niya?

Nag-aalangan na nilingon ni Miracle ang kaniyang ina. Kita sa mata ng kaniyang mga magulang ang lungkot, pero dahil sa lubos na pagmamahal, hahayaan nila ang dalaga sa nais nito.

"Sasama ako sa'yo," sabi ng ina sa kaniya.

"Hindi na po, ina. Dito nalang po kayo, baka mapahamak lang kayo."

"Ako lang ang makakasagot sa tanong niya anak. Maging sa mga tanong mo," paliwanag ng ina.

"Ano pong ibig mong sabihin?"

"Halika na, nauubos na ang oras natin. Mauunawaan mo rin ang lahat. Sana mapatawad mo ako, mapatawad nila ako."

Hindi man maintindihan ang ina ay sama-sama silang umalis at nagtungo sa mansyon ng mga Ross. Pumasok ang lahat sa mansyon at bumungad sila sa nagkalat na dugo at basag na kagamitan.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon