Bente Sais

133 10 0
                                    

The one branch of tree is still holding to the apple of his eyes. He wants to reach it, but he can't. Knowing that the apple is too high for him. He can touch it, love it but it will never be his treasure.

♛ ♛ ♛

Thanatos POV

Unti-unti ko nang nakikita kung paano lumalayo ang loob sa akin ni Miracle. Hindi ko kayang pigilan 'yung emosyon na kaniyang nararamdaman. Tatawagin sana ako ng kaniyang mga magulang pero gusto ko siyang sundan. Hanggang sa nasa tapat na ako ng kaniyang pintuan.

Idinikit ko ang aking ulo sa kaniyang pinto at doon ko lang napakinggan ang mga malalakas niya na hikbi. Hikbi..na puno ng sakit, pilit siya nagpapakatatag pero hindi niya kaya. Nais kong maging sanga na kaniyang makakapitan pero..
hindi ako karapatdapat sa kaniya at hindi ko kayang maging matibay para sa kaniya.

Hindi ko namalayan, kumawala na ang mga luha sa aking mata. Patawad, Miracle. Hindi ko kayang i-atras ang kasal. Nais kong mabuhay ka, nais kong mabuhay tayong lahat..patawad. Mahal kita kaya ko ito ginagawa. Alam ko na imposible na ganoon ka rin sa akin pero ang nais ko lang, ako'y iyong intindihin.

"Masakit para sa akin na marinig 'yung mga hikbi mo na walang tigil. Patawad ulit, amour."

Third Person POV

Sa kaniyang silid patuloy sa paghikbi si Miracle hindi niya alintana na sa bawat patak ng kaniyang luha ay may namumuong yelo. Wala siyang pakialam. Nagsisisi siya, nagsisisi siyang magtiwala ulit. Nagsisisi siyang iwanan ang isang tao. Gusto niya itong balikan pero nakapag-iwan na siya ng katagang hindi ganoon kabilis kalimutan.

Hindi niya kayang tanggapin ang paulit-ulit na lokohin. Hindi kayang tanggapin ng kaniyang isipan na pati ang kaniyang magulang ay bibiguin siya muli. Sobrang sakit, iyan ang nararamdaman niya.

Ang mundo ay parang umiikot sa palad ng kasinungalingan. Kailangan mong hanapin ang totoo at hindi. Kailangan mong matauhan sa pagiging bulag. Para siyang nasa panaginip na puno ng rosas, gaano man kaganda ang paligid kung ito naman ay iyong lalapitan at panghahawakan; sakit at pighati lang ang iyong mararamdaman. Ang tinik na unti-unting tumutusok sa puso ni Miracle, tila may nakabara sa kaniyang lalamunan at hindi niya kayang isigaw kung ano man ang kaniyang nararamdaman.

"Drake,"

Mas lalo siyang naiyak ng maalala ang binata. Huli na siya nang makita niya ang mga lungkot sa mata nito ng lagpasan niya ito. Napakagat nalang siya sa kaniyang ibabang-labi at pinigilan ang gumawa ng hikbi, pero hindi niya kayang pigilan ang halo-halong emosyon na nararamdaman.

Home. Where is my real home?

This house, this family, filled with fake faces and lies. Where's the true?

"Hayaan mong maging komportable ka sa akin,"

Mas lalo siyang naluha ng maalala ang mga kataga na binitawan ni Drake. I'm sorry for all the words I have said. I wish I could take them back.


Everything, all the lies. All the people who lied will feel the hurt, suffer, unforgettable pain. In this world, I don't know who is the friend and who is the foe. All of them have secrets, lies and fake smiles. Life hurts, that's true. But this is too much torture.

Binalot ng hangin si Miracle, hindi siya naging alarma. Hinayaan niya lang na balutin siya nito. Hanggang sa ang yelo naman ay unti-unting bumabalot sa katawan niya. Umakyat na ito sa kaniyang baywang hanggang mapunta sa kaniyang leeg. Habang unti-unti siyang nilalamon ng yelo maging puso niya ay unti-unting nababalutan ng yelo hanggang sa mawalan siya ng malay.

Wala kaalam-alam ang lahat. Lahat sila ay abala sa gusot na ginawa nila. Hindi nila alam kung kaya pa nilang ituwid ang lahat. Hindi nila alam kung ano na ang nangyari kay Miracle. Samantalang si Thanatos ay nanatiling tikom at nakikinig kay Miracle. Hindi niya alam kung bakit nanahimik ito bigla kaya hinayaan niya na lang. Wala siyang balak magtanong at magsalita. Isa lang ang gusto niyang isigaw sa mundo.

Pagkatapos ng lahat ng ito, lahat nais kong maging totoo.

Mavis POV

Nasa harapan ko ang litrato naming pamilya, dating pamilya. Pamilya na dati ay nais kong makasama habang buhay, ngayo'y nais ko ng kitilan ng buhay.

"Anong sadya mo rito, Mavis?" Tanong sa akin ng isang babae.

Kita ko ang masamang awra na nakabalot sa kaniya habang unti-unting humahakbang papalapit sa akin. "Ipinadala ka ba dito ng mga tumatayong magulang mo?" Tanong nitong muli.

"Hindi, narito ako para sabihin ang kanilang plano." Anas ko saka napayuko.

"Oh? Narito ka upang saksakin sa likod ang mga kadugo mo? Bakit, Mavis? Nagising kana ba? Sinabi ko naman kasi sa'yo eh. Mag-iingat ka sa kanila. Kung sana dati sumama ka sa akin, hindi ka sana masasaktan." Saad niya saka hinaplos ang pisngi ko.

"Sinak—"

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Tandaan mo 'to, nasa huli ang pagsisisi, munting kuting." Makahulugan na saad niya saka itinulak ako para mapaupo.

Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Pero ang gusto ko lang maramdaman nila 'yung sakit na naramdaman ko, 'yung pangbabalewala nila sa akin. Lahat, puro nalang si Miracle. Puro nalang siya, paano naman ako? Wala ba akong karapatan na bigyan din nila ng atensyon?

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng may humablot sa dalawa kong braso. Napatingin naman ako sa humablot, at dalawang lalake ito na nakasuot ng pormal. Hahatakin ko sana ang aking mga braso pero hinigpitan pa nila lalo ito.

"Ano ba! Bitawan niyo ko!" sigaw ko.

"Tumigil ka!" suway ng isang lalake saka sinampal ako.

Napahawak ako sa pisngi ko, dama ko ang hapdi nito. Magpupumiglas pa sana ako ng kaladkarin nila ako at ikulong sa isang kuwarto.

"Masyado kang tanga. Alam mo na hindi siya maniniwala sa'yo pero tinaya mo pa rin ang buhay mo. Buhay sa buhay, nakakalimutan mo na 'yata."

Nagkamali ako. Hindi dapat ako naging makasarili at hindi dapat ako nagtiwala.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon