Bente Quatro

116 11 7
                                    

Miracle POV

Labag man sa loob ko na talikuran si Drake ay ginawa ko pa rin. Ayoko na muling buhayin ang natitirang pag-asa sa puso ko. Wala na akong pakialam, dapat ay wala na akong pakialam. Kaya pinili ko na magsanay hindi lang para makontrol ang aking kapangyarihan kun'di para rin magbago. Hindi lang ang aking anyo kun'di pati na rin ang aking pananaw.

Pagkarating ko sa aming silid ay sinalubong agad ako ni Thanatos. Isa pa ito, hindi ko alam kung bakit dinaig niya pa isang linta sa kadahilanan na parati siyang palapit-lapit. Kung hindi susulpot bigla, lagi naman siyang kasama sa ano mang lakad. Halos magmukha na siyang personal na bantay ko.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Thanatos. Inutusan kaba ni Ama at Ina na bantayan ako?" Tanong ko sakaniya habang nakapamewang pa.

Umiling naman siya at yumuko. Hindi ba't nasabi ko sa inyo na siya ay hindi magaling sa pagsisinungaling. Kita ko ang pagpula ng kaniyang mga tainga sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang nasasabi na naging senyales iyon na kapag siya'y magsisinungaling, mamumula ang kaniyang tainga. Oo nga pala, sa noong nagdaan ang mga araw ay sinusubukan kong tanggapin at maniwala na si Maureen ang aking ina. Kahit naman kasi baliktarin ko ang mundo o gawin ko itong yelo hindi pa rin magbabago na nasa buhay ko na siya. Hindi ko man kaya agad tanggapin, susubukan ko.

Dumating na ang aming propesor at bago magsimula ay pinakilala niya muna sa aming mga kaklase si Thanatos at ang sumunod ay si...Drake.

"Magandang Umaga sa inyong lahat, kinagagalak ko kayong makilala. Ako si Drake Ian Ross." Nakangiti nitong sabi sabay napatingin sa akin.

Agad kong iniwasan ang kaniyang mga tingin. Rinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase kong babae. Pinupuri nila si Drake, ayos lang naman iyon sa akin. Wala naman na kaming koneksyon ni Drake at kung meron man, wala rin akong karapatan dahil kami lang ay magkasangga o kaibigan.

"Kilala mo ba ang lalaking iyon, Miracle?" Tanong ni Thanatos.

"Hindi, huwag ka na magtanong."

"Pero panay ang tingin niya sa iyo. Sigurado ka ba?"

"Huwag kang ngang makulit. Hindi nga sabi eh! Oo nga pala, bakit wala na naman si Mavis?" Pag-iibang usapan ko.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at napayuko. "Noong mga nakaraang araw pa nawawala si Mavis. Hindi naman namin siya napansin na umalis. Hindi ko agad nasabi sa'yo nitong mga nakaraang araw dahil na rin baka lubusan ka ulit magalit at gawin mong yelo ang lahat ng nasa bahay." Paliwanag niya.

Dahil sa sinabi niya ay parang uminit ang ulo ko. Nawawala si Mavis? Saan naman iyon nagpunta?

Hinawakan ko ang librong nasa ibabaw ng mesa namin. Bigla itong nabalutan ng yelo na agad ding nawala noong hablutin ni Thanatos ang libro.

"Huwag dito, Miracle." Saad niya.

Seryoso na siya ngayon.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo at hindi niyo man lang nagawang hanapin si Mavis." Sabi ko.

"Naging abala kasi kami—"

"Naging abala? Kanino? Sa akin?" Sarkastikang tanong ko. "Hindi lang naman ako ang nabubuhay sa mundong ito, Thanatos. Sana hinanap niyo si Mavis. Kasapi siya sa pamilya namin."

"Pero ang sabi ng iyong ama't ina na ikaw muna ang tutukan namin lalo na't nalalapit na ang.." Saad niya pero nag-aalangan pa siyang sabihin ng buo.

"Ang ano? Wala akong pakialam kung ano man 'yan. Nais kong ipahanap mo siya, Thanatos. Marami kayo sa aming tahanan, sana isa man lang sa inyo ang nagkaroon ng pakialam sa kaniya. Nagtanim man ako ng galit sa kaniya, pinsan ko pa rin siya. Halos kapatid na ang turing ko sa kaniya."

"Sige, sasabihin ko kay Eros na hanapin si Mavis."

Natapos ang usapan namin na nakatingin pala sa amin ang aming propesor at ang aming mga kaklase.

"Hindi ko man alam 'yang pinag-uusapan niyo, Ms. Peñalosa at Mr. Dwight. Sana ay makinig naman kayo," suway nito.

Napayuko nalang kami at nakinig nalang. Napatingin naman ako sa gawi ni Drake at napaiwas ako ng tingin ng malaman na nakatingin din siya sa akin.

Ang mga mata niya tila nagtatanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga mata niya tila nagtatanong. Maraming siyang gustong tanungin ngunit ang mga tanong na ito ay hindi makawala sa kaniyang bibig. Umiwas na lang ako.

Nang matapos ang aming klase ay dumaan muna kami ni Thanatos sa garden sa school. Nakita kong napangiti si Thanatos. Ewan ko ba kung namamalikmata ako o hindi, palagi nga kasing wala siyang emosyon o parang wala pakialam sa mundo ang reaksyon.

"Manatili muna tayo rito." Saad ko. Tumango naman siya saka naupo sa tabi ko.

Sa isang linggo na nakasama ko si Thanatos sa pag-eensayo; masasabi ko lang na magaling siyang magturo. Responsable rin siya kaya siguro siya ang tumatayong lider sa kanilang lima.

Habang nakatambay kami ni Thanatos sa garden. Napansin ko may taong kanina pang nakamasid sa amin. Si Drake..

Napabuntong-hininga ako at tumayo sa bench at inaya ng umuwi si Thanatos.

"Halika na, Thanatos." Sabi ko saka naunang maglakad. Nakita kong napaiwas ng tingin sa amin si Drake at tumalikod ito. Pinasadahan ko lang siya ng tingin saka nagtuloy-tuloy na naglakad.

Noong araw na iyon, 'yung nagpaalam ako sakaniya. Dapat doon pa lang, tapos na ang lahat.

Drake POV

Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanilang dalawa pero gusto ko siyang lapitan pero nagdadalawang-isip ako. Sa tuwing tinatapunan niya ako ng tingin para itong kutsilyo. Talaga ngang wala na siyang pakialam sa akin. Wala na akong nakikitang emosyon sa kaniyang mga mata. Talagang nagbago siya, maging ang kaniyang itsura.

Pagkauwi ko sa mansyon ay naabutan ko si Amorie. Tatanungin niya sana ako pero nilagpasan ko lang siya. Wala ako sa sarili ngayon.

"Drake, ikaw ba talaga iyan?" Rinig ko pang tanong ni Amorie. Hindi siya makapaniwala.

Maging ako rin naman. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos nga ng pangyayari ito ay ang malaking pagbabago. Lalo na sa pagitan naming dalawa.

"Talaga ngang natulungan ka ni Miracle." Habol pa ni Amorie. Wala akong nagawa kun'di harapin siya.

"Kung puwede ba, Amorie. Lubayan mo muna ako; gusto kong mapag-isa." Sabi ko sakaniya.

Kita kong nag-aalala si Amorie. Sana umpisa pa lang nag-alala na siya. Bago ako umakyat patungong ikalawang palapag nag-iwan muna ako ng tanong kay Amorie.

"Ano bang itinatago mo, Amorie? O mas magandang itawag ko sayo ay hindi Lail kun'di Leigh?"

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon