Dyis

186 19 6
                                    

Miracle POV

Nang magkaayos kami ni Drake gumaan na ang loob ko. Pero sa kabilang banda nasa isip ko pa rin ang mga salitang sinabi ni Drake tungkol kay Amorie Lail. She really love her brother. He's lucky having a lil-sis like her.

-Flashbacks-

"So, alam niya ang nangyari sa'yo? Lahat ng nangyari sa'yo?" tanong ko sakaniya.

"Hindi ko masabi tanging siya lang ang nakakaalam. Alam kong nakita niya kung bakit at paano ako isinumpa. Akala ng mga magulang namin ay patay na 'ko pero mali sila, hindi ako namatay.. nawala ako at alam 'yon ni Lail. Kaya siya nandito kasi alam niya. Siya ang nagbibigay sa'kin ng mga groceries na kailangan ko rito, 'yon lang daw ang kaya niyang ibigay. May mga bagay na alam ko pero may mga bagay din na hindi..lalo na kung bakit ako isinumpa. Laking pasasalamat ko dahil may isa sa pamilya namin na naniniwala na buhay pa ako at si Lail 'yon. Hindi ko siya pinahintulutan na sabihin sa kahit kanino ang lahat ng 'to dahil una sa lahat ang mga tao ngayon ay hindi naniniwala lalo na sa mga bagay-bagay na imposibleng mangyari." mahabang litanya ni Drake.

"At ang tanging sagot lang para matapos ang sumpa ay ang lilang rosas na sinabi mo sa akin noon?" tanong ko.

"Oo, iyon ang sabi sa akin ng isang misteryosang matanda. Kauna-unahang tao na nakakita sa akin bukod sa inyo ni Lail."

"Misteryosang matanda?"

"Oo, bakit?"

"Nagpakita rin siya sa iyo?" naguguluhang tanong ko.

Sumeryoso lalo ang itsura ni Drake halos magsalubong ang kilay niya. "Nagpakita? Ibig sabihin ay sayo rin ay nagpakita siya?"

"Oo, at sinabi niyang tulungan kita pero naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung paano kita matutulungan."

"I think we really need to solve this together," sagot ni Drake.

"Oo nga,"

-End of Flashbacks-

Matapos no'n ay umuwi na ako sa bahay. Nakapagpaalam naman ako kay Lail bago umuwi. Amorie Lail Ross, why you seem know everything but still look innocent

Nagtaka talaga ako sa mga sinabi ni Drake sa akin pero hindi ko pinahalata. Habang naglalakad pauwi sa bahay ay nag-isip-isip muna ako tungkol sa mga sinabi ni Drake.

Nang sabihin ni Drake na nakita ni Lail ang mga nangyare ay nagtaka na ako lalo na ng banggitin ni Drake na may alam si Lail kung bakit siya sinumpa samantalang ang sinumpa ay ni-isang dahilan ay wala man lang alam. May hindi tama, at marami pa akong hindi alam. At nagtataka ako bakit ako involve? Anong koneksyon ko?

Sa paglalakad ko napagtigil ako ng may bigla akong natapakan. Napatingin ako sa talampakan ko at nakita kong isa itong singsing. Isang singsing na may asul na bato sa gitna, parang diyamante 'yung bato. Nang hawakan ko 'to ay biglang bumuhos ang ulan.

"Hala! Bakit naman biglang umulan?" gulat na sigaw ko.

Napalingon ako sa paligid ko kung may makita man ako na waiting shed at napakamalas ko dahil WALA akong nakita. Wala akong choice kung hindi ang pumunta sa may silong ng malaking puno. Nababasa pa rin ako.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon