HINDI makagalaw si Drake sa kaniyang kinauupuan habang matalim na nakatitig sa kaniya ang mga mata ng mga magulang ni Miracle. Nais niya pa sanang yakapin ang dalaga at gisingin ito subalit kinuha ito sa kaniya ng isang lalake, at ang lalakeng iyon ay ang kasama ni Miracle noong pumasok ito sa unibersidad.
"Sino ka?" Mariing tanong sa kaniya ng ama ni Miracle na naging dahilan upang mapatigil siya sa paggugunita.
Hindi makatingin ng diretso si Drake kaya't yumuko na lamang siya at sumagot. "Ako po si Drake, Drake Ian Ross."
"Kaano-ano mo ang anak ko?" Tanong naman ng ina ng dalaga.
"Hindi ko po masabi ngunit magkaibigan po kami."
"Kaibigan? Sigurado ka?" Tanong muli.
"Op—"
"Magkaibigan o magka-i-bigan?" Tanong ng ama ni Miracle na may halong diin.
Napalunok ng ilang beses si Drake at biglang lumuhod sa harapan ng mga magulang ni Miracle.
"Patawarin niyo po ako, nasaktan ko po ang anak niyo. Hindi ko po sinasadya na mapagsalitaan siya ng ganoon. Patawarin niyo po ako, sana'y pahintulutan niyo pa rin akong mahalin ang anak niyo." Saad ng binata habang nakapikit.
Hinawakan siya sa braso ng ama ni Miracle. At itinayo, "Hindi ko alam kung ano ba ang tunay na koneksyon mo sa anak ko, pero base sa iyong sinabi ay sinaktan mo siya. Hindi ko masasabi kung mapapahintulutan ka namin sa iyong nais. Pero hindi mo ba alam na may fiancee na si Miracle?"
Parang binuhusan si Drake ng tubig na punong-puno ng yelo. Hindi siya makagalaw at ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi kayang tanggapin ng kaniyang sistema ang binitawan na salita ng ama ng kaniyang iniibig. Nanghina ang kaniyang mga tuhod na naging dahilan nang pag-upo niya.
"Hindi namin nais na panghinaan ka ng loob. Pero sa tingin ko ay isa ka sa malapit na kaibigan ng anak ko. Ikaw ba 'yung kaniyang tinulungan at nagpaggawa siya ng mahika?"
"Opo,"
"Kung gano'n natanggal na nga ang sumpa sa iyo." Nakangiting saad ng ina ni Miracle.
Napatingin naman si Drake sa kaniyang anyo at nanlaki ang mata niya ng makita niyang tao na muli siya. At dahil doon ay bigla niya muling naalala si Miracle.
"Maaari ko po bang puntahan si Miracle?" Tanong ni Drake.
Nagkatinginan muna ang mga magulang ng dalaga saka tumango. Sinamahan siya ni Phoebe patungo sa isang silid at nang makarating sila doon ay sinabihan niya na iwanan muna silang dalawa ni Miracle.
Dahan-dahan siyang pumunta sa kinahihigaan ng dalaga. Kita niya ang mapuputi nitong buhok at mapuputi nitong balat na tila kasing kulay ng nyebe. Ngunit kahit ganoon ay nangibabaw ang gandang taglay ng dalaga. Ang kaniyang mahahabang-pilikmata, ang maliit at mapupula nitong labi, nakakaakit.
Nang makarating agad siya sa tapat ng dalaga. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at hinalikan. Hindi pa rin gising ang dalaga, mahimbing pa rin ito sa kaniyang pagkakatulog. Napabuntong-hininga ang binata saka nagsalita.
"Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa nagpapahinga, baka nga hindi lang kanina. Gumising kana, narito na 'ko. Pasensiya na sa lahat ng sinabi ko noon, hindi ko 'yon ginusto. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa'yo noon. Sana gumising kana. Alam ko.. Alam ko sa sarili ko na baka hindi tayo, hindi tayo 'yung nakalaan para sa isa't isa pero hindi ko kaya eh, hindi ko kayang ipamigay kita sa iba. Aaminin ko, madamot ako lalo na pagdating sa'yo. Kaya gumising kana para hindi ka ipakasal sa kung sinoman ang unggoy na fiancee mo, gumising kana para ako nalang 'yung pakasalan mo."
Habang sinasabi iyon ni Drake ay hindi niya pa rin maiwasan na maiyak. Nakakabakla, hindi nakakalalaki pero ganoon talaga eh, hindi niya kaya. Masakit para sa kaniya na isinasampal ang katotohanan na hindi siya ang mapapakasalan ng babaeng mahal niya. Iniisip niya tuloy na baka malas siya, unang pag-ibig pa naman niya ang dalaga tapos ganito ang hahantungan ng nararamdaman niya, gusto niyang magbigti.
Mahirap man kumilos, mahirap mang umalis sa harapan ng babaeng nais niyang hintayin sa altar, pero kailangan.. Kailangan niya ng umalis bago niya pa maiuwi ang dalaga.
Tumayo na ang binata at nagsimulang maglakad ngunit napatigil siya.
"Matapos mong sabihin na mahal mo ako, iiwan mo rin ako?" Rinig na tinig ng binata.
Napaharap siya sa kinahihigaan ng dalaga at ganoon ang gulat niya ng makita itong gising at matamlay na nakangiti.
Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga na halos ayaw na niya itong pakawalan.
"Salamat, salamat." Paulit-ulit na sambit ng dalaga.
"Bitawan mo muna ako, nanghihina ako."
Napabitaw naman sa yakap ang binata at tinitigan ang dalaga.
"Mabuti naman at nagising kana."
"Oo naman, may naririnig kasi akong baklang umiiyak at sinasabing pakasalan ko raw siya."
"Sino naman ang baklang iyon?"
"Edi ikaw! Nagising ako sa mahabang panaginip dahil parang may bumubulong sa akin na mahal niya raw ako."
"Mahal naman talaga kita eh, hindi ko iyon binubulong. Isinisigaw ko 'yon at ng puso ko."
"Ang mais mo, hindi pa kita mahal. May fiancé ako."
"Hindi pa? Edi may pag-asa pa ako diyan sa puso mo. Oo, may fiancé ka pero hindi ibig sabihin no'n na sa kaniya kana."
"Sa kaniya na ako," pang-aasar ng dalaga.
Tumikhim naman si Drake at lumapit sa dalaga at bumulong.
"Hindi ka sa kaniya, dahil akin ka na..noon pa."
Natahimik nalang ang dalaga at hindi maiwasan ang pagpula ng kaniyang mukha.
Sa kabilang banda, tahimik na nakamasid si Thanatos sa uwang ng pinto sa silid na tinutuluyan ni Miracle. Rinig na rinig niya ang usapan ng dalawa, sakit — iyon ang nararamdaman niya. Wala eh, wala siyang laban. Gusto niyang pumasok sa loob ngunit narinig niya ang sinabi ng binatang kasalukuyan na kausap ng dalaga.
"Tatayo ka nalang ba diyan?" Rinig niyang tinig mula sa kaniyang likuran.
Napalingon si Thanatos at nakita niya si Midnight ang ama ni Miracle.
"Hindi kaba papasok? Ikaw ang mapapangasawa, hindi ba?" Diretsong tanong ni Midnight.
"Ako nga pero hindi naman ako ang nasa puso niya. Nakikita mo ba ang anak mo ngayon, Tito? 'Yung pagpula ng mukha niya, 'yung tawa niya, at higit sa lahat 'yung pagngiti niya na sa katunayan na hindi niya pa rapat ginagawa pero nagagawa niya dahil sa lalakeng iyon."
"Ano ang ibig mong sabihin, Thanatos? Susuko ka?"
"Hindi, ang nais ko lang sabihin. Iba ang epekto ng lalakeng iyon sa kaniya. Samantalang ako, ako na nasa tabi niya hindi niya pa rin nakikita kasi nga, may mahal siyang iba. Sa tuwing kasama ko ang anak mo, Tito. Kita ko parati ang bigat ng karamdaman niya, ang salubong na mga kilay niya, at ang sama ng loob niya. Kaya ko ba siyang pangitiin katulad ng ginagawa niya?" Mahabang paliwanag ni Thanatos.
Ngumiti nalang si Midnight at sinabi. "Nasa iyo naman 'yan. Kung tutuloy kaba o hindi. Kung aatras kaba o aabante. Kung kakapit ka pa ba o bibitaw na. Kung sa tingin mo masakit para sa'yo, pakawalan mo. Ang rosas, gaano mo man kagustong hawakan kung dulot naman nito ay sobrang sakit at pagdurugo. Bitawan mo nalang at masaya mong titigan. Pero kung lalaban ka, ihanda mo ang matibay na kalasag lalo na kung isasampal sa'yo ang masakit na katotohanan."
Matapos no'n ay iniwan na siya ng ama ni Miracle. Tumatak sa isip niya ang mga iniwang kataga nito. Binalik niyang muli ang mga tingin niya sa loob ng silid. Doon niya napagtanto ang tamang desisyon.
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...