Dedicated to Chewiness
Naiwang naguguluhan si Miracle sa ikinikilos ni Thanatos. Wala naman siyang pakialam sa lalake kaya't hinayaan niya nalang ito saka pumunta sa kaniyang kuwarto. Balak na niyang pumunta sa mansyon ni Drake kahit hindi pa tapos ang pangatlong araw niya sa kondisyon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang magulang.
Habang nasa kuwarto ay inayos niya ang kaniyang gamit na dadalhin. Kaunti lamang iyon dahil wala siyang balak na magtagal sa mansyon. Hindi niya rin kinalimutan ang kuwintas na pinagawa niya. Kumikinang at hindi maalis na ngiti ang nakapaskil sa mukha ng dalaga. Matapos noon ay bumaba na siya para umalis ng pigilan siya ng isang babae. Hindi si Mavis iyon kun'di isa sa mga tinuturuan at kasama ng kaniyang ina.
"Saan ang punta mo, Miracle? Ang sabi mo ay mananatili ka rito dahil sa napagkasunduan ninyo ng iyong ama't ina." Sabi ng babae, si Gaia.
"Wala ka naman ng sigurong pakialam doon, Gaia. Atsaka may kailangan akong puntahan kaya kung puwede; aalis na ako."
"Sa totoo lang, matagal na ako sa'yong naiinis, Miracle. Hindi mo ba alam na kaya nawala ang iyong ina ay dahil lang sa kapakanan mo? Bakit ba ang makasarili mo? Bato ba iyang puso mo? O sadya ka lang walang respeto?" Mapangahas na saad ni Gaia. Walang mababakas na takot sa mukha nito. Hindi niya alintana ang mga puwedeng mangyari sakaniya.
Napatigil si Miracle sa sinabi ni Gaia. Hindi niya maiwasan na mapahalakhak na ikinataka at ikinainis naman ni Gaia. Nilingon ni Miracle si Gaia. Ngiti ang nakasilay sa kaniyang mukha.
"Ako? Walang respeto? Ako na walang puso hindi tulad niyo? At makasarili ako? Bato pa ang puso ko. Hahaha! Nakakatawa ka naman, Gaia. Kung makapagsalita ka tila kilala mo ang buong pagkatao ko. Parang alam mo kung anong ikot ng bituka ko. At higit sa lahat, alam mo yata ang takbo ng utak ko. Para lang malaman mo, niloko ako ng magulang ko. Katotohanan na dapat alam ko, pinagkait pa sa akin. Para lang maitatak mo sa kukote mo. Hindi. Mo. Ako. Kilala. Kaya bago ka tumalak, tandaan mo nasa akin ang huling halakhak. Huwag magmagaling, baka magkamali ka..masaktan pa kita." Maangas na saad ni Miracle saka iniwan si Gaia na napahiya.
Sumunod na nangyari, nang makaalis si Miracle sa kanilang bahay ay agad siyang nagtungo sa mansyon kahit may nararamdaman pa rin siyang inis dahil sa nangyari. Sumakay siya sa isang tricycle at ganoon na lamang ang pagtataka ng driver ng sabihin niya ang address na pupuntahan niya.
"Sigurado kaba dito, iha?" Tanong ng driver sakaniya.
"Opo, pakibilisan nalang po." Iyon nalang ang naisagot ni Miracle.
Nang makarating siya sa mansyon ay minabuti niyang nakaalis na ang tricycle bago buksan ang tarangkahan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Bawat hakbang niya papuntang pintuan ng mansyon ay ang paglakas ng kabog ng kaniyang puso. Nang hawakan niya ang pinto para buksan ganoon nalang ang gulat niya ng makita si Drake sa salas na nakaupo at diretso ang tingin sakaniya.
"Oh? Anong nangyari sa'yo binibini? Para kang nakipaghabulan dahil sa mga butil ng iyong pawis." Sarkastikong saad sakaniya ni Drake.
"Ha? W..wala ito. Sandali lang, Drake. Bakit ang pormal mo naman magsalita? Okay naman tayo ah?" Nag-aalangan na tanong ng dalaga sa binata.
"Okay pala tayo, akala ko hindi. Hahaha! Mabuti naman okay ka. Halos hindi kasi ako makapakali sa pag-aalala sa'yo matapos kita makitang kasama 'yong lalake na binisita ka noon."
"Si Luther?" Tanong ni Miracle.
"Oh? Luther? Mabuti pinaalala mo ang pangalan niya."
"Pasensiya na, Drake. May nangyari kasi pero wala namang masamang nangyari. Kailangan ko lang umuwi ng bahay namin sa isang kondisyon sa pagitan namin ng ama't ina ko."
"Ah? Ganoon ba? Pasensiya kana. Ano bang ginagawa mo rito? Anong pakay mo?" Nanatiling sarkastikong tanong ni Drake kay Miracle.
Naiinis na ang dalaga sa itinuturan ng binata pero nanatili siyang kalmado. Hindi niya alam kung anong pinupunto ng binata.
"Gusto ko lang na kamustahin ka." Saad ng dalaga.
"Okay naman ako. Ngayong alam mo na, maaari ka ng umalis. Hindi naman kita kailangan, wala rin naman sa'yo ang lunas."
"Bakit kaba ganiyan? May problema ba tayo? Kanina ka pa ganiyan, at kanina mo pa ako pinag-aalala. Ano bang problema, Drake? Sabihin mo!"
"Problema ba? Wala! Wala akong problema, wala tayong problema. Napagtanto ko lang bakit pa kita pinakikisamahan, wala naman sa'yo 'yung hinahanap ko. Anong pakiramdam ng nag-aalala? Nakakamatay ba?"
"...."
"Nag-aalala ako sa'yo ng mahigit tatlong araw, Miracle. Pero ni wala ka man lang paramdam. Nakakainis lang dahil wala naman akong kailangan sa'yo pero itong lintik at gago kong puso. Grabe kung mag-alala sa'yo! Wala ka naman sa'kin. Wala ka lang sa'kin."
Nanatiling tikom si Miracle. Hindi niya akalain na ganito ang sasabihin sa kaniya ni Drake. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya man malinaw ang punto nito. Isa lang ang tumatak sakaniya. Wala lang siya sa binata.
"Hahaha! Pasensiya na sa pag-aalala, Drake. Nakipagsundo pa kasi ako sa mga magulang ko na gawin itong kuwintas para sa'yo. Nakakulong ako ng dalawang araw sa bahay namin. Pasensiya na, ha? Nagsayang pa ako ng oras para sa taong wala lang pala ako sakaniya. Tao nga ba?" Pilit na salita ng dalaga.
Ang kaninang sarkastiko at galit na tingin ng binata ay napalitan ng lungkot at pagsisisi pero huli na ng humingi siya ng tawad sa dalaga. Tumulo na ang nagbabadya nitong mga luha, panay hikbi ng dalaga. Ang tahimik na salas ay nabalutan ng hikbi. Bawat hikbi nito ay dala nito 'yung matagal na sakit na bitbit nito.
"P..pasensya kana," mahinang saad ni Drake.
"Tama na sa pasensiya, Drake. Magpapaalam na ko sa'yo. Nais ko lang iwan 'tong kuwintas na 'to. Sana makatulong sa'yo. Sorry for being useless for you." Sabi ng dalaga saka umalis sa mansyon.
Hindi na nagawa pang habulin ni Drake ang dalaga. Wala siyang ginawa kun'di tignan ang paglayo nito. Nais niyang hatakin at yakapin ang dalaga pero sa tingin niya'y huli na dahil nasaktan niya ito. Masyado siyang naging mapangahas sakaniyang sinabi.
Samantalang si Miracle habang patuloy sa paglayo ay ramdam niya ang ihip ng hangin. Ihip ng hangin na tila nais hawiin ang kaniyang buhok at alisin ang mga luha sa kaniyang mata. Kita niya ang mahabang daan paalis sa mansyon ng binata. Inisip niya na baka sa daan na iyon, makapag-isip-isip siya na baka tama ang sinabi ng binata. Wala sa kaniya ang lunas, wala sakaniya ang nais ng binata. Kung mananatili siya sa tabi ng binata, magmumukha siyang palamuti kapag mayroon na itong bagong kasama.
Rinig niya ang mga tahol ng mga galang aso habang naglalakad siya pero wala siyang pakialam. Rinig niya rin ang mga bulungan ng mga batang lansangan. Mukha kasi siyang baliw sa pagkakatulala pero wala siyang pakialam, buhay niya iyon at siya ang magdedesisyon. Iyan ang paniniwala ni Miracle.
Walang sinoman ang mag-uutos sakaniya kung ano ang dapat niyang gawin. Wala siyang pakialam kung, magkamali. Basta matuto sa pagkakamali ay ayos na sakaniya. Ngayon, nais niya munang mapag-isa at damhin ang malamig na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...