Miracle
Lumipas na ang ilang taon, maraming nagbago matapos ang mga nangyari. Hindi ko itatanggi na hanggang ngayon nasa akin pa rin ang sakit na iniwan ni ina. Pero kung hindi rin naman dahil sa kaniya hindi ko siguro makikilala sila Drake at Amorie.
Gaya ng sinabi ko, maraming nagbago. Unang-una ay si Mavis, napagpasyahan niyang umalis ng bansa at makalayo matapos ang nangyari. Gusto niya raw mamuhay ng normal, dahil isa naman siyang mortal ay pumayag na si Papa. Mayroon nga lang kaunting hinanakit si Papa dahil biglaan ang desisyon ni Mavis.
Sa tingin ko, ayos lang ang pag-alis ni Mavis para naman makalimot siya sa lahat lalo na kay Jay, hindi man niya sabihin pero halata sa kaniya ang pagseselos dahil kay Amorie na matagal nang mahal ni Jay. Kung kukunsultahin ko naman sila Amorie ay maayos naman sila at naging malinaw na ang lahat sa dalawang panig ng pamilya.
Bilang isang magulang ay mukhang nagulat ang mga magulang nila Amorie at Drake. Halos atakihin na nga sa puso ang kanilang ina dahil sa muling pagkikita ulit ng anak niyang si Drake.
Nakita ko muli 'yung mga ngiti ni Drake, tila nabunutan na siya ng tinik. Kailangan nalang gawin ay ayusin ang naging death certificate niya. Para naman malaya na siyang makapaglibot-libot na walang pagtataka sa mukha ng mga tao.
Sila Thanatos, nasa bahay pa rin sila. Doon na sila pinatuloy ni Papa matapos pumanaw ni Ina. Namatay si Ina sa sobrang paggamit ng mahika. Hindi ko rin iyon inaasahan pero nang makita ko ang ngiti ni ina, ngumiti na lang din ako. Sinabi niyang humihingi siya ng tawad sa aming lahat, sinabi niya rin na mahal na mahal niya ako. Doon bumuhos ang mga luha ko, nang sabihin niya iyon.
Pero kahit masakit at sobrang saglit ko siyang nakasama. Nagpapasalamat ako na siya ang naging nanay ko.
Napangiti ako nang makita ko si Gaia at Eros sa kusina. Sa paglipas ng panahon, hindi ko namalayan na nagliligawan sila. Sinabi nalang sa akin iyon ni Thanatos noong maabutan ko sila ni Phoebe. Masaya ako't napansin niya si Phoebe at hindi si Gaia. Hanggang ngayos kasi ay maldita pa rin si Gaia, at mabait pa rin si Phoebe. Ang hindi ko lang maintindihan bakit naging sila ni Thanatos.
Naalala ko pa noon, 'yung tinanong ko si Phoebe.
"Phoebe, magkaibigan tayo 'di ba?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman," sabay tango ni Phoebe habang nakayuko. Halatang nahihiya siya sa akin.
Ngayon ko lang nalaman na sila pala ni Thanatos, at hindi ko man lang nasubaybayan 'yung proseso kung paano naging sila.
"Kasi ano, kailangan ko bang sabihin?" tanong sa akin ni Phoebe. Namumula ang mukha niya sa hiya.
Inikot ko ang paningin ko sa kuwarto ni Phoebe, ngayon ko lang napansin na maganda pala ang kuwarto niya. Mas babaeng tignan kaysa sa kuwarto ko pero may nahagip ang mga mata ko, 'yung maruming bed sheet ni Phoebe.
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...