Kuwarenta

77 8 0
                                    

This time, can I be free?

·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·

Tahimik na bumaba si Miracle sa ika-unang palapag sa mansyon ng mga Ross. Hindi niya alam kung kaya niya pang magtagal sa sitwasyong kinalalagyan niya.

Pagkababa niya agad niyang napansin ang binata. Tahimik itong nag-aalmusal kasama ang kapatid niya. Agad na napatingin sa kaniya si Amore kaya't tinawag siya nito.

"Miracle, mabuti't bumaba kana. Tara, sumabay kana sa amin mag-almusal," paanyaya ni Amorie.

Ngumiti si Miracle saka unti-unting naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Agad siyang naupo sa upuan kung saan katapat niya ang binata. Ngunit pagkatapos niyang makaupo ay ang agad na pagtayo ng binata sa kinauupuan nito.

Napatitig si Miracle sa bawat kilos na ginagawa ng binata. Ang pagiging malamig nito sa kaniya ay nag-uumapaw na.

"Hindi mo pa tapos ang pagkain mo," paalala ni Miracle.

Napatingin sa kaniya ang binata saka nagsalita, "busog na ako."

Hindi makapagsalita si Miracle nang marinig niya iyon. Napatitig lamang siya sa kaniyang plato. Gusto niya nang magpakain sa lupa.

“Pasensya siya kana sa inasal ni Kuya,” biglang saad ni Amorie kaya't napatingin siya.

Ngumiti nalang siya saka pinagpatuloy ang pagkain. Ngayon, sa mga oras na 'to. Hindi niya alam kung ano pa bang rason para manatili pa siya. Hindi niya na malaman kung tama pa bang pumunta siya o dapat ngang hindi na siya pumunta pa, o magpatuloy pa.

Sa kabilang banda naman ay seryosong nakatingin si Luther sa isang litrato  Nakangiti ang binata sa litrato kasama ang isang babae.

“Only this, Leo?” rinig sa boses ni Luther ang pagkadismaya.

Napatingin sa kaniya si Leo saka may inilabas na isang sobre. “Hindi lang ‘yan,” maikling saad ni Leo, “marami akong nalikom na impormasyon na sa tingin ko ay hindi mo aakalain.”

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Luther.

“Kilala si Drake, bilang isang patay na. Lahat ng mga taong kadugo niya ay ang alam ay patay na siya. Iniabando na rin ng pamilya Ross ang bahay nila malapit lang sa isang book shop malapit kila Miracle.”

Ang seryoso at naguguluhang Luther ay mas lalo pang naging interesado. Napapangiti siya sa hindi malaman na dahilan. Sa kaniyang mga narinig ay tila nakuha na niya ang kampyonato.

“Wala talagang sikreto na hindi na bubunyag,” nakangising sabi ni Luther, “Ihanda mo ang sasakyan ko, Leo.”

Sa kinalalagyan naman ni Miracle ngayon, ganoon pa rin. Walang pinagbago, hindi pa rin siya pinagtutuunan ng pansin ng binata. Umalis naman si Amorie dahil hindi raw ito nararapat na magtagal sa mansyon dahil baka may makapansin na may ibang tao. At baka magtaka rin ang mga kalapit na kapitbahay nila,  dahil panay ang balik ni Amorie sa mansyon.

Kaya naisipan nalang ng dalaga na maglinis sa bawat kuwarto sa mansyon. Bawat sulok ay sinubukan niyang linisin para maibsan ang nararamdaman na lungkot at pagkabahala. Hanggang sa dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang silid na ngayon niya lang napansin. Sa sobrang lawak ng mansyon ay talagang hindi ito kapansin-pansin.

“Anong lugar ito?” naitanong ni Miracle sa kaniyang sarili.

Inilibot niya ang kaniyang tingin at napansin niyang isa itong silid-aklatan. Ang mga libro ay puno na ng alikabok at tila ilang daang taon na ang lumipas bago ito muling bisitahin. Napansin niya rin ang mga katagang nakasulat sa bawat aklatan na makikita niya. Iba ang mga katagang ito,  at alam niya sa sarili niya na ibang lenggwahe ito.

Nagpatuloy lang si Miracle sa paglilibot sa aklatan nang may narinig siyang pagbukas ng pinto. Agad siyang nagtago at napasilip nang kaunti para malaman kung sino ba ang taong pumasok.

Nanlaki ang mata niya at napatakip sa kaniyang bibig, “Drake?”

Napatingin naman ang binata sa gawi niya’t kaya napasinghap siya nang malakas. Napapikit muna siya nang mariin saka tinanong sa sarili kung nabanggit ba talaga niya nang malakas ang pangalan ng binata.

“Anong ginagawa mo rito?” seryosong tanong sa kaniya ng binata.

“Wala, wala. Naisipan ko lang na maglibot.”

“Wow, you have a chance to chill out

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Wow, you have a chance to chill out. While the others having a nightmares.”

Nang sabihin ‘yon ng binata ay napatitig siya rito. 

“H-hindi ko n-naman—”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“H-hindi ko n-naman—”

“Stop it, hindi ko ginustong marinig ka pa. I think it is better if you get out of this room and get out of my life.”

It sounds…harsh

It feels…pain

Napatawa ang dalaga saka nagsalita, “Siguro, tama ka. I shouldn't be here. Mali siguro yung desisyong pinili ko. Alis na ‘ko. Pasabi nalang kay Amorie na salamat.”

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon