Onse

148 17 10
                                    

Third Person POV

"Anong balita?" ani ng isang binata sa kaniyang kaibigan.

"Walang balita tungkol sa pag-atake o pagpatay sa ngayon. Sigurado ka ba talaga na buhay pa iyon?" sagot ng kausap.

"Sigurado ako, dahil ako ang dapat na huhuli at magpaparusa sa kaniya. Kung patay na talaga siya, hindi ako papayag." gigil na sagot ng binata na napahigpit pa ng hawak sa glass wine na hawak niya.

"P're, ilang taon na ang nakalipas. Dalawang taon na iyon, nakakasiguro ka pa ba na buhay pa 'yung mga ganoong klaseng tao?" 

"Hindi 'yon tao! Hayop iyon! Pinatay niya ang ama ko! Hindi siya karapat-dapat na tawaging tao dahil una sa lahat, halimaw siya!" sigaw na sagot ng binata at tuluyan ng nabasag ang hawak nitong glass wine.

Kita sa kaniyang itsura ang panggigigil at pagkamuhi. Kita rin sa mga mata nito ang paghihiganti.

"Atsaka, bakit ba naririnig ko sa boses mo ang pagtutol ha? H'wag mo sabihin na aalis ka at iiwan mo sa akin ang plano. Tandaan mo, sabay natin na sinimulan ito kaya't sabay rin nating tatapusin. At ang sabi mo sa akin noon ay tutulungan mo ako dahil naging malapit sa'yo ang ama ko. Kaya h'wag na h'wag mong subukan na traydurin ako. Dahil alam mo na mahirap akong kalaban," banta ng binata sa kaniyang kaibigan.

Walang magawa ang kaibigan nito kundi ang tumango at sumang-ayon na lang sa plano ng binata. Kahit alam niyang ang paghihiganti ay walang patutunguhan, wala siyang magawa kundi ang sumunod na lang dahil tama ang saad ng binata; mahirap itong kalabanin.

✂----------------------------------------------------------

Miracle POV

Pagkagising ko mula sa pagkakatulog ay nakita ko si Drake na natulog sa sofa. Agad akong tumayo sa aking kama at kinuha ang isa pang extra na kumot at ikinumot ito sakaniya.

Halatang nahihirapan siya na mahiga ng maayos, kaya ang ginawa ko ay tinapik ko siya at sinabing sa kama na mahiga.

"Drake, gising.. Sa higaan kana matulog," saad ko.

Gumalaw siya kaunti at iminulat paunti ang mata sensyales na tila naalipungatan siya.

"Bakit tumayo ka agad, Miracle?" gulat na tanong niya.

Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya at tinulungan siyang tumayo sa sofa.

"Maayos na 'ko, matulog kana muna diyan. May gagawin lang ako," sagot ko sakaniya.

Matapos niyang mahiga ay bumalik din siya sa pagkakahimbing. Matapas noon ay pumunta ako sa study table ko at kinuha ang singsing. Pakiramdan ko ay may kung anong misteryo itong singsing na hawak ko. Tila mabigat sa pakiramdam sa tuwing hahawakan ko ito. May kung anong puwersa na bumabalot sa singsing na sa tuwing hahawakan ko ay nanghihina ako.

Agad kong nabitawan ang singsing at napaupo. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tuhod ko dahil na rin sa sobrang panghihina. Nagdugtong-dugtong na ang mga naisip ko. 'Yung pangyayari noong tatlong araw ang nakalipas, 'yung biglaang pagkakasakit ko at 'yung hindi ako makasakay agad sa tricycle at 'yung biglang pag-ulan. Lahat 'yon ay kagagawan nitong singsing na 'to. "Sinasabi ko na nga ba parang may mali," sambit ko.

Nang maramdaman ko na bumalik na 'yung lakas ko, agad ko kinuha 'yung singsing at inilagay 'to sa isang maliit na kahon at inilagay sa drawer ng study table ko. "Hindi ko alam kung anong meron sa'yo pero itatago muna kita."

Matapos no'n ay bumaba ako sa salas at pinuntahan ang pinsan kong si Mavis.
Agad siyang tumingin sa'kin ng makalapit ako sakaniya.

"Oh! Okay ka na?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"May itatanong lang ako sa'yo," saad ko.

"Ano 'yon?"

"Diba noong umuwi ako noong nakaraan ay sinabi ko sa'yo na umuulan pero ang totoo ay hindi umulan sa atin?" tanong ko.

Agad siyang nagseryoso at napaayos ng upo. "Iyon din ang pinagtakahan ko, sinabi mo sa'kin na umulan sa labas pero ang totoo ay hindi naman umulan dito banda sa atin, kaya inisip ko nalang na baka nabasa ka dahil imposible naman na umulan tapos sa lugar lang na kung nasaan ka," aniya.

Naging malinaw na talaga lahat sa akin. May kung ano sa singsing at hindi ko alam kung para kanino at kung sino ang may-ari nito. Hindi p'wede na magtagal ang singsing na iyon sa akin dahil sa tuwing hawak ko ito ay may kung anong kamalasan na lang ang dumadating o nangyayari sa akin.

"Habang tumatagal mas lalong dumadami ang mga tanong ko."

Lahat ng nangyayari sa akin ay wala man lang linaw o kaunting bagay na magpapatunay ng totoong koneksyon ko sa mga nangyayari. Walang malinaw halos ang lahat ay malabo, may posibilidad kaso ang tsansa ay kakaunti lang.

Una 'yung kay Drake. Pangalawa 'yung kay Luther at ang pangatlo ay 'yung sa singsing. Naguguluhan na ako at parang sasabog ang ulo ko.

"ANO BA KASI ANG TOTOO?!" sigaw ko.

Mukhang nagulat naman si Mavis sa sigaw ko dahil napaidtad pa ito sa pagkakaupo.

"Hoy! Okay ka lang ba talaga? Atsaka ano ba 'yang isinisigaw mo?" alalang tanong niya.

"Wala 'to, may iniisip lang. Sige! Una na ako." sagot ko saka naglakad papuntang hagdan.

"H'wag mong pilitin na malaman ang totoo, dahil hangga't hindi ka pa handa ay magugulat ka nalang kapag nalaman mo na," makahulugang saad ni Mavis na ikinalingon ko.

Nakita kong nakatingin siya sa akin pero nakangiti. "Wala, h'wag mo na isipin 'yung sinabi ko. Advice lang!"

Ang weird.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon