Miracle POV
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nitong si Drake kaya tuluyan na akong tumayo mula sa pagkakahiga ko at pumunta sa banyo.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, ang bilis ng pintig nito. Heto na nga ba ang sinasabi ko, salita pa lang niya ay mababaliw na 'ko. Hindi ito p'wede, delikado siyang tao at ayokong mahulog sakaniya dahil una sa lahat hindi ko siya lubusang kilala.
Nang matapos akong maligo ay agad na rin akong bumaba. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa dahil panigurado ay naging pusa nanaman siya dahil hindi siya p'wede na magtagal maging tao.
Nang makarating ako sa baba ay agad kong pinuntahan si Mavis na noo'y nanonood ng TV.
"Pst. Ba't hindi mo man lang ako ginising?" tanong ko sakaniya.
"Mukhang tulog na tulog ka eh. 'Tsaka naka-lock ang pinto mo." Sagot niya.
Naka-lock? Sa pagkakatanda ko hindi ako nagla-lock ng pinto. Napabuntong-hininga nalang ako ng magdugtong-dugtong ang iniisip ko.
"Alam ko na," mahinang sambit ko.
"Alam ang alin?" naguguluhang tanong sa'kin ni Mavis. Mukha siyang seryoso.
"Ehehe. W..wala, w..wala,"
Nagkibit-balikat na lamang siya at bumalik sa panonood.
Si Drake ang naglock ng pinto, hindi ko ugali ang maglock ng pinto kaya panigurado ay siyang-siya 'yon.
Kita kong nanonood ng anime si Mavis. Isang war of god yung lalaki, funny and serious ang personality. At ang babae naman ay isang half-phantom, may tail ang babae. Bigla ko tuloy naalala si Drake.
'Nasa'n na ba 'yon?'
Nilinga-linga ko yung paningin ko nagbabakasakali na nasa paligid lang ng bahay siya pero bigla akong napalingon sa baba ng may biglang kumagat sa bandang paanan ko. Si Drake, pusa na ulit siya.
Binuhat ko naman siya at hiniga sa tabi ko.
Pusa na ulit siya at ang pangit ng aura niya. Biglang napalingon sa'kin si Mavis at bumaba ang tingin niya, kita ko ang gulat sa mata niya at napapatalon siya sa gulat."Waah! Anong ginagawa ng pusang 'yan dito?!" gulat na tanong niya. "Aswang 'yan! Waah!"
Natatawa naman ako sa reaksyon niya kaya't isinenyas ko na kumalma siya.
"Kumalma ka nga, n-nakita ko 'tong pusa na 'to sa labas. O..oo, sa labas ko nakita."
"Sure ka?"
Tumango nalang ako bilang sagot. Pakshet, ba't ba ako nauutal?
"H..hindi naman aswang 'yan 'di ba?" kabang tanong niya pa. Ngumiti nalang ako sakaniya bilang sagot.
Matapos niya kumalma ay tinitigan niya si Drake at kita ko sa mata ni Drake na hindi siya makapakali. Haha! Nag-pusang anyo pa kasi. >,<
Hindi ako makapaniwala sa sunod na ginawa ni Mavis kay Drake. Ang pisngi ni Drake ay hinatak-hatak ni Mavis na tila pinipisil ang pisngi nito.
"Ang cute naman ng pusa na 'to kahit nakakatakot ang mukha." nanggigigil na saad ni Mavis habang pisil-pisil pa rin ang pisngi nito.
'>,< Mavis 'wag mo ganiyanin baka kalmutin ka. Ang sama na ng tingin. Shet!'
"Ahehe. Mavis, tama na baka nasasaktan." pigil ko saka kinuha si Drake.
"Huh? Pero gusto ko pa makipaglaro sa pusa na 'yan. May dagang laruan ako diyan, lalagyan ko ng sinulid tapos ipapahabol ko sakaniya." nakangusong saad ni Mavis habang nakaturo kay Drake.
Napa-face-palm nalang ako sa sinabi ni Mavis, nag-iisip-bata na ulit 'to.
"Una na 'ko sa taas, atsaka may pangalan 'tong pusa natin. Drake, drake ang pangalan niya." sabi ko saka pumunta sa hagdaan para umakyat na.
Narinig ko pa ang sinabi ni Mavis.
"Ano daw? Dwake? Wake? Ano daw?"Napailing nalang ako saka pumasok sa kuwarto at doon binaba si Drake. Nagbago ng anyo ulit siya. Feel na feel niya magkatawang tao. Tsk, napairap nalang ako ng makita ko ang mukha niyang nakabusangot.
"Problema mo?" tanong ko.
"Tsk, sinabi mo pa talaga na 'baka nasasaktan' p'wede naman sabihin na nasasaktan talaga. Ang sakit ng ginawa niya ah, pasalamat siya hindi ako nangangalmot." Reklamo niya habang hawak ang pisngi niya.
"Kasalanan mo rin 'yan, ba't ka kasi pumunta sa baba? At bakit mo ni-lock ang pinto kahapon?" nakataas-kilay na tanong ko sakaniya.
"Baka may makakita na ganito ang itsura ko. 'Tsaka gusto ko kasi humingi ng pasensiya tungkol kanina kaya ako bumaba," nakayukong sagot niya.
Nag-iwas naman ako ng tingin ng banggitin niya ang nangyari kanina. Wala akong balak na alalahanin ang nangyari dahil pakiramdam ko ay pulang-pula ako habang nakatingin sakaniya kanina.
"Huwag mo na isipin 'yon. Bumalik kana sa mansyon mo."
"Pinapaalis mo na ba 'ko?" tanong niya. Rinig ko ang lungkot sa tanong niya.
"Hindi naman, hindi lang ako kumportable na kasama ka. Atsaka 'wag kang mag-alala, tutulungan pa rin naman kita eh."
"Kung tutulungan mo 'ko, edi hayaan mo na dito muna ako."
Napalingon naman ako sa sinabi niya at sinalubong niya ng tingin ang mata ko.
"Bakit kita hahayaan na manatili rito?"
"Dahil gusto ko,"
"Dahil gusto mo lang? Paano naman ako? Sinabi ko na sa'yo hindi ako kumportable na kasama ka." Pagpupumilit ko.
"Kaya nga! Hayaan mo 'ko!" mahinang sigaw niya.
"Hayaan na ano?" kunot-noong sigaw ko sakaniya.
"Hayaan mo 'ko na gawing kumportable ka sa tabi ko!" sigaw niya.
Napatulala naman ako sakaniya. Lunod na lunod na 'ko, pakiramdam ko nililito niya talaga ako. Parang kailan lang kita nakilala, bakit ba ganito ka?
"Bakit ba ganiyan ka?" tanong ko habang nakaturo sakaniya.
"Ang alin?"
"Bakit ba pakiramdam ko lagi mo 'kong nililito? Tinulungan kita para matulungan ko rin ang sarili ko sa kuryusidad. Pero bakit gano'n? Bakit ka dumadagdag?"
"Hindi ko intensyon na—"
"Iyan! Iyan nanaman ang hindi mo intensyon pero base sa mga kilos mo ay ganoon ang intensyon mo!"
"Bakit kaba nagagalit sa'kin?"
"Hindi ako nagagalit sa'yo, nagagalit ako sa sarili ko. Hindi kasi kita maintindihan,"
Sumeryoso naman ang mukha niya at laking gulat ko nalang ng bigla siyang pumunta sa may bandang bintana.
"Kung hindi mo ako maintindihan, handa naman ako bigyan ka ng oras para intindihan ang lahat ng 'to." Saad niya saka naging pusa ulit at tumalon sa bintana.
Napaluhod nalang ako ng matapos niya sabihin 'yon. Ano nanaman ba ang maling desisyon ko?
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...