Trenta'y Tres

90 9 5
                                    

"Veronica, unti-unting nalalason ang mga kasamahan natin sa ginagawa mo." Rinig na suway ni Veronica mula sa isang lalake.

"Tumahimik ka! Hindi mo alam kung ano ang dahilan ko kung bakit ko 'to ginagawa. She stole everything to me," gigil na saad ng babae.

"Past is past, Veronica. Dahil sa ginagawa mo, unti-unti na nilang pinapatay ang mga alagad mo. Ibigay mo na sa kanila ang gusto nila."

"Ayoko, hangga't hindi ko nakikitang lumuhod dito si Maureen, hinding-hindi ko ibibigay si Mavis."

"Kung hindi mo ibibigay sa kanila ang gusto nila, pwes ako nalang. May pakialam ako sa mga alagad ko kaya't hindi ko sila hahayaan na mamatay lalo na sa teritoryo ko."

"Do that, Axel. I will kill you and Melissa." Nababaliw na sabi ni Veronica.

Hindi naman makakilos ang lalakeng kasama niya dahil sa inusal ng babae sa kaniya. "Ano? Nasisiraan ka na ba? Anak mo si Melissa, Veronica. Anak natin siya. Are you really that damn desperate jus to kill Maureen?"

"Yes! SHE STOLE EVERYTHING TO ME! EVEN MIDNIGHT!" Sigaw ni Veronica sabay hinampas ng malakas ang lamesa sa harap niya.

Hindi naman maiwasan ni Axel na mapatawa ng malakas. Mapait siyang napahalakhak saka tumingin sa babae. "You still the craziest girl I ever met, Veronica. Hindi ka pa rin nagbago, hanggang ngayon, you still crave for midnight." Mapakla niyang saad.

"You're hurt, baby? Don't worry, kapag nakuha ko si Midnight, isa ka pa rin sa mga koleksyon ko. Isn't it fantastic?" Saad pa ni Veronica habang nakasilay ang mala-demonyong ngiti saka tumawa ng parang baliw.

Napakuyom naman si Axel saka lumabas ng silid, tuloy-tuloy siyang naglakad saka pumasok sa isang kuwarto. Nakita niya ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog. Isang apat na taong gulang na babae,maputi at maganda ang itsura nito. Ang kaniyang munting anghel ay kailangan niyang iligtas, 'yon ang nasa isip niya. Pagkakuha sa anak ay agad siyang lumabas ng silid.

Sa mahabang pasilyo, doon niya nakita ang kanilang mga alagad. Maraming lumapit sa kanila ng kaniyang anak para humingi ng tulong o kahit anong lunas para sa lason unti-unting kumakalat pero maging siya hindi niya alam ang maaaring lunas kaya't
agaran siya pumunta sa silid ng kanilang bihag. Si Mavis at ang isa pa ay si Jay.

Nakaguhit ang pagtataka sa mukha ng dal'wa dahil bigla nalang nawala ang pagkakagapos ng paa nilang dalawa.

"Bakit mo kami tinutulungan?" Mariing tanong ni Jay.

"Huwag na kayong magtanong, tutulungan ko kayo basta ba't tulungan niyo rin ako, maging ang anak ko."

"Ikaw ang asawa ni Veronica, anong gusto mo?" Nakakunot-noo na saad ni Mavis.

"Gusto kong iligtas niyo ang anak ko. Palalayain ko kayo basta sabihin niyo sa'kin kung ano ang lunas sa kumakalat na lason dito." Saad ni Axel.

"Lason?"

"Oo, maaaring gawa ito ni Maureen. Hindi ko kayang tapatan ang kaniyang kapangyarihan, maging si Veronica ay nahihirapan na pantayan ito, pero kahit alam na ni Veronica ang tungkol doon, hindi pa rin siya humihinto. Mahal ko si Veronica pero hindi ko hahayaan na pati ang aming supling ay kaniyang ipahamak."

"Si Tita Maureen ang may gawa ng lason? Pero? Bakit kami ay hindi man lang naaapektuhan?" Tanong ni Mavis.

"Maging kami ay hindi naapektuhan. Tanging aming mga kasapi lamang ang nasa peligro. Kaya nais kong tulungan mo kami,"

"Paano kami nakakasiguro na tutulungan mo kami?"

"Hawak mo ang buhay ko,"

Nagkatinginan pa si Jay at Mavis sa sinabi ni Axel. Wala na silang maisip na paraan para makatakas kaya't sumang-ayon sila. Sa kanilang pagtakas, nakaagaw pansin kay Mavis ang hawak na batang babae ni Axel, ang kanina kasing mapupulang pisngi nito ay unti-unti nang namumutla.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon