Trenta'y Syete

73 8 0
                                    

Hindi makapali si Luther habang hawak ang kaniyang telepono. Kita sa kaniyang mga mata ang nag-uumapaw na galit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matukoy kung saan nakatira ang hinahanap niyang may posibilidad na pumatay sa kaniyang ama. Si Drake, siya ang nakita niya sa panaginip niya, nakita niya kung paano pinatay ni Drake ang kaniyang ama, alam niyang si Drake iyon dahil kita niya ang pagbabagong anyo ng binata. 

"Leo, I need your help." Sabi niya habang may kausap sa telepono. 

"What is it?" Sagot sa kaniya. 

"Gusto kong hanapin mo ang pangalang Drake sa university files namin. Check all the backgrounds. All of the information, I want to know all of it. Got it? If you can gather all of that in just a days give it to me as soon as possible." Utos niya.


"Anong bang mayro'n? May atraso ba 'yan sa'yo?" Tanong sa kaniya ni Leo.

"Oo, malaki ang atraso niyan sa'kin. And if you have a plan to stop me, it's better if you don't do it. You know me when I am mad, Leo. I don't hesitate to kill someone who is blocking my way."

"Sandali lang, Luther. Anong bang atraso niya sa'yo? I hope you don't get the point that you lose your limits."

"I already lose my limits, Leo. Don't ask too many questions. Just do it," huling sabi ni Luther bago ibaba ang telepono.

No one can describe his anger. Matagal na panahon nang hinahanap niya kung sino ang halimaw na pumatay sa ama niya at ngayong nakita niya na ito ay hindi na niya ito papakawalan pa. For him, life for life, souls for souls. Hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang kung sinoman ang pumatay sa ama niya. His father is his everything. Tanging ama lang niya ang natitira sa kaniya tapos, kinuha pa 'yon sa kaniya.

"You better hide, Drake. I'm going to hunt you down. You don't know I am a hunter. First, you block my way to Miracle. Then second, you killed my father. You have a debt to pay, and only your life is the payment."

Puno naman ng ingay ang kuwarto ni Drake. Rinig ang mga sari-sarin tugtugin dito at ang hindi magkamayaw na atungal ng binata. Puno ito ng daing ng lalake, lango siya sa alak at ayaw magpatalo sa kaniyang kapatid na si Amorie.

"Kuya, ano bang problema mo? Itigil mo na 'yan, ang dami mo na ring kalat." Sabi ng kan'yang kapatid.

"Hayaan mo ako, Amorie." Angil ng binata sabay layo ng baso ng alak na hawak-hawak niya.

"Akin na kasi 'yan. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo, hindi kita titigilan."

Tumingin ng masama si Drake sa kaniyang kapatid. Ang mata niya ay puno ng sakit, at poot. "P'wede ba hayaan mo muna ako, Amorie?"

"Paano kita hahayaan kung nakikita ko miserable ka?!" Saad ni Amorie habang napahilamos sa kaniyang mukha.

"Hindi ko alam kung bakit nagkakaganiyan ka. Ilang araw na, Kuya. Pakiusap sabihin mo naman sa akin kung anong problema mo." Sabi ng kapatid saka hinawakan ang kamay ni Drake.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng magkapatid, hanggang sa binasag ito ng mga hikbi ng binata. "Si Miracle," sambit niya habang sinusubukang burahin ang sakit na namumuo sa mukha niya, "Ikakasal na siya—at ang pinakamasakit ay hindi sa akin."

Matapos sabihin 'yon ni Drake ay tuloy-tuloy niyang nilagok ang alak. Ibinagsak niya ang kaniyang katawan sa kanilang sofa. Dinama niya ang lahat, ang pagguhit ng alak sa kaniyang lalamunan, maging ang pagbara nito dahil sa pagpipigil ng kaniyang mga luha. Sakit, 'yon ang sobra-.sobra na nararamdaman niya.

Kita ng binata ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang kapatid nang umupo ito sa tabi niya. "Masyado pang bata si Miracle, paanong nangyari na ikakasal na siya?" 

"She needs to marry someone for her family."

"Kung usapang wealth, p'wede mo siyang tulungan." Suhestiyon ng kapatid.

"It's not about money, Amorie. It's about power."

Hindi na nakaimik si Amorie nang sabihin iyon ng binata. Sa pagkakataong ito, hindi niya alam kung paano matutulungan ang kapatid. All she can do is be with her brother, she know he is in pain. Tumayo si Amorie upang patayin ang musika na patuloy sa pagtunog.

"I don't know how can I help you," pag-amin ng kapatid, "I just want you to know that I'm always here." Sambit ng kapatid.

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon