Habang paakyat na ang dalagang si Miracle sa kaniyang silid. Ang binatang si Drake naman ay nagising na mula sa pagkakatulog at tuluyan ng bumangon mula sa pagkakahiga. Agad na nag-ikot ang paningin ng binata ng may maramdaman siyang hindi komportable sa kuwarto ng dalaga. Pakiramdam niya ay may kung anong puwersa o masamang hangin ang nakapaligid sa kwarto na naging dahilan para tumaas ang tainga niya at ang balahibo rin nito. Maging ang buntot niya ay parang naparalisa dahil sa pagkaalarma.
Ibababa sana niya ang kaniyang mga paa sa sahig ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto na nagpatalon sa kaniya sa gulat. Una ay hindi pa nahihimasmasan ang binata dahil tuwid pa rin ang buntot nito ngunit ng mapagtanto na si Miracle iyon ay agad ding bumalik sa mahinanong sitwasyon ang binata. Nagtataka ang itsura ni Miracle, dahil pansin ang pagkasalubong ng kaniyang dalawang kilay.
"Anong ginagawa mo?" tanong ng dalaga.
"W..wala, n..nagulat lang ako." utal na saad ng binata.
"Maupo ka nga, nakatayo ka pa rin diyan sa kama." utos ni Miracle dahil nakatayo pa rin ang binata at tila may iniilagan dahil panay ang galaw ng ulo nito na parang alerto.
"Parang may mali sa kuwarto mo," walang paligoy-ligoy na saad ni Drake.
"Mali? Anong ibig mong sabihin?"
Hindi sinagot ng binata ang kaniyang tanong sa halip ay nagtanong ulit ito. "May itinatago kaba o iniligay dito?"
"Tinatago? W..wala naman," saad ng dalaga.
Hindi naman kumbinsido si Drake kaya't bumaba siya sa kama at naghalughog. Naalarma naman si Miracle kaya napatayo ito mula sa pagkakaupo.
"Ano ba!? Ano bang hinahanap mo?"
"Alam kong nagsisinungaling ka, malakas ang pakiramdam ko, Miracle at alam kong alam mo 'yan. Mas malakas ang senses ko kaysa sa'yo kaya h'wag kanang magsinungaling pa," diing untag ni Drake.
Tila nabato naman si Miracle ng matauhan siya sa sinabi ni Drake. Naisip niya na tama ang binata, mas malakas ang senses nito kaysa sakaniya dahil may enhancement ang abilidad nito. Hindi niya alam kung ano pang palusot ang sasabihin niya kay Drake kaya't ang ginawa nalang niya ay pumunta sa study table at inilabas ang kahon na pinaglagyan ng singsing.
"Ano iyan?" tanong ng binata kay Miracle.
"Eto 'yung kakaibang kanina mo pa hinahanap."
Nang lumapit ang binata kay Miracle ay napaatras muli ito. Bumibigat ang pakiramdam ni Drake at tila inuubos ang kaniyang lakas. Agad na inalalayan ni Miracle si Drake at pinaupo sa gilid ng kama.
"Okay ka lang?" tanong ni Miracle.
"Saan 'yan nanggaling?" hingal na tanong ng binata.
Hindi alam ni Miracle kung saan niya kukunin ang sagot dahil maging siya ay hindi niya rin alam kung saan ito mula. Nakita niya lang ito, walang sapat o tiyak na lugar kung saan talaga nagmula.
"H..hindi ko rin alam," kabang sagot ni Miracle.
"Hindi mo ba alam na ang ganiyang uring singsing ay kayang paunti-unting patayin ang sinomang magpangahas na hawakan ito. Maaari kang mapahamak o malasin sa singsing na 'yan." aniya ng binata.
"Paano mo naman nasabi?"
"Sa tagal na paghahanap ko ng lunas ay nakakita na rin ako ng ganiyan. Ang mahika ng singsing na 'yan ay may bahid na lason na kung sinoman ang makahawak o makakita nito ay kung hindi mamamatay ay mamalasin naman." paliwanag ng binata.
Si Miracle naman ay parang natauhan sa sinabi ni Drake, nagsisisi siya dahil kinuha niya pa 'to. Agad na tumayo si Miracle at kinuha ang singsing ngunit sa pangalawang pagkakataon; hindi man lang nakaramdam ng kung anong panghihina si Miracle.
Napalingon si Miracle kay Drake na mukhang nagtataka. Maging ang binata ay nagtaka sa nangyayari, parang noong nagdaang araw ay nanghihina si Miracle pero ngayon ay wala man lang nangyayari sa kaniya.
"Anong nangyayari?" kabang tanong ni Miracle.
"Hindi ko alam, ngayon ko lang nakitang sang-ayon ang singsing sa'yo. Ang pagkakaalam ko tanging mga marunong sa mahika ang makakagamit niyan." sagot ni Drake.
Dahil sa sinabi ni Drake ay mas lalo siyang nagtaka; mas lalo silang nagtaka.
"Marunong ka ba gumamit ng mahika?" tanong ng binata.
"Hindi, tao lang ako 'no. 'Tsaka wala sa pamilya namin ang may alam tungkol sa mahika churva na ganiyan. Ang pagkakaalam ko normal na tao lang ang pamilya ko, wala silang alam sa mahika." diing saad ng dalaga.
Doon na siya mas naguluhan, alam niya sa sarili niya na walang itinatago ang ama nito sa kaniya. Alam niya na walang tinatago ang pamilya niya sa kaniya. Alam niyang hindi gagawin ng pamilya niya ang lokohin siya, alam niya ngunit maging siya ay hindi sigurado na.
"H..hindi nila 'yon gagawin," mahinang sambit ni Miracle.
"Ang alin, miracle? Ang posibilidad ba na may alam ang pamilya mo o 'yung posibilidad na may itinatago sila sa'yo?"
"P'wede ba! Walang alam ang pamilya ko! Wala silang kinalaman sa singsing na 'to. 'Tsaka peke lang 'tong singsing na 'to. Walang mahika ito, wala.. guni-guni mo lang 'yon, guni-guni lang natin'yon." pahina ng pahina ang boses ni Miracle habang lumalabas ang mga katagang iyon.
Hindi na malaman ni Miracle kung sino ang paniniwalaan niya. Oo nga't hindi niya pa alam ang totoo ngunit ang malaking posibilidad ng mga sinasabi ng binata sa kaniya ay maaaring totoo. Napaluhod na lamang siya at tinitigan ang hawak niyang singsing. Sa t'wing napapaisip siya sa lahat ng nangyayari, nanlulumo siya. Pakiramdam niya ay pinagkaitan siya ng isang bagay na sobrang mahalaga sa kaniya.
"Pasensiya na, bitawan mo muna 'yang singsing na 'yan. Kailangan natin mag-usap hindi lang tungkol sa bagay na 'yan kundi ang ibang pang problema."
"Hindi, itatapon ko na 'tong singsing na 'to. Hindi ko 'to kailangan." diing-saad ng dalaga.
"Mag-isip ka nga, Miracle. Kakailanganin mo 'yan para malaman ang totoo tungkol sa pamilya mo."
Naikuyom nalang ni Miracle ang kaniyang mga palad at tumayo mula sa pagkakaluhod at pumunta sa kaniyang study table. Kumuha siya ng necklace chain at doon nilagay ang singsing. Susuutin na sana ito ni Miracle ng pigilan siya ni Drake.
"H'wag mo munang suotin, hindi ako makakalapit sa'yo."
Napatikom naman si Miracle sa saad ni Drake. Wala siyang magawa kundi ang ilapag muna ang singsing.
"Ano bang pag-uusapan natin?"
"May alam na akong tao na may kinalaman sa nangyari sa 'kin." seryosong saad ni Drake.
"Sino?"
"Si Amorie,"
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...