Dise Otso

127 14 7
                                    

Miracle POV

Matapos namin maglibot ng baliw na si Luther sa botanical garden ay balak ko na sana na mag-aya na umuwi dahil malapit ng lumubog ang araw, hudyat na magtatakip-silim na. 

"Luther, uuwi na 'ko." sabi ko sakaniya saka tumayo. 

"Sandali lang, Miracle." sabi niya saka hinawakan ang braso ko at hinatak para mapayakap sakaniya. Ramdam ko ang braso niyang nakapulupot sa likod ko, hindi ko maipaliwanag ang kuryente na umakyat sa galugod ko.

 Ramdam ko ang braso niyang nakapulupot sa likod ko, hindi ko maipaliwanag ang kuryente na umakyat sa galugod ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You make my day complete, Thank you." sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Ah..Luther, p'wede mo na akong bitawan." sabi ko. 

Binitawan niya nga ako at ngumiti siya muli sa akin, he's acting weird. Kinakabahan ako sa ngiti  niya kaya nginitian ko rin siya pabalik. Saka naglakad palayo, pero bago 'yon ay pinigilan na naman niya ako. "May kailangan ka pa ba? Pagabi na at kailangan ko ng umuwi." deretsong saad ko saka napairap sakaniya. 

Tumawa lang siya ng mahina at inilahad ang kamay niya sa akin. "Haha. Tara, hatid na kita." nakangiting saad niya. Tinitigan ko muna ang mga kamay niya hanggang sa nauna na ako sakaniyang maglakad. "Sige, tara na." sagot ko saka sumakay sa kotse niya.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami ni Luther, wala ni isa sa amin ang bumasag sa katahimikan hanggang sa nagsalita ako. "Paano mo pala nalaman 'yung bahay ko?" tanong ko sakaniya.

Tumawa muna siya ng mahina saka sumagot. "I am Luther Rix Vasquez. I can get what I want, hanggang sa gusto ko, makukuha ko." mayabang na saad niya. Napairap nalang ako sa sagot niya saka tumingin sa bintana, kung hindi siguro ako mag-iingat sa taong 'to panigurado kanina pa niya alam lahat ng tinatago ko. 

"Diyan mo nalang itabi, malapit na rin naman ako. Umalis kana," sabi ko saka bumaba sa kotse niya. Sa bahay ako umuwi, hindi sa mansyon ni Drake. Kailangan kong kausapin ang pamilya ko. May nakita akong oportunidad para sa pansamantalang makakabuti kay Drake. Alam kong magagalit o magtataka si Drake kung bakit hindi ako umuwi roon. 

PAGKAPASOK ko sa bahay, tahimik ang sala at rinig ko ang ingay mula sa hapag-kainan. Ang mga usap-usap nila ay rinig ko dahil ang lakas ng boses nila. 

"Nasaan na si Light?" sabi ng isang tinig ng babae na hula ko ay si Maureen. 

"Tita, na..nakita ko siya kasama si Luther,"

"Si Luther? Anong kailangan niya kay Light? Hindi p'wedeng magkasama sila. Kilala niyo si Luther at ang ama nito.

"Hindi ba patay na ang ama ni Luther, Maureen?"

"Oo, at maaaring tayo ang pagbintangan niya sa mga nangyari sa ama niya."

"May kinalaman ba kayo sa pagkamatay ng ama ni Luther, Tita?"

"Wala pero isa sa mga kasama namin ay may alam tungkol doon."

"Kailangan nating mag-ingat kay Luther. Lalo na si Light," 

Naisip kong pumasok na sa dining area at makunwaring walang narinig. "Mag-ingat, kanino?" maang-maangan na tanong ko. 

Lahat sila ay nagulat at napatayo. Lalo na si Maureen na aking ina raw. "Light, salamat at bumalik ka." nakangiting saad nito sabay bigay ng yakap na inalis ko rin. 

"Hindi ako pumunta rito para tanggapin kayo. Nandito ako para sa isang kondisyon." sabi ko saka naupo sa isa sa mga silya. 

Sumeryoso si Papa at halatang hindi niya ginusto ang inasal ko kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sakaniya at tumingin kay maureen. 

"Ikaw, hindi pa ako sigurado na ikaw ba ang tunay kong ina kaya ikaw ang gagawa ng kondisyon. Kailangan mong gumawa ng kuwintas na may mahika para maging isang tao ang isang hayop o isang sinumpa." sabi ko kay Maureen. 

Napatingin si Maureen kay Papa, halatang kinokunsulta nito si Papa kung okay lang ba iyon na gawin niya. Walang ginawa si Papa kun'di ang tumango lang.Humarap sa akin si Maureen at sinabi "Mahirap 'yang pinagagagawa mo at medyo tatagal ito ng tatlong araw. Kaya habang ginagawa ko ang kondisyon mo. Bilang kondisyon namin ng ama mo, mananatili ka muna rito habang ginagawa ko ito." saad niya. 

Wala akong nagawa kun'di ang pumayag at maghintay ng tatlong araw. Napatingin ako sa mga katabi ni Mavis at Papa. Dalawang babae at tatlong lalake na halos kaedaran ko lang namin ni Mavis. Napataas naman ang kilay ko sakanila at nagtanong kay Papa. 

"Sino naman sila?"

"Mga kasama ng mama mo, at galing sila sa lugar kung saan tayo dati nakatira."

Hindi ko man maalala ang lugar na iyon ay tumango nalang ako at naisipan na pumunta nalang sa aking silid.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Drake POV

Hinintay ko si Miracle na umuwi sa mansyon pero ilang oras na akong naghintay pero wala pa rin ito. "Nasaan kana ba, Miracle?"

Hanggang sa ilang oras ang lumipas. "What the? Bakit hanggang ngayon wala ka pa rin? Talagang sumama ka do'n sa lalakeng hambog na 'yon?" Inis na saad ko .

Naisipan ko na puntahan ulit ang lote kung saan ko nakita si Miracle na hatak-hatak ng lalakeng iyon. Pero wala rin siya doon. Nagsimula ng dagain ang dibdib ko ng kaba. Iniisip ko talaga na baka kasama niya ang lalakeng iyon. Nasaan ka ba, Miracle?

Scratches (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon