CHAPTER 3: Alone
(Zoe's POV)
I'm here at the airport with Mom and Dad. Hinatid ko sila. Dad is going back to England with Mom. They're going to live there with my Kuya which means I will be alone here from now on. What if sumama nalang kaya ako? That would be a good idea... but I know I can't. Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Mommy.
"Mag ch-check in na kami Zoe."
"Alright, bye Mom. Bye, Dad. Ingat kayo dun ah. I'll miss you."
"You can always visit us whenever you want to." sabi ni Mommy at hinawakan ang mga kamay ko. She gently squeezed it.
"Okay, I'll do that, then." I said. Pag nagkaroon ako ng time ay bibisita ako doon. Nakakalungkot talagang isipin na mangingibang bansa na silang lahat.
"Shall we?" Dad told Mom.
"Bye, for now, Zoe. Take care of yourself, okay? Call us kung may problema. I love you anak." sabi sa akin ni Daddy. Bahagyang niyang hinaplos ang pisngi ko. Tumango naman ako.
"I love you too Dad. I love you Mom." I said kissing their both cheeks. "Ikamusta niyo ako kay Kuya ha? Tell him I miss him badly. It seems like he forgot about his gorgeous sister."Ngumuso ako. I miss him so much. Close kase talaga kami noon kahit na 5 years ang age gap namin. Until now, close parin naman kami but we hardly communicate dahil nga busy siya doon. Nang matapos niya ang college ay sumunod na siya kay Daddy sa London.
"Okay then, I'll tell your Kuya to call you or perhaps visit you."
We hugged for the last time. I feel like crying. Parang isang pitik nalang ay tutulo na talaga ang luha ko. We finally bid our goodbye.
Pumunta ako ng mall pagkatapos. Tinawagan ko rin si Cindy na magkita kami. And guess, pumayag agad. Did I already tell you she's a shopping addict?
"Why the hell do you need all these clothes?" I asked Cindy, irritated. Andami na niyang pinamili at nasa fitting room pa siya ngayon, nagsusukat ng ibang mga damit. At yung mga napili niya, ako yung nagdadala. Maybe I was wrong of calling her to meet me.
"It's nice right?" she asked showing me the 14th dress. I rolled my eyes.
"Oh c'mon, minsan lang naman to eh." She whined.
"Seriously? Kulang nalang bilhin mo tong buong boutique. Andami na nito and to know na nag shopping na tayo last week at sobrang dami din ng pinamili mo. Masusuot mo pa ba yan? Okay lang sana kung ikaw and nagdadala." She went back to the fitting room like she didn't hear any of my rants. Ugh, why do I have to have a best friend like her?
If you think she's already done lugging every single item she likes, well, you're wrong. She is still looking for more.
"Utang na loob Cindy Althea, pati narin labas, ang dami na nito eh." Yeah, I still have items on my hands.
"I know. I just feel like torturing you." She said and she laughed at me. "Halos isang taon mo akong pinag-alala kaya dapat lang iyan sa'yo ano." sabi niya at nagpatuloy sa paghahanap ng damit habang tumatawa. "Why don't you just buy as well? It's nice."
I rolled my eyes. I still have clothes na hindi pa nasusuot, bakit pa ako bibili? And I'm not really fond of having so many clothes in my closet. Unlike her na kahit punong-puno na ang walk-in closet niya ay di parin magkamayaw sa kabibili.
After forever of following her around the different botiques, natapos narin siya. Akala ko di na siya titigil eh. Pumunta kami sa isang diner after. Gutom na talaga ako. Ikaw ba naman gawing maid ng best friend mo. Psh.
"So, bumalik na pala sina Tito at Tita sa England?" panimula niya. Hinihintay pa namin yung order.
"Hm... Nandun na silang tatlo, si dad, mom, at si kuya. I'm alone now." ngumuso ako at pinaglaruan ang lalagyan ng tissue sa table.
"Ow, my best friend is alone now. That's so sad." She teased.
Inirapan ko nalang siya. Some best friend she is. Sakto namang dumating ang order namin. Isa-isang nilagay ng waiter ang mga plato. Pagkatapos nun ay umalis naman siya agad.
"Yeah. Sad talaga. Gusto ko na ngang sumunod doon eh."
"So iiwan mo ako? Ganon?" sabi niya at sumimangot.
"Sort of."
Nagulat naman ako ng bahagya niyang inihampas ang kamay niya sa lamesa. Akala ko naiinis siya pero bigla naman siyang ngumiti. "Pumunta ka dun tapos palit kayo ng kuya mo. Sabihin mo sa kanyang siya nalang ang mag manage ng shop ng mommy mo nang sa ganon ay malapit kami sa isa't isa." suhesityon niya. Kumikinang ang mga mata habang nagsasalita.
"Seriously?"
"Yes. Seriously." she quickly replied, still smiling.
Tiningnan ko naman siya ng masama. "You're creepy. Tumigil ka nga. My brother has a girlfriend already and they're together for years."
"Hm. Hindi pa naman kasal." napatawa na lamang ako sa kanya at umiling. Ewan ko ba kung mahal niya si Kuya ko o wala lang talaga siyang mahanap na prospect. But I know eversince crush niya na talaga ang kapatid ko for some reasons. Baka infatuated parin. "Gutom lang yan Cinds." sabi ko at nagsimulang kumain.
"So you don't really mind being alone?" tanong niya at isinubo ang stake mula sa kanyang tinidor. I shook my head. Somehow, nakakalungkot. Lagi na lang akong naiiwan. But I need to be independent enough.
"I'm still here, you're not alone. Yeah, technically you are in your house but I am always one call away." She said smiling genuinely. My heart just melts. She may be like bitching around me, teasing me, pissing me and everything but she is the best bestfriend ever. If I would treasure things, she would be one of those I'd surely treasure.
Now, who says I'm alone? I am not, I have my best friend, my sister in different parent.
BINABASA MO ANG
He Suddenly Came Back
General FictionZoe Gabriella's world shattered down when the man she loved with all her heart left her without a word. That was the death of her. She was so lost. And she had no choice but to accept what happened and move on. But he came back in the midst of her h...