CHAPTER 18: Movie Date(Zoe's POV)
I've been lying in my bed for hours now, seems like we're glued together. Mas gusto ko narin yun, ayoko rin namang bumangon at di narin siguro ako papasok ngayon. I was looking at the ceiling when I heard my phone rang. Clive calling...
"Hey." He trailed off. "nandito na ako sa baba."
"Ganun ba. Uhm, hindi kase ako papasok ngayon eh."
"Bakit? May sakit ka ba? Pupunta ako diyan sa unit mo. I'll be there in a minute." Then he hanged up without even letting me speak.
After a few minutes, narinig ko na ang door bell. Ang bilis ah. Tamad na naglakad ako papunta sa pinto para pagbuksan siya.
"Oh, di ka naman mukhang may sakit ah?" he said as he laid his eyes on me. He held my forehead. "And you're not burning." Hinawakan ko ang kamay niya at marahang inalis iyon.
"Hindi ko naman sinabi na may sakit ako eh." Sabi ko at naglakad papunta sa sala.
"Sabi ko nga." Tas sumunod na siya at umupo sa tabi ko. Bahagya kaming natahimik.
He suddenly grabbed my face and examined it. Okay? "Did you cry?" he asked. Worry filled his face.
Umiwas ako ng tingin at umiling. "Hindi ah. Bat naman ako iiyak, diba?"
"Hindi ko alam, baka may unexpected na nangyari na nagpabigat ng loob mo."
"Diyan ka na nga, maliligo lang ako." Sabi ko tas umalis pero narinig ko pa yung binulong niya, "Pwede mo namang sabihin, hindi naman kailangan iwasan lagi."
Napailing ako. Pumunta na ako sa banyo at naligo. I dressed up with a black shorts and a t-shirt tas bumalik na sa sala.
"Clive, wala ka bang lakad ngayon?" tanong ko sa kanya. Naka on na ang tv at panay ang pindot niya sa remote at naghahanap ng magandang palabas. In-off rin niya ito agad dahil wala siyang natipuhan.
"Wala. Tatambay lang ako dito." I rolled my eyes. Para siyang walang trabaho. Sa pagkakaalam ko naman ay graduate na siya. Nauna pa nga siya sa akin eh. He's an aeronautical engineer. But he didn't apply a job yet. Ewan ko lang kung bakit. Sabi niya hindi pa naman daw tumitigil ang Mommy, Daddy at Ate niya sa kakabigay ng allowance kaya ayos lang. Palibhasa bunso. Mga mayayaman talaga kahit di na magtrabaho eh...
"Bakit ayaw mong pumasok ngayon?" bigla niyang tanong.
"I don't feel attending work." I said as I slammed myself at the couch.
"Ang sabihin mo natatamad ka lang."
Ngumuso ako. Siya rin naman eh.
"Ang boring dito ah?" reklamo niya.
"Kung gusto mo, umuwi ka nalang o gumala ka. Nahihiya naman kase ako sayo dahil nabobored ka dito." sabi ko at inirapan siya.
"Hindi ako mabobored pag kasama kita." Ngumisi siya saakin at pinaikot ko lamang ang mata ko.
"May mgamovies diyan, manood ka nalang."
"Manunood ng movie?" tanong niya.
"Hindi. Pakikinggan yung movie, try mo."
"Sige, pakinggan natin." Sabi niya. I glared at him.
Napapikit nang mariin ako. Bwisit!
"Maghahanap na ako ng movie para sa movie date natin." He said emphasizing the word movie date.
I glared at him for the second time.Nag make face siya at pumunta na sa lalagyan ng mga dvds. He scanned the everything tas humarap siya sa akin tas ipinakita yung napili niya. "How bout this?"
He showed me a dvd. Oh, Twilight. Papayag na sana ako nang mabasa ko yung New Moon.
"Ayoko niyan." I declared.
"Bakit?"
"Basta, ayoko niyan."
"Sabihin mo muna kung bakit." Nakikipagmatigasan siya sa akin. "Why Zoe?"
"B-because..."
"Because?"
"Just because Clive, don't push it through." I blurted. That episode is what I hated the most, that was when Edward left Bella. Ayoko nun, ayoko ng naiiwan. I feel Bella, mahirap yun, masakit. Like me, she was also a wreck.
He sighed and whispered "Still affected by him."
Anong ibig niyang sabihin? Napitingin ako sa kanya. Yung mata niya ay nasa mga dvds parin. Pumipili siya.
"may sinasabi ka?"
"Sabi ko The Amazing Spiderman nalang yung panoorin natin." Sabi niya tas kinuha yung dvd na spiderman. Iniharap niya ito sa akin. "Ayos na ba ito sayo?" tanong niya at tumango na lamang ako.
Anong ibig sabihin niya dun sa 'Still affected by him'? Di ko na nga lang aalamin. Nagets naman na niya yung gusto kong sabihin kahit hindi ko naman talaga sinabi sa kanya literally. Spiderman nalang yung pinanood namin, para sa, I'll quote this one, "movie date".
BINABASA MO ANG
He Suddenly Came Back
General FictionZoe Gabriella's world shattered down when the man she loved with all her heart left her without a word. That was the death of her. She was so lost. And she had no choice but to accept what happened and move on. But he came back in the midst of her h...