Chapter 9

397 7 0
                                    

CHAPTER 9: Goodbye England

(Zoe's POV)


I am preparing my things at the moment. Uuwi na ako ng Pilipinas. Despite the fact that I am still enjoying my stay here, I still have responsibilities left in the Philippines and I miss my best friend. One week ko narin siyang di nakikita, nakakamiss yung kabruhildahan niya. After fixing myself, bumaba na ako dala yung mga gamit ko. Nag-uusap sina Mommy at Clive pagkarating ko sa sala.

"Kailan mo naman planong umuwi?" tanong ni Mommy sa kanya.

"Next week po, probably."

I faked a cough for them to recognize my presence. They turned to face my direction. Clive motioned towards my direction.

"I'll just bring this bag to the car." He said before getting my baggage and then went outside.

"Sigurado ka bang di ka na magpapahatid sa airport?" tanong sa akin ni Mommy.

"Hindi na kailangan Mom, may aasikasuhin pa po kayo sa office. Clive will drive me to airport naman." I told her. Ayaw ko na siyang maabala. Dapat nga kanina pa siya nandun sa office eh pero hinintay niya muna na umalis ako ng bahay.

"But I can drop by the airport and then I'll go to the office afterwards." She insisted.

"No Mom, I'm fine. Late na po kayo sa trabaho, baka pagalitan pa kayo ni Dad niyan at di pa kayo bigyan ng sahod, kayo din." Biro ko sa kanya.

She chuckled and said in defeat, "Fine."

I heard the honk of the car. Clive's probably waiting already so I bid my goodbye to my mother and then went outside. Pero bago pa ako nakalabas, marami pang binilin si Mommy –alaagaan ko daw nag sarili ko, tumawag daw ako pag may problema... sinabi niya na kaya yan nung umalis sila.

Nasa airport na kami ngayon. Busy akong chinecheck ang ticket ko, baka kase may mawala, may connecting flights pa naman ako. Si Clive naman binababa yung bagahe ko. Pagkatapos kong maayos lahat, nagpaalam na akong mag ch-check-in na.

"Zoe, wag mo akong kakalimutan ah?" bilin niya.

"Siyempre hindi."

"Sigurado yan ah. Pag ako talaga, nakalimutan mo, lagot ka sakin." He warned. Kulit neto! Bahagya akong napatawa sa kanya.

"Oo nga, wala naman akong Alzheimer's disease eh, don't worry."

"Good." He said tapos tinulak niya ako palayo, "Alis na." sabi niya. Ang bastos rin eh.

I rolled my eyes tas nagdabog papunta sa entrance. Di pa ako nakakalayo nang hilahin niya yung kamay ko. "Oh bakit?"

"So... I'll see you soon?"

I smiled and nodded my head. "I'll see you soon."


Soon. Maliit lang naman itong mundo sa amin. He's my ate Clary's wife so it wouldn't be impossible for us to see each other again. Ngumiti ako sa kanya at kumaway bago pumasok ng tuluyan sa loob.


After many hours of travel, the pilot finally announced that in a few minutes, we will be landing at NAIA Terminal three. He advised us to wear our seatbelts. Nag ready narin ang mga flight attendant. I breathed. Salamat naman, sumasakit na yung pwet ko sa kakaupo. Pagkalapag namin, in-on ko na agad ang cellphone ko at wala pa ngang 2 minutes nag ring na agad.

Cindy Calling...

"Oh ano?!" I asked her irritatingly. Grabe siya, ni hindi pa nga ako nakakababa ng eroplano.

"Hello din!" She greeted with sarcasm. I rolled my eyes. "Goodness, kanina pa ako tawag nang tawag sayo. Bat antagal mong mag on ng phone?" singhal niya s kabilang linya.

"Ay, sorry naman po kung delayed ng 30 minutes ang flight namin. Sorry talaga ha?"

I could sense that she's rolling her eyes. Napairap pa siya.

"Kamusta yung pasalubong ko? Maganda ba yung dress? Ha, maganda ba?" hindi magkamayaw niyang tanong. Kung magkaharap lang sana kami ngayon, binatukan ko na to.

"Wow ah, Ok lang naman ako Cinds, really. Tss, yung dress talaga yung inuna mo? Kamusta naman yun?" sabi ko habang kinukuha yung bagahe ko. Agad ko itong hinila at lumabas na ako. Agad akong pumara ng taxi.

"Eh kase alam ko naman na ok ka eh, nakauwi ka nga nang walang galos at kumpleto eh, nag-uusap pa nga tayo ngayon, so why bother asking about you. Duh!"

Goodness gracious! What kind of friend is she? Can somebody tell me? Ugh!

"Oo na, nandito na yun. Pero please lang, wag mo muna akong kulitin ngayon, may jetlag pa ako. Punta ka nalang tomorrow, a'ryt?"

She whined. Narinig ko pa ang pag-alma niya. "Fine! Excited pa naman ako sa dress."

Then she hanged up. Bastos talaga, kung di lang kita best friend eh.

I went straight home after that. Upon arriving, I saw a small envelop sticking at my door. Pagtingin ko, isa palang invitation sa isang party sa building.

Kinuha ko na lamang ito at pumasok na ako sa loob. Agad akong nagbihis ng pambahay at naupo sa kama. Damn. I'm so tired. I looked at my baggage. I'll just arrange them tomorrow. For now, I'll just sleep and rest.

He Suddenly Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon