CHAPTER 15: Neighbors
(Zoe's POV)
"Tristan, san ka pupunta?" Tinatawag ko siya pero hindi man lang siya lumilingon. "Huwag mo akong iiwan, please" Tawag ko ulit sa kanya. Nagmamakaawa.
Sa bawat minuto, unti-unti siyang lumalayo. Gusto ko siyang habulin pero di ko magawang igalaw ang mga paa ko. "Tristan." Sabi ko habang walang tigil na tumutulo yung mga luha ko. Hanggang sa hindi ko na si makita. Unti-unti na siyang nawala sa paningin ko at biglang dumilim ang paligid.
Napabalikwas ako ng bangon. I had a bad dream. Bumalik na naman yung panaginip, nawala na 'to few months ago. Napansin kong basa yung damit ko, sa parting taas ng dibdib. Umiyak ako? I sighed.
Bumangon na ako at nagpunta sa banyo.
Naghilamos ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Naalala ko na naman yung pagkikita namin kagabi.
It took me a minute to find my voice. Pero naunahan niya akong magsalita, "Ella..."
That name, fuck that nickname, siya lang ang tumatawag sa akin niyan.
"T-Tristan..." It was a whisper. Kahit sarili kong boses ay halos di ko marinig.
Why am I feeling this way? That even speaking was a hard thing to do.
May biglang lumapit sa amin may sinabi siya kay Tristan. I took that opportunity to leave.
I took a deep breath.
Hindi parin mag sink in sa akin na nagkita kami kagabi. Does this means dito rin siya nakatira? Dahil nasa party siya kagabi? Saan ba siya galing? Bakit bigla siyang nawala? Bakit nandito na siya ngayon? ng dami-dami kong tanong sa isip ko at alam kong siya lang ang makakasagot nito. Should I ask him then? No... I don't even think I'm ready to see him kausapin pa kaya. Damn it!
Nagbabad ako sa tub para mag relax. I finished taking a bath after an hour and then I dressed. I gazed at the clock, 8:30 am. I decided to go to the shop this early and then went outside my unit. I gasped when seeing him again. Kakalabas lang din niya sa unit just in front of mine.
"Tristan?" I blurted.
"Oh, Ella." Ella again? Why does he keeps on saying that name?
"Anong ginagawa mo diyan?" Sa pagkakaalam ko kase walang nakatira sa unit na yan.
"I live there." agad niyang sagot.
I mentally dropped my jaw. "Y-you live... where? You mean in that unit?" I pointed the unit he was from. Nagsimulang magharumentado ang puso ko? Just damn it! Bakit diyan pa?
He nodded his head. Goodness! What the hell fate, are you playing jokes with me? Seriously, this is not funny... not at all.
"Z." napalingon ako sa nagsalita. Nakahinga ako nang makita ko si Clive. Naglakad siya patungo sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Sinusundo ka. Nagtext ako sayo. Kanina pa ako naghihintay sa baba kaya umakyat na lang ako."
"Ah." hindi kasi ako nag check ng phone kanina pa.
He turned his gaze to Tristan and then back to me. Tumaas ang kilay niya. He gave me a -Who's-this-guy?- look.
"Oh, uhm... si... si Tristan, kapit-bahay ko." pagpapakilala ko sa kanya kay Clive.
"Tristan Andrade." sabi nito. Naglahad ng kanyang kamay si Tristan at agad itong tinanggap ni Clive. "Clive Sandoval." They shake hands.
Bigla namang nag ring ang phone ni Tristan. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa.
"Excuse me..." paalam niya. Bahagya siyang tumalikod sa amin. "Ivan?... Oo, I'm on my way now... Didiretso na ako sa office... oo, yung board meeting... sige sige..." rinig kong sinabi ni Tristan sa kausap niya, hindi naman kase siya masyadong malayo sa amin.
Biglang hinawakan ni Clive ang pisngi ko at bahagya itong inangat. "Okay ka lang? Parang namumutla ka?"
"O-oo naman." I lied. I'm not okay... not at all. And I don't even know why. Dapat ay hindi na ako naapektuhan eh. Bakit parang bumabalik na naman yung sakit?
Tristan faced our direction. Inalis agad ni Clive ang kamay niya sa mukha ko at nilipat ito sa aking balikat. "Mauuna na ako sa inyo." Paalam niya at umalis na. Pero bago pa siya tuluyang makaalis, napatingin siya dun sa kamay ni Clive na nakaakbay sa akin. I don't know if I really saw it or it was just my mind who envisioned it that he clenched his jaw. Let me just shrug that thing off.
"Magkakilala ba kayo?" tanong sa akin ni Clive nung pababa na kami.
"Ha? B-bakit?"
"Wala lang. Pansin ko lang na parang may connection sa inyo. Ewan." He shrugged.
"Kakikilala ko lang sa kanya kagabi. Dun sa party. Kakalipat lang din niya dun." I lied again. He doesn't have to know. Tristan is just a part of my past who gave me lessons to learn. And Clive... well, he's my friend. A special friend and he belongs to my present. He has nothing to do with my past.
Tumango-tango naman siya.
What should I do now? Napaisip ako. Alam kong hindi ko dapat isipin iyo pero ginugulo ng pagbabalik niya ang isip... no not just my mind but my whole system. He's back... he's so back and worse, he is my neighbor. Sa lahat ng pwedeng niyang tirhan ay dito pa sa tabi ko. Perhaps, I'll just do everything I could to avoid bumping into him. I'd avoid him at all cost.
BINABASA MO ANG
He Suddenly Came Back
General FictionZoe Gabriella's world shattered down when the man she loved with all her heart left her without a word. That was the death of her. She was so lost. And she had no choice but to accept what happened and move on. But he came back in the midst of her h...