Chapter 16

345 10 0
                                    

CHAPTER 16: Frustration

(Zoe's POV)


It's been a week since that unexpected comeback incident. So far, tatlong beses ko pa lang naman siyang nakita. Una dung sa party, pangalawa ay yung nalaman kong magkapit-bahay kami at huli nung isang araw, nakasabay ko siya sa elevator. Naging mahirap yung sa elevator, sobrang awkward ng atmosphere. It seems like I was frozen in my position. Hindi ako sigurado kung kakausapin ko ba siya o hindi. Though I really don't see a necessity for us to have a conversation. Maybe I was just trying to destroy the awkward atmospeher that time. Pero alam kong kahit naman anong gawin ko di naman maiiwasan na di magtagpo ang landas namin. Masyadong maliit ang building na ito para di kami magkita. Masyadong maliit ang 20th floor para maiwasan ko siya. We're neighbors and possibilities of seeing each other everyday can never be avoided.

Nandito ako ngayon sa shop pero wala akong magawang trabaho. Sa tuwing may gagawin ako, hindi naman ako makapag concentrate. May mga sumasagi sa isip ko kaya nadidistract lang ako. I picked up my phone at my purse at tinext si Cindy.

To: Cindy

Cinds, nasan ka?

In less than five minutes, I already got her reply.

From: Cindy

Mom's office. Why?

To: Cindy

Wala lang. Can you drop by at the shop later?

From: Cindy

Alight. I'll see you.

Sasabihin ko nalang kay Cindy to. Sharing what you feel to someone makes it better. After an hour or more, nagtext na si Cindy na papunta na daw siya. Ilang minuto din bago siya dumating sa shop.

"Oh, bakit naman bigla mo nalang akong gustong makita?" sabi niya pagpasok na pagkapasok niya sa office.

"Wala lang, namimiss na kita eh."

"Kung hindi tayo magbestfriend mula grade school, iisipin ko talaga na namimiss mo ako pero kilala na kita eh at alam ko kung kalian ka nagsisinungaling at hindi." Pumunta siya dun sa couch at umupo. "Anong problema?"

"Wala nga, bored lang ako kaya pinapunta kita." Sabi ko habang naglalakad papunta dun sa couch para umupo sa tabi niya.

"Tell me the problem." She said with authority. Nasanay talaga to na laging nasusunod kaya ganyan umasta.

I sighed upon sitting after her, "He's back." I whispered but enough for her to hear.

"Sino?" tanong niya nang naguguluhan.

"Si Tristan, nagkita kami ulit."

"Ano? Ha? Kalian? Teka, anong ginawa mo? Nag-usap ba kayo? Anong sabi niya?" walang tigil niyang tanong, halata sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ko.

"Sandali nga, mahina yung kalaban. Relax lang, okay?"

Kinuwento ko sa kanya yung sa party hanggang sa nalaman ko na magkapit-bahay na pala kami at sinali ko narin yung sa elevator na sobrang awkward ng atmosphere.

"Okay ka lang ba?" she asked me with a very worried face. Bahagya niyang hinaplos ang likuran ko.

Napahilamos ako sa mukha ko out of frustrations. "Honestly Cinds, di ko talaga alam."

She hugged me. Bahagyang gumaan ang loob ko dahil sa kanya. "Everything will be alright. Naka move on ka na diba? Nakalimutan mo na siya diba? Di mo na nga siya naiisip eh."

"Yun na nga eh. Yun din yung akala ko. Pero nung nakita ko siya ulit, bumalik yung lahat, yung galit, yung sakit, lahat lahat Cinds."

"And the love?" diretso niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya. Unable to know what to answer. It's simple to just say na wala na pero di ko alam kung bakit nahihirapan akong sabihin na wala na nga. Pumikit na lamang ako at umiling. "I don't know."

"Everything's going to be alright Zoe. Nakamove on ka na, okay? Yun yung isipin mo. He was a history, he's a stranger. It was ages ago. Huwag kang magpapaapekto sa presensya niya sayo. Just put in your mind that he was just an old acquaintance."

I hugged her tight. Niyakap niya ako pabalik. Thank you for giving me this girl, God, who has always been there for me.

He Suddenly Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon