Chapter 34

209 4 0
                                    

CHAPTER 34: The Prince is back

(Zoe's POV)

It's been a week and a half since that day when Clive told me he wants to distance himself. Hindi ko na siya nakikita – hindi na kasi siya dumadaan dito sa condo o maski sa shop. Hindi nadin siya nagtetext o kaya'y tumatawag. Ayoko naman na ako yung maunang cumontact sa kanya.

He said he wants to avoid me and I will respect his decision. I kinda miss him tho. Dadating naman din siguro yung panahon na babalik ulit sa dati. Maybe when his feelings would be mutual with mine – when  his feelings would reduce to being friends... plain friends.

Sunday ngayon kaya naisipan ko munang mag grocery. Di muna ako papasok sa shop. Paubos na kasi yung mga stocks ko sa bahay. I also prepared my used clothes, idadaan ko sa laundry mamaya.

Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko si Tristan sa sala. Ano na naman kaya ang ginagawa nito dito? Simula nung malaman niya yung passcode ng unit ko, palagi nalang siyang sumusulpot.

Plus, he even teased me about my passcode. Sabi niya patay na patay padin daw ako sa kanya. Goodness! Ayaw pang maniwala na coincidence lang na naging magkapareho yung passcode ko at ang anniv namin. Hindi ko nadin kasi pinalitan.

"Bakit ka nandito?"

Tumayo siya mula sa couch. "Mag g-grocery ka diba? Sasama ako."

"Wala ka bang trabaho?"

"Nag leave muna ako."

I nodded. "Tara na."

"Wait... Magbihis ka muna. Something decent and formal."

"Bakit?"

"Pupunta tayo ng simbahan."

"Magsisimba tayo?"

"Kung mas type mong magpakasal tayo, pwede din. I'm always ready to marry you anytime."

I made a face causing him to laugh. Anong nakakatawa? Srsly?

He pushed me towards my bedroom, "Bihis na."

"Fine. Fine." As if I have a choice, kaya ayun nagbihis na ako ng decent and formal one.

We went to the church and after an hour natapos na ang ceremony.

Dumaan muna kami sa laundry shop bago pumunta sa mall.

Nilagay ko na sa cart yung mga nasa listahan ko – siyempre naglista talaga ako para wala na akong makalimutan.

"Chocolates? Huwag ka ngang kain nang kain niyan." Sabi niya sabay balik ng ferrero sa stool.

"Favorite ko yun." Sabi ko sabay kuha ulit ng chocolate. Kumuha din ako ng dairy milk, toblerone at mars.

"Tataba ka niyan."

I raised a brow, "So you're telling me I'm fat?"

"Uhh..." he was trying to find a word but I cut him off. "Didn't you know telling a girl she's fat is the worst insult?"

"Okay, I never said you're fat. Iba ang 'tataba' sa 'mataba'." He stated emphasizing every word. "See the difference of the tenses."

"Kahit na, ganun padin yun."

He sighed, "Fine, fine. My bad. Bakit ba lagi ka nalang nananalo sa atin?"

"Because you love me."

He Suddenly Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon