Chapter 37

216 3 0
                                    

CHAPTER 37: Marking the Territory

(Zoe's POV)

"Siguro naman masosolo na kita ngayon?" tanong niya sa akin na may halong pagtatampo. Sa isang lingo kasi na pananatili nina Kuya dito sa Pilipinas, nasa kanila ang halos lahat ng atensyon ko kaya nagdadrama 'tong boyfriend ko ngayon. Doon din kasi ako sa mansion nag stay kasi hiniling ni Kuya ko para masulit daw namin yung one week tapos nag outing pa kami. Plus nadagdagan pa yung kadramahan niya kasi bakit daw laging kasama si Clive. Alangan naman iwanan siya, edi di sila nakapagbonding ng ate niya?

"I told you that you could come with us pero ayaw mo."

Alam ko naman na gusto niyang sumama pero hindi siya pwedeng hindi pumasok sa opisina.

"Di bale na, umuwi nadin naman kuya mo so full attention ka na ulit sa akin." He stated as he put his arms around my waist. Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot ng airport, hinatid namin sina Kuya kanina.

"Oo na, damot mo ng time."

Hinawakan niya ang kamay ko at sumakay na kami sa sasakyan niya.

"Saan mo ba gustong pumunta ngayon?" tanong niya habang hawak hawak padin ng isang kamay niya ang kamay ko at ang isa naman ay nasa manibela.

"Dalhin mo lang ako kahit saan mo gusto."

He smiled. Bigla namang nag ring yung phone niya.

"Mom? Bakit po kayo napatawag?" Sagot niya sa telepono. Binitawan na niya ang kamay ko para sagutin ang tawag.

Nagulat ako nang bigla niyang itinabi ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakikinig sa Mommy niya kaya kinabahan ako, pero may nakikita akong saya sa mga mata niya.

"Yes Mom." That's the last thing he said before hanging up.

"What did your Mom said?" I asked him.

His lips suddenly formed into a smile and he hugged me immediately as he said "Dad's awake."

Napangiti ako dahil sa narinig ko. I'm happy to hear that Tito Ted is awake after being in coma for a year. Buti nalang at hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy na nanalig sa Panginoon. Now the miracle has appeared.

"Hey, bakit ka umiiyak?" he asked me the moment he heard my sobs. He cupped my face.

Umiling ako. "Wala, masaya lang ako." Niyakap ko siya ulit. "Ano pang sabi ng Mommy mo?"

"Dad wants to see me so I have to go back to Cali."

Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Babalik na siya ng Cali? Magkakalayo na naman kami?

Mukhang nabasa niya naman ang iniisip ko kasi kinurot niya ang ilong ko. "Sandali lang ako dun."

"Gaano ka tagal?"

"Five days maybe."

I breathed. Akala ko naman magtatagal siya dun. I can't bear to be away from him again for long.

Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho pagkatapos niya akong halikan.

"Baby..." tawag ko sa atensyon niya.

"Hmm?" he took a quick glance at me before returning his eyes on the road.

"Sa condo mo nalang tayo dumiretso.. hapon naman nadin kasi tinatamad na akong lumabas, tas padeliver nalang tayo ng hapunan."

He Suddenly Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon