CHAPTER 23: First Love
(Clive's POV)
I smiled, "No Z, it's because first love never dies."
Napatingin agad siya sa akin. She raised her brow at me. "Oh, ano namang connect nun sa first love mo?"
My smile grew bigger. I think I should tell her now.
"Listen..." I trailed off.
I met my first love when I was in grade school, I was grade one that time. My mom was a teacher. May program yung school nila kaya sinama niya ako kase wala naman akong pasok nung araw na yun. Nasa kalagitnaan ng program nang lapitan ko si Mommy.
"Mommy, I want to pee." Sabi ko kay Mommy na busy sa pag f-facilitate ng mga students niya.
Yumuko siya para magkapantay kami, "Wait lang muna baby ha, 15 minutes, pag natapos na yung presentation."
"Ako nalang Mommy, alam ko naman po papunta sa classroom mo."
"Sige, balik ka agad ha."
Pumunta na ako sa classroom ni Mommy. Umihi agad ako. Finaflush ko pa yung toilet nang biglang bumukas ang pinto ng cr kaya napaharap ako.
"Aaaaaaaaah!" sigaw nung batang babae nang makita niya ako at dali-dali niyang tinakpan yung mukha niya.
Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko lang siya. Bat siya nagtatakip eh naka pants naman na ako? Agad naman siyang tumakbo palabas ng classroom. Hindi na niya napansin na nahulog pala yung I.D niya. Pinulot ko yun at binasa 'Lopez, Zoe Gabriella – Kinder 2'
Lumabas na ako ng classroom at bumalik sa hall. Hinanap ko yung Zoe para isauli sana yung I.D niya pero di ko na siya makita kaya tinago ko nalang. Ibabalik ko nalang ito pag nakita ko siya ulit o ibibigay ko nalang kay Mommy.
Tiningnan ko yung picture niya nung nakauwi na kami sa bahay. Ang cute niya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti. Naalala ko yung mukha niya habang sumisigaw kaya medyo napatawa ako.
"Hoy!" sigaw ni ate Clary nang makapasok siya sa kwarto ko. Agad ko namang tinago yung ID sa ilalim ng unan. "Bakit ka tumatawa?" tanong niya.
"Wala."
Bigla naman siyang tumakbo palabas habang sumisigaw ng "Mommy! Mommy! Nababaliw na si Clive! Nababaliw na siya!" Tss. Ako ba talaga yung nababaliw o yung ate ko? Kinuha ko ulit yung ID tas nilagay ko sa drawer ng bedside table.
"Ikaw pala yung batang yun? Alam mo bang ilang araw akong umiyak dahil lang dun sa nangyari tapos ikaw lang pala yun? Nakakainis! Bwisit ka talaga Clive!" pinaghahampas niya ako. bakas sa mukha niya ang pagkainis at pagkahiya.
"Hala! Kamusta naman yun Z? Kasalanan ko kung hindi ka marunong kumatok?"
"Kahit na ano! Pinaiyak mo parin ako." pagmamaktol niya. Problema ng babaeng to?
"Bakit nga?"
"Kase sabi nila, pag may nakakita ka daw na umiihi o nakita kang umiihi ng isang tao nung bata ka pa, siya na daw yung makakatuluyan mo." She pouted. Ang cute talaga niya pag nagiging childish.
What she said made me grin. "Oh, bat ganyan ka makatingin?" tanong niya. Nakasimangot siya sa akin.
"So, mukhang tayo talaga ang magkakatuluyan Z." I said wiggling my brows.
She rolled her eyes, "Psh. Di naman totoo yun eh."
"Hindi natin alam Z."
"Ewan ko sayo. Eh paano mo nalaman na ako pala yung batang yun?"
Nasa bahay kami nina Kuya Sky. Hindi ko alam kung anong pinunta ni ate dito. Nasa living room lang ako at nakaupo. Kanina pa ako naghihintay ah, sobrang bored na ako. Ang tagal naman kasing bumaba ni ate Clary eh, ano kayang ginagawa nila sa taas?
I wandered my eyes around. May nahagilap yung mata ko, isang family picture nila. I went near it. Bata pa si Kuya Sky sa picture, siguro nasa grade 5 or 6. My eyes went to the girl beside her. Zoe? I gasped. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun. Siya yung batang biglang nagbukas ng pinto ng cr at naiwan ang ID niya nung bigla siyang tumakbo. I stared at the picture a little longer.
Napabalikwas ako nang may umubo sa bandang likuran ko. I turned around and saw my sister with her boyfriend.
"Titig na titig tayo ah. Masyado bang cute ng little sister ko?" he teased by having a cheeky smile.
Shoot! Little sister? Magkapatid sila? Ang liit talaga ng mundo. Bakit hindi ko nga pala naisip yun? Zoe Gabriella Lopez at Sky Gabriel Lopez, pareho silang Lopez oh.
May biglang pumasok sa isip ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko, "Kuya... is s-she here?" Hindi ko kase alam kung dito din ba siya nakatira. Second time ko palang kaseng makapunta dito.
Kaba, tuwa – yan ang nararamdaman ko. After a long time, mukhang makikita ko na ulit siya.
Napailing si Kuya Sky, "Nope. She's in the Philippines."
Oh, I see. Di ko pala siya makikita. "But she's coming here. Next week, maybe, for the wedding."
I smiled and nodded. So, I'm gonna meet my first love again.
"That time nga nung nasa garden ka, nakaharap sa fountain at nakapikit ang mata, sinundan talaga kita nun. I could've just watched you by that time but I took all my courage to speak because I've been longing to talk to you since the day I knew I'm going to see you again. Jackpot na nga at naging magkaibigan tayo."
"Teka? Ano? Sandali ah. First love? First love mo ako? Paano? Ang bata mo naman nun para mainlove, diba?"
"I don't know either. Basta after nun, parang napapangiti nalang ako pag naiisip kita, lagi ko ngang tinitingnan yung picture mo. Marinig ko nga din yung pangalan mo, bumibilis to." I said while pointing my left chest. "So I suppose, it was first love." I smiled, remembering something really memorable in the past, "Love at first sight really does exist."
Her mouth hung open. Her face was filled with astonishment.
BINABASA MO ANG
He Suddenly Came Back
Ficción GeneralZoe Gabriella's world shattered down when the man she loved with all her heart left her without a word. That was the death of her. She was so lost. And she had no choice but to accept what happened and move on. But he came back in the midst of her h...