CHAPTER 35: Surprised is everyone
(Zoe's POV)
Magkayakap pa kami ni Kuya nang pumasok si ate Clary kaya medyo nagulat ako. Pati din pala si Ate sumama. Lumapit naman ako sa kanya at saglit siyang niyakap saka ako humarap sa kanilang dalawa.
"Wala talaga kayong pasabi na uuwi kayo dito." I pouted. Sana naman kasi nag inform sila, di tuloy ako nakahanda tsaka di sana nasundo ko sila sa airport.
"Ito kasing kuya mo, gusto ka daw sorpresahin."
"Psh."
"Ay, ayaw mo princess? Sige, balik nalang kami ng England." Sabi pa ni Kuya na kunwari nagtatampo.
"Sige, balik na, bye!"
Napataas naman ang kilay ni kuya sa akin at biglang kinurot ang pisngi ko. "Ganun ah! Pasalamat ka na miss ko nang sobra ang prinsesa ko."
Hinawi ko agad ang kamay niya. "Wag kang nangungurot prince."
"Oo na, cute mo kasi e!"
He was grinning when his gaze turned to the person behind me. Kung hindi ko sobrang kilala tong kapatid ko, makikita ko ngayon na ngiting-ngiti parin siya. But since I've known him all my life, alam kong nag-iiba na yung timpla niya. Hindi na tumagal ang ngiti niya at unti-unti na itong napawi.
Tumabi naman ako kay Tristan at hinawakan ang kamay niya. For sure na out of place ito sandali.
Tiningnan ako ni Kuya na may nagtatanong na expression. "oh." Yun lang ang lumabas sa bibig niya bago niya tinawag si Nanay Luz para tanungin kung kakain na ba dahil gutom na sila. Kahit na hindi na nagsalita si Kuya, alam ko naman sa mga tingin niya na gusto niya ng explanation mamaya.
Nagpunta na sila sa kusina dahil sinabi ni Nay na handa na daw ang pagkain. Naiwan kami ni Tristan na nakatayo malapit sa hagdan. Binitawan niya ang kamay ko at inilipat ang kamay niya sa bewag ko para higitin ako papalapit sa kanya.
"The way your brother looks is scary." He whispered against my ear.
I giggled. Galit sayo yun babe, baka nilulumpo ka na nun sa isip niya. I thought.
"Sumunod na tayo sa kusina." I told him instead of saying what was I thought earlier.
"We just ate, tas kakain na naman tayo? Dun nalang tayo sa kwarto mo baby."
"Edi nagtaka pa sila? Dun na tayo sa kusina. Hindi mo naman kailangang kumain e." tapos hinila ko na siya papunta sa kusina.
Naabutan namin sila na nagkukwentuhan at nagtatawanan habang kumakain. Pinasabay kasi ni kuya si Nay at ang ibang mga naiwang nagbabantay ng bahay sa pagkain. Umupo na ako sa harap ni ate Clary at tumabi si Tristan sa akin, nakaharap siya kay Clive.
Oo, nandito nga si Clive. Actually, hindi ko talaga napansin na kasama pala siya nina Kuya kanina. Mukhang siya ang sumundo sa kanila sa airport.
Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin sa akin. Iniwas naman niya agad ang tingin niya at binaling sa pagkain niya. When would you stop avoiding me Clive? Nakakalungkot lang.
Binaling ko nalang tingin ko kay Tristan. "Di ka ba kakain?"
"Ikaw, di ka ba kakain?" balik niya ng tanong "Gusto mo bang subuan kita?"
I rolled my eyes.
Nagsalita naman si ate Clary, "Zoe." Tawag niya sa atensyon ko.
"Bakit ate?"
"Hindi mo pa pinapakilala yang kasama mo."
Sinulyapan ko si Tristan na nakatitig lang sa akin. "Uhh..."
"Kilala na namin siya love." Pagsabat ni Kuya.
"Ako, hindi ko pa siya kilala love."
"Uhh, si Tristan po ate, boyfriend ko."
Her lips formed into a teasing smile then she turned her gaze to Tristan. "Nice meeting you Tristan. Alagaan mo itong prinsesa namin ah, mahal na mahal kasi yan ng prinsipe niya."
"Of course." Inakbayan niya ako "Aalagan ko siya and will love her for the rest of my life. Hurting her would be the last thing I'd do." And I smiled.
I heard kuya scoffed and Clive faked a cough and he stood up. "Excuse me." Then he left the kitchen.
Napa 'ayiee' naman yung ibang mga kasambahay pati si ate Clary.
Halos ginugol lang sa asaran ang buong pagkain. Nakisabay nadin si Tristan sa kanila – lumandi nang todo-todo tas dinamay pa ako. Pero hindi na bumalik si Clive simula nung nag excuse siya. Nasan na kaya yun?
Nang matapos na kaming kumain, umakyat muna ang mag-asawa sa kwarto nila dahil magpapahinga daw muna si ate Clary tsaka magbibihis si Kuya. Tristan and I stayed at the sala.
"Baby, nag text sa akin sa Ivan. Pupunta muna ako ng office, may aayusin lang kami."
"Diba Sunday ngayon?"
"Oo... pero kasi..."
I sighed "Yeah, I understand."
No matter how I wanted to spend time with him, alam ko naman na priority din niya ang kumpanya nila. Hindi ko dapat yun kalimutan.
"Hatid na kita sa labas." I offered.
"No need. Basta tatawagan kita mamaya para sunduin ka. Sabay na tayong bumalik sa condo. Sandali lang naman ako dun." He kissed my forehead. "I'll pick you up later, alright?"
I nodded then he headed outside.
"Princess..." Napalingon ako kay kuya, he's in the midway of the stairs. "Can I talk to you?" Kinakabahan ako kay kuya, hindi ko kasi mabasa ang expression niya and the way he speaks... parang galit.
Umakyat siya ulit at sumunod ako sa kanya papunta sa veranda.
"You didn't tell me you're together again." He said it calmly but the piss in his voice is quite obvious.
Napayuko ako habang kagat kagat ang labi ko. "Sorry Kuya." Nasanay kasi siya na wala akong nililihim sa kanya, na halos lahat ng nangyayari sa akin sinasabi ko sa kanya.
"Kailan lang?"
"Almost two weeks."
"Kailan siya bumalik?"
"More or less two months Kuya."
"Princess, I don't want you to get hurt again." Diretso niyang sabi. "Sinaktan ka na niya ng isang beses at alam kong kaya niya ulit gawin yun."
"Hindi niya ako sasaktan Kuya. I already knew the reason why he left and it was valid."
He sighed. "Okay. As long as you're happy I'll support whatever your decision is. But princess, the moment he'd make you cry again... hindi ko na alam, hate me but I'll never let him come near you again."
"Trust me Kuya, hindi na niya ako paiiyakin. Kung iiyak man ako dahil sa kanya, it'd be a tears of joy." I gave him an assuring smile.
"I trust you, it's him that I don't trust."
I pouted and warned him "Kuya!"
Ginulo niya nalang ang buhok ko. Yan ang gusto ko sa kuya ko, he's very supportive and protective and caring and loving and everything – he's a perfect brother.
"May isa pa princess."
Tumingin ako sa kanya nang nagtataka.
"Nagkasamaan ba kayo ng loob ni Clive? Pansin ko hindi kayo nagkikibuan."
I bit my lower lip again. I'm feeling guilty.
"You two have to talk. He's at the pool area, malalim yung iniisip."
BINABASA MO ANG
He Suddenly Came Back
General FictionZoe Gabriella's world shattered down when the man she loved with all her heart left her without a word. That was the death of her. She was so lost. And she had no choice but to accept what happened and move on. But he came back in the midst of her h...