Ako nga pala si Kim Nahyun. Mahirap lang kami ng mama ko. Hindi ko alam kung nasaan na ang papa ko dahil hanggang sa paglaki ko kaming dalawa lang ng mama ko ang magkasama sa bahay.
Sakto lang saaming dalawa ng mama ko ang bahay namin. Kulang kulang man kami sa mga gamit at Hindi man ito kasing gara ng ibang bahay jan, para saakin maganda at malaki na ito.
May isa nga pala akong kaibigan, si Jo Eunae. Bata palang kami siya na ang kaibigan ko. Medyo malapit ang bahay nya saamin, mga ilang liko lang sa kanan.
Isang araw, may pumunta sa bahay namin. Taga Documentary show daw sila na nag papalabas ng mga karanasan ng mga taong mahihirap. At ayun kinausap nila si mama habang may mga dala dalang malalaking camera.
Ibig sabihin ba nito, lalabas si mama sa mga TV at mapapanood siya ng mga tao?!
Mga ilang oras pa eh natapos din sila. Pagkaalis na pagkaalis nila, nilapitan ko si mama.
Ang sabi nya eh nag kwento daw siya tungkol sa buhay nya noong dalaga palang siya hanggang sa paglaki nya at kung gaano sila nag hirap noong mga panahong iyon.
Mga ilang araw pa eh bumalik sila at sinabing maraming namangha sa istorya ng mama ko. Bago sila umalis May inabot silang mga papel kay mama.
Nilapitan nya ako at sabing makakapag aral na daw ako sa pinapangarap kong eskwelahan. Ang BH Highschool Academy. Eskwelahan na ang mayayaman lang ang nakakapasok.
Nagtaka ako dahil wala naman kaming pera para makapag aral ako sa ganung klaseng eskwelahan.
Ipinakita nya saakin ang mga papel na binigay sakanya. Nakalagay doon na nakapasok ako bilang scholar student.
Eh matatalino yun diba? Pano nila masasabi na matalino ako kung hindi naman ako nag pupunta doon para mag entrance exam.
Ang sabi saakin ng mama ko, ayun daw ang napagkasunduan nila nung taga Documentary chuchu. Sasabihin nya ang buhay nya at ang scholarship ko ang kapalit.
Siyempre dahil pangarap ko ang makapag-aral doon, tinanggap ko. Nag alinlangan lang ako dahil magkakahiwalay na kami ng school ni Eunae.
At dahil daw ako ang pinaka unang naging scholar sa BH Highschool Academy, sa special class nila ako pinasok.
Sa pag pasok ko ng classroom na iyon, doon nag simula ang aking nakapanapanabik na High school life kasama ang 5 nag gagandahang babae at 7 nag gagwapuhang lalaki.
----------------------
Read. Vote. Comment :)
Another story. Pero this time ako lang ang writer hahaha. Sana po magustuhan nyo. Wag mahihiyang mag vote haha kung may tanong, go lang. Thank you ~
BINABASA MO ANG
Transfer
FanfictionHighest Rank: #1 in Fanfiction. Storya ng isang mahirap na babae na na-transfer sa mundong puno ng mga snobbish, rich kids. This story is Base on a kdrama "Shopping King Louie" so some of the scenes and dialogue may look familiar to you :)