CHAPTER 1

112K 2.4K 154
                                    

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba toh o hindi. Kasi alam mo ba ung feeling na matutupad na ung dati mo pang pinapangarap? Nakakasabik na nakakakaba. Sa Monday na kasi yung simula ng pagpasok ko eh Sabado ngayon. 2 araw nalaaaang!

"Sige na anak. Matulog kana" sabi saakin ni mama habang nilalatag ang makapal na kumot sa sahig bilang higaan. Ganoon lang din ang akin.

"Ma, Salamat ah" tinignan nya ako at ningitian ko siya.

"Para sayo anak, gagawin ko ang lahat. Kahit na wala ang papa mo" Ngumiti rin saakin si mama bago hinalikan ang noo ko.

Kahit na wala si papa, okay lang dahil si mama lang sapat na saakin.

"Cge na matulog kana"

Humiga na ako pati si mama at natulog ng mahimbing.
--------------

Kinabukasan
Sunday 4:46 pm

Magdamag kong inisip ung scholar kahapon at Ang akala ko wala na akong iisipin ngayong araw.

Nakalimutan kong sabihin kay Eunae. Hays. Pupuntahan ko na lang siya. Hindi naman ganun kalayo ung bahay nya saamin.

"Ma! Punta lang po ako kila Eunae ah?"

Nasa kusina si mama, nagluluto ng pagkain namin para mamaya. Tumango lang siya saakin kaya lumabas na ako ng bahay.

Kasabay kong nag lalakad ang mga taong nakasuot ng magagandang damit na panlamig. Samantalang ako, lumang jacket lang ang meron ako panlaban sa panahon ngayon.

Sa kanan ko naman makikita ang mga magagarang sasakyan na hindi namin kayang bilhin.

Balang araw, makakasakay din ako sa ganyan.

Hays. Di na nga ako mag a-assume. Mag aaral nlng ako ng mabuti para magkaroon ako ng magandang trabaho para matulungan ko si mama.
---

"Ano?! Talaga ba?!" Sigaw saakin ni Eunae. Nandito kami ngayon sa kwarto nya nakatambay. Kanina pa ako nakarating dito pero ngayon ko lang sinabi sakanya lahat ng nangyari kung paano ko nakuha ung scholarship.

"Oo. Totoo yun promise!" Tinaas ko ung kanang kamay ko at ginawa ung 'cross my heart' sign.

Ngumiti siya saakin at niyakap ako ng mahigpit, dahilan ng aking pagka gulat. Ang akala ko kasi mag tatampo siya sakin kasi maghihiwalay na kami ng pag aaralan.

"Masaya ko para sayo Najjaaang!" Sabi nya na may halong pagkasabik.

Kumawala ako sa pagkakayakap naming dalawa at tinignan siya sakanyang mga mata. Hindi siya nagbibiro, masaya nga siya para saakin.

"Hindi kaba nag tatampo?"

"Bat naman ako magtatampo? Haha"

Natawa nalang ako kaya hinampas nya ako sa braso. Siyempre di ako magpapatalo kaya hinampas ko din siya. At ayun, nauwi kami sa hampasan.

Susulitin ko na ito. Madalas nalang kami mag sasama. Hindi ko na siya makakasabay maglakad tuwing umaga, hindi ko na siya makakasabay kumain tuwing recess, wala na akong kasabay maglakad pag uuwi. Kaiyak.
-------------------

Pag uwi ko bumungad agad saakin ang mabangong pagkain na luto ni mama.

Wala kaming malaking lamesa, maliit lang ito at sa sahig kami umuupo ng naka indian sit.

"Oh buti naman nakauwi kana. Saktong sakto kakatapos ko lang magluto" sabi saakin ni mama habang nakangiti.

Ningitian ko lang siya at naupo na sa sahig. Sumunod si mama at naglagay ng isang mangkok ng kanin sa lamesa. Nag dasal muna kami bago kumain.

Mabilis ko lang naubos ung pagkain ko kasi Hindi ako ganun karami kumain. Habang Hindi pa tapos kumain si mama, nag uusap lang kami kung anong nangyari kanina nung pumunta ako kila Eunae.

Nang matapos siyang kumain, agad ko siyang tinulungang magligpit ng mga kinainan namin. Sabi ko ako na ang mag huhugas pero ayaw nya kasi kailangan ko na daw matulog.

"Baka nakakalimutan mo, may pasok kapa bukas diba? Kaya ako na dito at matulog kana susunod nalang ako"

Oo nga pala. Bukas na pala ang unang araw ng pasok ko sa BH Highschool Academy. Excited na ako! Pero teka lang. Hindi ko pa nakukuha ung uniform ko pati mga libro ko.

"Ma, wala pa po akong mga libro pati ung uniform" sabi ko sakanya sabay pout.

"Wag ka mag alala, may nagdala ng mga libro at uniform mo dito kanina" ginulo nya ang buhok ko sabay halik sa noo ko.

"Cge po ma! Goodnight~" tuwang tuwa akong pumasok sa kwarto namin at naglatag na ng higaan ko. Bago ako matulog siyempre naligo muna ako.

Pagtapos kong maligo siyempre nag suklay ako at pinatuyo muna ang buhok ko. Nang medyo tuyo na ung buhok ko, humiga na ako at nag dasal. Bigla bigla akong tinatamaan ng swerte at nag papasalamat ako doon.

Hindi na ako makapag hintay. Sana maayos ang turing ng mga estudyante saakin kahit na hindi nila ako katulad.
-------------------

Read. Vote. Comment :)
First chapter. Sana po magustuhan nyo. Thank youuu ~

 Thank youuu ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon