CHAPTER 24

32.9K 1K 77
                                    

Bago ako bumalik ng classroom, inutusan ako ni Taehyung na mag palit na muna ng uniform kahit ung pang PE manlang.

Kailangan nya na daw kasi bumalik sa classroom nila kasi papagalitan daw siya ni Miss. Hong.

Euijin? Haha!

Nakasisigurado naman na akong medyo tuyo na tong mga libro ko kaya pwede na akong umalis dito sa pang sun bathing ko.

Isa sa mga pangarap kong gawin sa beach. Pero siguro hanggang fountain lang ako ㅠㅠ

Nagpaalam na kami ni Taehyung sa isa't isa. Parehas lang naman kami ng dadaanan pero kailangan ko muna pumunta sa locker ko eh.

Habang nag lalakad ako naalala ko na pinakelaman nila ung locker ko.

Ang dali ko naman makalimot! Tsk

Agad akong tumakbo papunta ng locker ko. Pag bukas ko ng locker ko Hindi na ako nagulat sa nakita ko.

Ung uniform ko sira sira, ginupit gupit.

Dahil sa frustration, galit,stress at kung ano ano pa, di ko inaasahan na mabalibag pasara ang locker ko.

Nag wala ako ng parang bata. Okay lang, wala namang tao eh nasa loob ng mga classroom. Tinigilan ko ang pag tantrums ko ng may nahulog sa sahig galing sa balikat ko.

Ung blazer ni Taehyung.

Agad kong kinuha ung blazer at pinag-pag ito. Baka nadumihan eh. Di bale na, lalabahan ko parin naman toh. Isusuli ko nalang sakanya pag tapos ng exam.

Bago ako pumasok sa classroom nilagay ko muna ung blazer ni Taehyung sa loob ng bag ko. Baka makita pa ni Sohye eh.

Pagkapasok ko buti di nila ako pinansin. Pero siyempre may nagtatangkang patirin ako pag dadaan ako sa harapan nila.

Naupo ako sa upuan ko, more like sumalampak sa upuan ko. Hanggang ngayon amoy coke parin ung buhok ko. Matinding liguan toh mamaya. Hayys

2 libro nalang ang kulang sakin.

Nilibot ko ang paningin ko ng may nahagip ang paningin ko. May isang libro sa ilalim ng upuan ng kaklase ko.

Gumapang lang ako kasi baka may makapansin saakin. Tuwang tuwa ako ng mahawakan ko na ung libro ng biglang may tumapak ng kamay ko.

"Ow!" Tumingala ako at nakita ko ang kaklase kong babae na binabato ako ng mga papel nung nakaraan. Nag fake gasp siya at mas lalong diniinan ang pagtapak sa kamay ko.

Ang sakit..parang madudurog ang kamay ko.

"Opps!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko pero ayaw nyang tanggalin ang pagkakatapak nya kaya mas lalo lang sumakit ang kamay ko.

Thank god inalis nya na ang pagkakatapak nya sa kamay ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang galit na galit na si Ms. Kwon.

Agad kong kinuha ang libro ko at bumalik sa upuan ko. Namumula ung kamay ko at may bakat ng sapatos.

Hinimas himas ko ang kamay ko dahil sobrang sakit. Tinignan ko si Ms. Kwon na nag iinarte, magkaaway daw sila ng 'oppa' nya ngayon.

Hindi ko na sila pinakinggan ay Pinagpatuloy ko nalang ang paghimas ng kamay ko.

Hays.
---------------------

Umuwi akong dala dala lahat ng gamit ko. Hindi ko na siya ilalagay sa locker ko. Ung PE uniform ko? Ayun pinoproblema ko.

Napag isip isipan ko na wag na muna sabihin kay mama kasi pati siya namomroblema sa trabaho nya.

Pauwi na sana ako ng maalala kong may trabaho na pala ako. Hays! Agad ako nag iba ng direksyon patungo sa Cafe nila Dohee.

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon